Chapter fourty nine

4.9K 201 27
                                    

10:30 pm

Malayang  pinagmamasdan ni Megan ang natutulog na si Theo.Nasa rest house na sila sa batangas na pag-aari ni Malou.Nagpatulong siya sa caretaker ng rest house para maipasok at madala si Theo sa silid at ngayon nga wala parin itong malay at himbing sa pag-tulog.

Alam niya kamumunghian siya nito pagkagising nito pero kilangan niya itong gawin.Maya-maya pay narinig niya ang mahihinang katok sa pinto ng silid.Tumayo siya at tinungo ang pinto saka iyon binuksan.

Nabungaran niya Mang Julio na hawak sa kamay ang taling ipinakuha niya.

"Ito na po ma'am ang pinakuha nyo.."wika ni mang julio na may puntong bantangeño.Sabay abot ng tali.

Tinangap naman siya iyon saka nagpasalamat."Salamat Mang Julio.."

"Walang anuman ma'am,Ay siya sige ho at akoy tutuloy na at siguradong kanina pa ako hinihintay ni Misis.."nakangiting wika ng matanda.

"Mag-iingat ho kayo salamat ho ulet.."wika niya.Hinintay muna niya itong tumalikod bago niya isinara ang pinto.

Lumakad siya palapit sa kama kung saan nakahiga anghimbing na si Theo.Kabaliwan ang gagawin niya pero ito lang paraan para di makaalis si Theo.Sinimulan niyang itali ang isang kamay nito sa headboard ng kama ng matapos ang dalawang kamay,isinunod naman niyang itali ang dalawa nitong paa ng magkadikit Pero siniguro naman niyang hindi ito masasaktan sa pagkakagapos niya.

Nang matapos itali ang mga kamay at paa ni Theo Lumabas naman siya ng silid para maghanap ng pwedeng kainin.Kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom.

Theo's Pov

"Hmmm.."

Maharan niyang iminulat ang kanyang mga mata at noong una hindi niya masyadong maaninaw ang paligid hangang sa unti-unti iyong luminaw sa kanyang panangin.Nangtatakang iginala niy anang kanyang mga mata sa estrangherong silid na kanyang kinaroroonan.Hangang sa binalak niyang bumangon pero hindi niya magawa.

Saka niya napagtantong nakatali ang kanyang mga kamay sa headboard ng kama,maging ang kanyang mga paa.Nagsalubong ang kanyang mga kila at lumalim ang gatla sa kanyang noo.Saka bumalik alaala niya ang pag-uusap nila ni Megan maging ang pagtakip ng panyo nito sa kanyang ilong.

Napabuga siya sa hangin ng mapagtanto ang lahat.Kinidnap siya ng babae?Hindi na niya kilangang itanong pa kasi obvious naman.Nanggagalaiting pilit niyang hinihila ang kanyang mga kamay pero mahigpit ang pagkakatali niyon.

"Fuck!Megan!"galit niyang sigaw.Pero walang tugon.

"Megan!"let me go!!

Walang tugon.Ang tangi niyang naririnig ay ang parang makakalas na hampas ng alon mula sa labas ng bahay na kinaroroonan niya.

Sea wave?ibig sabihin malapit siya sa tabing dagat.

"Me-"sisigaw sana muli siya ng bumukas ang pinto ng silid at iniluwa ang babae.Halatang nagulat pa ito ng makitang gising na siya.Dumako ang kanyang mga mata sa hawak nitong plato na may lamang kanin at hindi niya niya malaman kung anong lutong ulam ang naroroon.

"Anong Ibig sabihin nito?!"nangagalaiting tanong niya dito.

"Kung ano ang tumatakbo sa isip mo yun na yun.."painosenteng sagot nito.Saka umupo sa bakanteng single couch na nasa loob ng silid.

"Megan!sagutin mo ako ng maayos!at pakawalan mo ako!"

"Hindi!dyan kalang hindi kita pakakawalan hangat hindi natatapos ang araw ng bukas. "

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon