MEGAN
Walang lingod likod na tinalunton ni Megan ang palabas ng kalamasian habang tumutulo ang kanyang mga luha na marahas niyang pinahid. Natanaw niyang nag-uusap sina Sr. Alfredo at si Daniel,bumaling sa kanya ang atensyon ng dalawa. Narining niyang tinawag siya ni Sr. alfredo pero hindi na niya ito pinansin. Pinagpatuloy niya ang paglalakad gusto niyang makalayo na sa lugar na ito at higit sa lahat gusto na niyang makalayo kay Theo.
"Hey.....wait.."
Napatigil siya sa paghakbang ng maramdaman ang matigas na kamay na pumaikot sa kanyang braso. Nang lingunin niya ang nag mamay-ari niyon ,nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Daniel.
"Are you alright..?" tanong nito na bakas sa boses ang pag-aalala.
Bago ito sagutin tinanaw niya ang pinanggalingan at nakita niya si Theo na noon ay nakatayo sa tabi ni Sr. Alfredo habang nakatanaw sa kanya. Binalik niya ang tingin kay Daniel.
"Can you please bring me back to Sr. Alfredo's house?"
" Of course.. but, you have to ride on my horse is that fine..?'' nakangiting tanong nito.
"Yeah not a problem..'' tugon niya na pilit ngumiti.
"Alright,then lets go.." wika nito na hinawakan ang kanyang siko upang alalayan siya patungo sa kabayo nito. Nang hustong makalapit ito muna ang nag patiunang sumakay sa kabayo bago inilahad ang kamay sa kanya at hinila siya pataas para makasakay. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakasakay siya sa kabayo kaya alam niyang hindi naman siya mahuhulog. Nakapwesto siya sa likuran ni Daniel na ramdaman niya ang matigas nitong likuran na lumalapat sa kanyang dibdib kaya naman nakaramdam siya ng pagkailang. Hindi niya maiwasang muling tapunan ng tingin ang kinatatayuan ni Theo,kaya naman kitang-kita niya ang madilim nitong mukha habang nakatanaw sa kanila.
"Hmm,you have to cross your arms around my waist..'' wika ni Daniel na umagaw ng kanyang atensyon.
"Okay..'' tugon niya bago sinunod ang sinabi nito. Pinaikot niya ang dalawang braso sa bewang nito kaya naman naramdaman niya ang maskulado nitong tiyan na raramdaman niya ang ilang umbok na animo matigas na pandesal na nadikit sa tiyan ng lalake. Kaya naman hindi niya mapigilang hindi mailang.
"Are you ready?''
"Yeah Thanks...''
"Alright let's go....Heyahhhhh..'' Si Daniel na pinatakbo na ang kabayo. Iniwasan na niyang muling tapunan ng tingin si Theo at Itinutok ang kanyang paningin sa daan.
Nakakabinging katahimikan ang pumagitan sa kanila ni Daniel naramdaman siguro nitong wala siyang ganang makipag-usap kaya naman nanahimik nalang din ito.Hangang matanaw na niya ang mansion ng Sr. at tuluyang tumigil sa loob ng bakuran ang kabayo.
Nag patiunang bumaba si Daniel at pagkatapos humawak sa magkabila niyang bewang ang mga kamay nito para alalayan siyang makababa. Halos magdikit na ang kanilang mukha ng tuluyang lumapat ang kanyang mga paa sa sahig ng lupa. Para tuloy siyang nahipnotismo habang nakatitig sa gwapo nitong mukha. Hindi niya maialis ang tingin sa nangungusap nitong mga mata.Nanatiling nakahawak ang magkabila nitong kamay sa kaniyang bewang habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata. Hangang nakita niyang unti-unting bumaba ang mukha nito palapit sa kanyang mukha. Alam niya ang balak nitong gawin pero hindi niya kayang iiwas ang kanyang mukha.Kaya naman ipinikit na lamang niya ang kanyang mukha habang hinintay na lumapat ang labi nito sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...