Chapter Fourteen

7.3K 288 19
                                    

Megan

PAGbaba sa hagdan nakasalubong niya si Aling Sofia akay nito ang salbaheng si Kevin na nakamata lamang sa kanya habang kagat nito ang ibabang labi.

"Yaya Meg-are you alright na?" Tanung ng maliit na boses ni kevin.

Aba may natitira papalang kahit kunting concern sa salbaheng ito.

"Okay nako..." turan niya habang pilit na ngumiti.Kahit naiinis siya sa kasalbahehan nito eh hindi naman niya mapigilan ang sariling humanga sa angking kagwapuhan ni Kevin.Kaya lang hindi ito kamukha ng daddy nito marahil ang mommy nito ang kamukha nito.

"Ah,okay..."sagot nito bago bumitiw sa pag kakahawak ni aling Sofia sa kamay nito.Lumapit ito sa kanya at humawak sa kanyang kamay.Pag katapos tiningala siya at ngumiti.

Nagtataka namang napatingin siya kay aling Sofia na nag kibit balikat lamang.

"Mabait kana ba.?" Tanung niya kay Kevin.

Ngumiti ito bago sumagot."Pano po ba maging mabait?" Inosenteng tanung nito.

Napaawang ang bibig niyang tumingin kay aling sofia.Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni kevin,wala ba talaga itong ka idea-idea kung panong maging mabait.

Pero kung hindi nito alam ang pagiging mabait.Ituturo niya.

Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi.Bago siya lumuhod para mag tapat ang kanilang mukha ni kevin.

"Ang pagiging mabait ay sinisimulan sa pag ngiti..ganito oh.." nakangiting turan niya rito na itinuro pa niya ang kaniyang bibig.

Nakamata naman ito sa kanya.

"Sige subukan mo..."wika niya.

Tumalima naman agad ito.Gumuhit ang ngiti sa labi nito na hindi manlang umabot sa mga mata.At sa pag kakapantay ng kanilang mukha saka lang niya napagmasdan ang mga mata nito.

Mata nitong puno ng kalungkutan at pangungulila.Nahuhulaan na niya kung bakit ito nalulungkot,marahil dahil wala ang mommy nito.Nangungulila ito sa pag aaruga ng isang ina.

Namalayan nalang niyang tumaas ang kaniyang kamay at hinamplos nag mukha nito.Nabigla ito sa kaniyang ginawa bago niya nakitang lumambot ang mukha nito.

"Alam kong alam mong maging mabait....kasi hindi naman iyon itinuturo wala yun sa subject sa school.Ang pagiging mabait ay narito.." turo niya sa tapat ng kaniyang puso."  Nandito lang si yaya okay...pwede mo akong sabihan pag malungkot ka i'm here to comfort you..." malumanay at nakangiting turan niya.

Nakita niya ang pag uulap sa mga mata nito na animo maiiyak."  I'm sorry yaya kung nasaktan kita..."anas nito.

Lalo na siyang napangiti mukhang magiging maayos na ang pagtrato ni kevin sa kanya.

"Wala yun...naiintindihan ko...friends na ba tayo..?"

Ngumiti ito bago inilahad ang kamay."Friends.."

Tinanggap naman niya ang pakikipag kamay nito."Friends..." turan niya na tumingin kay aling sofia na nooy nakaguhit ang ngiti sa labi.

________

Nang mapatulog niya si Kevin,tumungo naman siya sa kusina para kausapin si Aling sofia.Kilangan niyang malaman kung nasan na ang mommy ni kevin.

Pag pasok niya ng kusina nakita niyang nag pupunas ito ng dinneng.

"Aling sofia..."anas niya.

Tumigil naman ito sa ginagawa at tumingin sa kanya.

"Bakit ne...?"

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon