22k reads,1.98k votes,thank you sa inyong lahat...😘😘
Megan
Tumutulo mula sa bubong ng palapa ng niyog ang tubig ulan na bumuhos nang nagdaang gabi.Hindi sumilip ang haring araw sa kalangitan,sahalip kulimlim ang buong paligid at sumisimoy ang malamig ba hangin,na nuot sa kanyang katawan.
Ilang beses niyang ikinurap ang kaniyang mata,bago siya bumangon mula sa pagkakahiga.Pangalawang araw na nila ni Theo sa lugar na ito at hindi pa tiyak kung may nakaalam na ba ng pagkawala nila,at si Lee saan na kaya ito napunta?
Nilinga niya si Theo sa kanyang tabi,pero wala na ito roon sahalip bakanteng dahon ng saging ang nakita niya.Inilinga niya ang paningin para hanapin si Theo pero hindi niya ito makita.
Kaya naman tumayo siya at nagdisisyong hanapin ito.Kaya lang ito nanaman ang kanyang sikmura kumakalam na naman.Naglakad siya patungo sa dalampasigan,hangang humalik sa kanyang mga paa ang malamig na hampas ng alon,muli niyang inilinga ang kanyang mga mata,pero hindi talaga niya makita miski anino ni Theo sa dalampasigan.
Naisip niya bigala ang sinabi nito kagabi na ihahanap siya nito nang pagkain ngayong umaga.Dumako ang tingin niya sa kakahuyan,baka naroroon ito.
Nilisan niya ang dalampasigan at naglakad papasok ng kakahuyan,Sumalubong sa kanya ang huni ng mga ibon na animo umaawit.
Nakakita siya ng isang putol na sanga ng puno,pinulot niya iyon,upang gamiting proteksyon sa kung ano mang uri ng hayop ang makakasalubong niya sa daan.
"Theo!"malakas na tawag niya sa pangalan ng lalake,ngunit walang tugon mula rito at tanging mga huni ng ibon ang maririnig sa buong paligid.
"Saan naman kaya nagsuot ang lalaking iyon..."bulong niya,habang patuloy sa paglalakad.Kasabay ng paglinga niya sa paligid ng kakahuyan.
"Sir Theo..!"muli niyang tawag.But then again wala paring tugon.Patuloy siya sa paglalakad na hindi na niya namamalayan na sobra na siyang napalayo sa kanyang pinanggalingan.Hanggang makakita siya ng puno ng papaya na hitik sa bunga,at kung suswertehin ka nga naman ang ilan doon ay hinog na.
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi,pakiramdam ba niya'y bigla siyang natakam at lalong ginutom.
Lumapit siya sa puno nang papaya na hindi naman ganoon kataas,maari niyang sungkitin ang bunga niyon gamit ang putol na sangang hawak niya.
Sinimulan niyang manungkit,pumatak ang isang bunga na agad naman niyang sinalo upang hindi iyon pumatak sa lupa,dahil maaari iyong madurog dahil hinog na.
"One point.."nakangiting wika niya,bago inilagay sa isang tabi ang bunga,bago muli siyang nanungkit.
Limang perasong hinog na papaya ang kanyang nasungkit na labis niyang ikinatuwa,meron na silang aalmusalin ni Theo.
Pinulot niya ang ilang papayang nasungkit niya na inilagay muna niya sa isang tabi.Hanggang sa marinig niya ang nakakatakot na tunog mula sa kanyang likuran.Biglang tumaas ang mga balahibo niya sa katawan dahil sa nakakatakot na tunog na'yon.
Marahan siyang pumihit paharap,nanlaki ang kaniyang mga mata at umawang ang kanyang bibig sa nilalang na bumungad sa kanyang harapan.
Nanginig ang kanyang tuhod sa takot,dahil isang malaking baboy ramo ang ngayon ay masama ang tingin sa kanya,idagdag pa ang namumula nitong mga mata.
Malakas na malakas ang tibok ng kaniyang puso,sa tanang buhay niya ngayon lamang siya nakakita ng ganitong uri ng hayop na tanging sa tv lamang niya nakikita.
"Ka-kaibigan nandiyan ka-pala,ku-musta?!nauutal na wika niya.Kahit alam niyang hindi siya nito naiintindihan.
"Gu-gusto mo..."alok niya sa papayang nasa kanyang mga bisig.Muli niyang narinig ang nakakatakot na tunog na pinawalan ng baboy ramo na tila hindi nagugustuhan ang sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...