MEGAN
Hindi pa siya tuluyang nakakaidlip nang magulantang siya nang may mabigat na bagay na biglang dumagan sa kanya.Bigla niyang naimulat ang mata.At mabilis pa sa alas-kwatrong itinulak ang dumagan sa kanya.
Dahilan para malalag iyon sa sahig.Nagdulot iyon nang malakas na kalabog.
Tarantang mabilis niyang nilisan ang kama.Kasabay ng malakas na kabog sa kanyang dibdib.
Binuhay niya ang switch ng ilaw.Nag liwanag ang kaniyang kwarto.At doon bumulaga sa kanya si Theo na nakahandusay sa sahig.
Napaawang ang kaniyang labi.Anong ginagawa nito sa loob ng kaniyang silid.
Tulog na tulog ito sa sahig.Hindi manlang ito natinag o kaya naman nagising manlang sa lakas ng pag kakatulak niya.Mabuti nalang hindi napahampas ang ulo nito sa wooden tile.
Paluhod siyang umupo sa tabi nito.Inilapit niya nang bahagya ang kanyang mukha sa mukha nito kaya naman naamoy niya ang alak sa hininga nito.
Lasing!
Nag kamali marahil ito ng silid na pinasukan dahil sa kalasingan.
Napangiti siya ng bahagyang marinig ang mahina nitong pag hilik.Para iyong musika sa kanyang pandinig.Bumaba ang tingin niya sa labi nito.At sumagi sa kanyang isipan nang gabing halikan siya nito.
At hanggang ngayon nasa kanyang isipan ang katanungan kung bakit nito iyon ginawa.Kung bakit siya nito hinalikan.Hindi ka may nararamdaman din ito sa kanya.Katulad ng nararamdaman niya para dito.
Pero malabo namang mangyari ang iniisip niya.Malabong mag ka gusto sa kanya ang isang katulad nito.
At ang isa pang tanung sa kanyang isip ay kung bakit hindi niya nakikita ang mommy ni Kevin.Ni pangalan nito hindi niya naririnig.Baka naman kaya siya hinalikan ng lalaking ito ay dahil namimiss nito ang mommy ni Kevin.
"Althea"
Narinig niyang mahinang anas nito.Napakunot ang kaniyang noo.
"Althea"
Ulet niya sa isip.Sino si Althea?Baka ito ang mommy ni Kevin.Sagot rin niya sa sariling tanung.
Hinintay muli niya itong mag salita.Pero mabinig hilik nalang muli nito ang kanyang narinig.
Malaya niyang pinagmasdan ang gwapo nitong mukha.Kung sino mang Althea ang sinasabi nito.Napaka-swerte nito dahil kahit sa panaginig isinasama ito ni Theo.
Parang may sariling isip ang kaniyang kamay dahil namalayan nalang niyang umangat iyon at marahang hinaplos ang makinis nitong mukha.
Nang gumalaw ito mabilis niyang binawi ang kamay.
Maya maya pay bigla itong nag mulat at derektang tumingin sa kanya.Kumabog nang malakas ang kaniyanh dibdib.
Ilang saglit itong tumitig sa kanya bago gumuhit ang isang ngiti sa mapula nitong labi.
Tumaas ang kamay nito at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi.Napakislot siya ng dumampi ang palad nito sa pisngi niya.Maging ang bulta-bultahing kuryente ay paunahang nanulay sa bawat himamay ng kaniyang ugat.
"Althea" anas nito habang patuloy sa paghaplos sa kanyang pisngi.
Napaawang ang kaniyang bibig at hindi siya makakilos.Nanatili siyang nakaluhod sa harap nito habang nakadukwang ang mkuha niya dito.
Althea tinawag siya nitong Althea.Mukhang na sobrahan ito sa alak dahil mukhang pati mukha ng babaeng iyon nakikita nito sa kanya.
"Why?malungkot na tanung nito."Bakit ko ako iniwan?"
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...