Chapter Twenty four

5.7K 266 24
                                    


Megan


Nakatanaw siya sa malawak na karagatan,habang nakaupo sa buhanginan sa dalampasigan.Tulad nga ng sinabi niya kay Theo na wag itong lalapit,hindi nga naman ito lumapit sa kanya masunuring bata.

Bumaling ang tingin niya kay Theo na noon ay nakaupo rin sa dalampasigan ilang hakbang ang layo sa kanya.Tumatanglaw sa kanila ang liwanag ng buwan at kislap ng mga bituwin sa langit.

Ang lamig ng simoy nang hangin na nanunuot sa kanyang kalamanan,nayakap niya ang kanyang sarili,namiss niya agad ang yakap ni Theo ang init ng katawan nito na pumapawi sa kanyang nararamdamang lamig.


Ramdam niya na nagsisisi na ito sa mga sinabi sa kanya kanina,pero gusto muna niyang ipagpatuloy ang pag iinarte,upang malaman niya kung hanggang saan ang tatag at pasensya nito sa kanya.


"Hindi mo ba talaga ako mapapatawad?"malakas na wika ni Theo.

Napabaling naman siya ng tingin dito,at kahit liwanag lamang ng bilog na buwan ang tumatanglaw sa kanila kita niya ang bakas na lungkot sa mukha nito at ang kislap ng lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Hindi."tugon niya na labas naman sa kanyang ilong.

"Kung ganun,wala na pala akong silbi..."malungkot na wila nito bago tumayo.

Nakakunot naman ang noong pinagmasdan niya ito,hanggang maglakad ito palapit sa tubig at lumusong sa dagat.Hindi niya alam kung anong balak nitong gawin pero parang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

"Theo....!"tawag niya dito.Pero hindi siya nito pinansin,patuloy ito sa paglusong sa dagat hanggang umabot nasa dibdib nito ang tubig.

Mabilis siyang tumayo at naglakad palapit dito,lumusong siya sa tubig at nanuot ang lamig nang tubig sa kanyang kalamnan,pero hindi na niya iyon pinansin nakatuon ang atensyon niya kay Theo na patuloy na naglalakad patungo pa sa mas malalim na bahagi ng tubig.

"Ano ba Theo!magpapakatamay ka ba?!pagalit na sigaw niya dito.

"Yes,hindi mo rin naman ako mapapatawad edi-papakamatay nalang ako..."malungkot namang tugon nito na nilakasan ang tinig para marinig niya.

Namilog naman ang mata niya sa sinabi nito."Nababaliw kana ba?"tugon niya na patuloy sa paglapit dito.


"Ahuh,baliw na baliw ako sayo..."malakas nitong tugon.


Hindi naman niya napigilang mapangiti at kiligin sa sinabi nito."Sige ka pag nagpakamatay ka,mag isa nalang ako dito..paano na ako..."pag dadrama niya na pinalungkot ang tinig.Kahit kilig na kilig na siya sa sinabi nito kanina.

Nakita niyang humarap ito sa kanya,umabot na sa leeg nito ang tubig,hindi ba ito nilalamig?

"Pinatatawad mo na ba ako?"tanong nito.Na kitang kita niya ang naglalarong ngiti sa mga labi nito.

"Oo na,bumalik kana dito dahil grabe nilalamig na ako.."aniya na hindi mapigilang mapangiti.


"Come here..."wika nito.


"Nilalamig na nga ako,pinapupunta mo pa ako diyan.."reklamo niya.

"Come here babe..."ulit nito.

Kaya naman napilitan siyang sumunod dito.Palalim na ng palalim ang tubig na nilalakaran niya at kahit hindi siya marunong lumangoy hindi naman siya nakaramdam ng takot na baka siya malunod, dahil alam niyang hindi siya pababayaan ni Theo.

"Lumapit kana dito sakin,hindi ko na abot yang kinalalagyan mo..."wika niya na tumigil sa paghakbang.

Sumunod naman ito bago humakbang palapit sa kanya.Nang tuluyan na itong nakalapit,hinapit siya nito sa kanyang bewang at inilapit ang katawan niya sa katawan nito.At kahit nasa ilalim ng tubig ang kanilang mga katawan ramdam parin niya ang init na nagmumula sa katawan ni Theo.

Hinawakan nito ang kaniyang baba at iniangat upang magtama ang kanilang mga mata.


"I'm sorry for what happened,sa mga sinabi ko..."wika nito sa malamyos na tinig.

"Pinatatawad na kita,nauunawaan ko kung gaano mo kagustong makaalis na sa islang ito Theo..."

Isang ngiti ang gumuhit sa labi nito bago lumipat ang tingin sa kanyang mga labi na nanginginig na sa lamig.


"I love you Al----i love you Megan..."wika ni Theo sa kanya.

At dahil sa nabigla sa sinabi nito,hindi na niya napagtuunan ng pansin ang una sanang pangalang babanggitin nito.Hindi siya makapaniwala sa salitang lumabas sa bibig nito,pakiramdam niya biglang tumigil ang pag-ikot nang kaniyang mundo.

May mga bulaklak sa nag lalaglagan mula sa langit,nasa ilalim sila ng bilog na buwan at nagkikislapang mga bituwin na tila perpekto sa pag-amin ni Theo sa nararamdaman nito para sa kanya.

Kumislap ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng ngiting gumuhit sa kanyang mga labi.Hindi niya maipaliwanag ang sayang kanyang nadarama.


"I love you too..."bigkas niya sa pagitan ng pag-iyak.Natupad na ang pangarap niya,pangarap niyang mahalin rin siya ni Theo.

Sahalip na tumugon si Theo,mabilis na nitong sinakop ang nanginginig niyang mga labi,at ibinuka naman niya iyon upang tanggapin ang halik na ibibigay nito sa kanya.

At makalipas lamang ang ilang minuto,naramdaman nalang niya ang paglapat ng kaniyang likod sa buhanginan at ang pagdagan ni Theo sa kanya.

Na kahit napakalaki nitong tao hindi niya naramdaman ang bigat nito.Patuloy ito sa paghalik sa kanya na kahit ilang segundo hindi pinakakawalan ang kaniyang labi.

Kahit ng isa-isa nitong tanggalin ang kanyang saplot,hindi parin nito inihihiwalay ang labi sa labi niya.Hinayaan naman niya ito na alisin lahat ng nakatakip sa kanyang katawan.

Alam niya kung saan sila hahantong pero ni kunting pagtutol wala siyang nararamdaman,ngayon pa at inamin na ni Theo na mahal rin siya nito.Handa siyang ipagkaloob ang sarili kay Theo ng buong buo.Tanggapin ang consequences pagkatapos ng lahat ng ito.

Ang mahalaga ngayon maiparamdam niya kay Theo ang pagmamahal niya para dito,nang walang pag aalinlangan.

Ilang saglit pa'y kapwa na sila walang saplot,humahalik ang malamig na hangin sa hubad nilang katawan,pero ni-kunting lamig wala silang maramdaman,dahil ang init na dulot ang kanilang katawan ang siyang nangingibabaw.

Bumaba ang labi ni Theo sa kanyang leeg hanggang maabot nito ang sensitibong bahagi ng kanyang leeg,isang impit na daing ang kumawala sa kanyang dibdib dahil sa mga halik nito.

Bumaba pa ang labi nito patungo sa kanyang dibdib at malaya iyong hinalikan.Lahat ng halik na pinagkakaloob ni Theo sa kanya ay buong puso niyang tinanggap at tinugon,hanggang umabot pa sila sa dako pa roon..sa rurok ng kaligayahan habang sinasabayan nila ang ritmo ng sayaw na sila lamang ang nakakarinig.

________

Tanong?

Mahal na nga kaya ni Theo si Megan?




He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon