Megan
Namimilog ang kaniyang mga mata habang nakatutok kay Thoe na hindi maitago ang galit sa mga mata,habang nakatingin sa kanya.
Pakiwari ba niya'y tatalon na ang kaniyang puso mula sa kanyang dibdib sa sobrang kaba.At pakiramdam niya'y masusuka na siya sa dami ng paro-parong nag liliparan sa kanyang sikmura.
Megan huli kana,wala ka nang kawala,marahil nakakaya mong takasan ang mga taong naniningil sa sayo.Pero ang isang ito malabo.
Hindi,hindi pa niya kayang makaharap ito ng matagal.Hindi pa.Kaya naman katulad ng dating gawi.Muli siyang nag himay-himatayan.Hinintay niyang bumagsak ang katawan niya sa matigas na sahig.Pero hindi yun nangyari,sa halip sa dalawang matigas na bisig siya bumagsak.
Pinilit niyang wag maapektuhan sa pagkakadikit nang kanilang katawan ni Theo.Wag mag react kahit bulta-bultaheng kuryente na ang nanulay sa buong himay-may ng kaniyang katawan.
Naramdaman niya ang pag-angat ng kaniyang katawan at ang paghapit ni Theo sa kanyang bewang.Bago niya naramdaman ang mainit at smelled like mentol na hininga ni Theo.
Wag kang mag react!megan relax
Kung hindi siya nag kakamali malapit na malapit na ang mukha ni Theo sa mukha niya.At sa ayos nila ngayon parang tuluyan na talaga siyang mahihimatay.
"Ilang beses mo bang gagawin ang mag
Hima-himatayan ha,Megan?"wika ni Theo,langhap na langhap na niya ang mabangong hininga nito.Pero pinanatili niyang wag mag react.Kahit pa alam na nitong hindi siya totoong nahimatay.Basta ayaw pa niyang maga eye to eye sila.
"Kung tungkol ito sa nangyari noong nakaraang gabi,I'm sorry..hindi ko dapat ginawa iyon ng walang pahintulot mula sayo."
Ano daw?pahintulot mula sakin anong pinagsasabi nito.
"Megan..?"tawag nito sa pangalan niya.Still no reaction mula sa kanya.
Naguguluhan siya sa mga pinagsasabi nito.
"Okay,kung ayaw mo akong kausapin fine..."sumusukong wika nito,bago niya naramdaman ang kaniyang pag-angat.Kinarga na siya ni Theo.Then naramdaman niya ang paglapat ng kaniyang likod sa malambot na kama.
"I have to go..and by the way,pack your things..Mamaya pag balik ko aalis tayong tatlo ni Kevin.May kailangan akong asikasuhin sa isang hotel ko sa Palawan,so you and Kevin are coming with me.."
Muntik na niyang maimulat ang kaniyang mata sa sinabi nito.Aalis sila?Oh my, bakit kilangang sumama pa sila ni Kevin,pano niya ito tuluyang maiiwasan?
Isang malalim na buntong hininga ang narinig niyang pinkawalan ni Theo.Bago niya Narinig ang footsteps nito palayo.Kaya nahinuha niyang lalabas na ito ng kaniyang kwarto.
Imumulat na sana niya ang kaniyang mata ng muli niyang marinig ang footsteps nito pabalik sa kanya.Kaya naman nanatili siyang nakapikit.Kala niya may sasabihin pa ito,pero sa kanyang pagkagulat naramdaman nalang niya ang mainit na bagay na dumampi sa kanyang labi.Saglit lamang iyon pero pakiramdam niya napakatagal niyong nakalapat sa kanyang labi .
Hinalikan siya ni Theo.Akala ba niya mag papaalam muna ito bago siya halikan?bakit hinalikan nanaman siya nito.
"Hindi na ako nag paalam na halikan ka dahil alam kong hindi ka naman tutugon.."wika nito na parang nabasa ang iniisip niya.
"I have to go,bye for now Megan..."huling salita nito bago tuluyang lumabas ng kaniyang silid.
Nang masigurong nakaalis na ito saka siya mabilis na bumangon.Bago niya kinapa ang kaniyang labi.Pinigil niyang wag kumawala ang isang tili mula sa kanyang lalamunan.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...