Chapter thirty two

5.4K 227 30
                                    


Megan



Malakas ang tahip ng kanyang dibdib habang palapit sila ng palapit sa bahay na tinutuluyan ng kanyang ama.Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng kanyang papa pag nakita siya.Matuwa kaya ito o hindi?

Hanggang sa tumigil sila ng matandang babaeng magtitinda ng kandila sa tapat ng isang lumang apartment.Aaminin niya excited siyang kinakabahan sa muli nilang pagkikita ng kanyang papa.

"Ito na ang bahay ng papa mo ne.."wika ng matanda sa kanyang tabi.

Bumaling siya dito at pilit na ngumiti bago tumango.

Sinimulan namang kumatok ng matanda,isang katok,dalawa..tatlo hangang may magbukas niyon.Bumungad sa harap niya ang isang babae na sa tingin niya'y naglalaro ang edad sa mid 30's.Nakasuot ito ng asul na t-shirt pares ang isang maikling short,meron din itong hikaw na ga-platito na ang laki habang panay ang nguya nito na akala mo kambing.Chewing gum.Hindi nito binuksan ng husto ang pinto kaya tanging katawan lamang nito at nakikita nila.

Agad tumaas ang kilay nito ng tumutok ang tingin sa kanya na tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Magandang tanghali Lina nariyan ba si Roger?"bungad ng matandang babae sa kanyang tabi.

Bumaling naman dito ang tingin ng babaeng may ga-platito ang hikaw bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib nito.

"At bakit nyo naman hinahanap ang asawa ko?"nakataas ang kilay at puno ng disgusto amg tinig na tanong nito.

Asawa?ito ang bagong asawa ng papa niya?

"Hinahanap siya ng batang ito..."tugon naman ng matanda na tinapunan siya ng tingin.

Muling bumalik sa kanya ang tingin ng babae na lalo pang itinaas ang sadyang mataas na nitong kilay.

"Bakit mo hinahanap ang asawa ko,kabit kaba niya?"

Nasamid siya sa tinuran nito kaya naman di niya napigilang mapaubo."Hindi-"

"Sino bang tao diyan at ang tagal mo..?"

Tinig ng isang lalake na pumutol sa dapat pa niyang sasabihin.Na kahit gaano pa katagal ng huli siyang magkita at magkausap hinding hindi niya makakalimutan ang tinig nito,ang tinig ng kaniyang papa.

Bumukas ng husto ang pinto at bumungad sa harap niya ang isang may edad na lalake.

"Sino bang--"hindi na nito nagawa pang ituloy ang sasabihin ng dumako ang tingin nito sa kanya.Pagkagulat at pagtataka ang unang rumihistro sa  mukha ng kanyang papa.Ilang beses pa itong kumurap-kurap na tila ba sinisiguradong totoong nasa harap siya nito.

Sa sandaling minuto napagmasdan at napag aralan niya agad ang hitsura ng kanyang papa.Sa tingin niya mas -tumanda ito ng ilang taon mula sa edad nito ngayon.Marami narin itong puting buhok bagsak narin ang katawan nito na noon ay napakatikas kahit may edad na.Isang lumang puting tshirt ang suot nito at kupas na short.

"Megan?"di pa siguradong bigkas nito sa kanyang pangalan.

"Papa..."tugon niya na nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.At hindi na niya napigilan ang sariling sugurin ito ng yakap.

"Papa sobrang na-miss kita.."wika niya habang dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi.Hinintay niyang tugunin nito ang kanyang mga yakap pero hindi iyon nangyari.Wala rin itong tugon sa kanyang sinabi.

Hangang maya-maya pa'y baklasin nito ang dalawang braso niyang nakayakap dito.Pagkatapos inilayo siya sa katawan nito.

Nagtatakang tumingin siya sa kanyang papa habang basang-basa ng luha ang kanyang mukha.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon