Megan
Hindi parin siya mapakali sa set-up nila ni Theo,pero dito parang balewala lang ang lahat.Samatalang siya ito at tumatambol ang dibdib.
Magsasama sila sa iisang silid kaya ba niyang tagalan yon.
"Iisa ang kama?"manghang tanong niya ng makapasok sila sa loob.
"Yes,you can sleep in couch.."wika ni Theo na hindi manlang siya tinapunan ng tingin.
Napangiwi naman siya sa sinabi nito,ungentleman talaga.Bumalik na ulit ang una at dating Theo na nakilala niya.
Pabagsak na nahiga si Theo sa kama na hindi maitago ang kapaguran sa byahe,ipinatong nito ang isang bisig nito sa noo saka ipinikit ang mga mata.Hindi naman niya magawang alisin ang tingin sa lalake.
Bumalik sa alaala niya ang nakaraan nilang dalawa,higit lalo noong nasa isla sila.Binalot ng lungkot ang kanyang puso sana maibalik niya ang dating Theo.
"Wag mo akong titigan,magpahinga kana dahil mamayang 8:am may business meeting ako.."wika ni Theo habang nakapikit.
Nagblush naman siya sa sinabi nito kahit pala nakapikit alam nitong nakatingin siya dito.
"Hindi kita tinititigan noh.."tangi niya.
"Tangi kapa,kahit nakapikit ako alam ko nangyayari sa paligid ko.."
Ganon so alam mo ring mahal kita hanggang ngayon.Nais sana niyang isatinig pero ikinulong nalang niya sa kanyang lalamunan.
"Oh baka naman gusto mo dito tumabi sakin,malawak itong kama kasya tayong dalawa.."Wika ni Theo na hindi maitatatwa ang panunukso sa tinig.
"Bakit gusto mo bang tumabi ako sayo?"nakangising wika niya.Mukhang gusto nito ng landian at kung ito lang din ang paraan para manumbalik ang pagmamahal ni Theo sa kanya susugal siya.
Sabi nga nila ang pag-ibig parang sugal may nanalo may natatalo,pag nanalo siya sa laban na ito magiging masaya siya habang buhay at kung sakaling matalo siya tatanggapin na lamang niya kahit masakit.
At bago pa makasagot si Theo sa tanong niya mabilis na siyang nahiga sa tabi nito,kahit binubundol ng kaba ang kanyang dibdib.
Mabilis na ipinaling ni Theo ang ulo nito paharap sa kanya habang ang mga mata ay di makapaniwalang nakatingin sa kanya.Nagtagpo ang kanilang paningin,pinilit niyang ngumiti kahit kabado na siya.
"Anong ginagawa mo?"pagalit na tanong nito.
"Nakahiga.."nakangiting tugon niya.
"Alam ko!ang ibig kung sabihin bakit dito ka humiga diba sabi ko doon ka sa couch.."
"Tinanong mo ako kung gusto ko dito mahiga,so gusto ko dito mahiga ayoko sa couch sasakit ang likod ko.."
"Are you trying to seduce me?"sarkastikong tanong nito.
Maslalong lumawak ang ngiti niya."Gusto mo bang i-seduce kita?"
Agad namang nagdilim ang mukha nito sa sinabi niya.Bago mabilis na bumangon at walang imik na nilisan ang kama.
"Sanay ka namang mag-akit ng lalake diba pagkatapos iiwan mo nalang pagnakuha muna ang gusto mo!"galit na wika nito bago naglakad palayo at tuluyang lumabas ng suite nila.
Naiwan naman siyang nakaawang ang bibig kasabay ng pagbangon niya.Natampal niya ang kanyang noo.Mas lalo yata itong nagalit sa kanya.
Hinay-hinay kasi Megan,wag mong madaliin ang lahat,mapapalambot mo rin ang puso ni Theo siguro di palang ngayon pero sa susunod na mga araw magagawa mo yun.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...