MEGAN
Mabilis na pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa salamin bago mabilis na lumabas ng kaniyang suite. Kinuha niya ang kaniyang Cellphone sa loob ng kaniyang bag at idinayal ang numero ni Lana.
Ring Ring Ring
" Hello," sagot ni Lana sa kabilang linya
" Hi, this is Megan," sagot niya.
" Megan,ay kumusta kana?" masayang wika nito.
" I am fine, gusto ko sanang itanong kung busy ka today?"
" Hindi naman, wala naman akong gagawin, magsisimula ka na bang hanapin si Theo?"
" Oo sana," tugon niya
" Sige sasamahan kita, magkita tayo sa City Centrum," wika nito
" Sige sige, salamat. See you there," masigla niyang wika.
" Welcome, see you there bye,"
" Bye," paalam niya bago pinutol ang linya.
Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago tinungo ang hagdan,panalangin niya'y sana ay magkita na sila ni Theo.
Ilang sandali pa ay nakalabas na siya ng building at nagsimulang maglakad patungo sa City Centrum, halos lahat ng nakakasalubong niyang mga dutch people ay naka-bike. Well sa pagkakaalam niya ay mas marami pa ang popolasyon ng bike dito sa Netherlands kesa sa mga tao.Hindi niya mapigilang hindi mapatingala sa kalangitan, medyo madilim ang paligid at mukhang uulan. Malamig din ang panahon kaya naman balot na balot siya ng makapal na jacket. Ipinasok niya ang kaniyang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng kaniyang coat habang patuloy na binabagtas ang way patungo sa city centrum.
Theo
He look outside the window, he was seating inside the coffee shop in City Centrum while sipping his coffee. He still thinking about Megan, marahil masaya na ito kapiling ni Daniel at sa isiping iyon pakiramdam niya may matilos na punyal ang tumusok sa kaniyang puso,it's hurts and feels so devastated.That's why instead of facing the reality he just wants to escape, he chose to escape. He loves her so much and he just wants her to be happy and he is not the one who will give her happiness.
He will stay here in The Netherlands until he moves on, but he already knew that he will never move on from her, she is the love of his life and he feels like half of himself died. Alam niyang nag aalala na sa kaniya ang kaniyang pamilya pero ayaw niya munang sagutin ang tawag ng mga ito, he just want to be alone for now, just himself only.
Marami siyang "what if" sa kaniyang isip, what if pinaglaban niya ang nararamdaman niya kay Megan noon marahil wala siya sa ganitong sitwasyon, " what if'' hindi siya naging tanga noon. Pero lahat ng iyon mananatili nalang sa "what if" at pagsisihan niya ang lahat habang buhay. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago inalis ang tingin sa labas ng coffee shop, pero agad din niyang ibinalik ang tingin sa labas ng coffee shop ng mahagip ng kaniyang mga mata ang pamilyar na bulto ng isang babae nakatagilid ito sa kaniyang direksyon habang balot na balot ito ng coat na animo lamig na lamig,naka-hoody din ito kaya hindi niya masyadong makita ang mukha nito. Nakatayo ito sa labas ng coffee shop na wari'y may hinihintay. May kakaibang pakiramdam na gumuhit sa kaniyang puso.
" Megan," mahina niyang bigkas. Hindi niya alam kung namamalikmata lamang siya. Kahit hindi niya masyadong makita ang mukha isinisigaw ng kaniyang puso na si Megan ito. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at inalis ang tingin sa babae,napabuga siya sa hangin dahil nababaliw na siya, paanong magiging si Megan ito,Nasa pilipinas ito at nasa Netherlands siya.Muli niyang ibinalik ang tingin sa babae na noon ay kausap na ang isang babae na sa tingin niya ay isang filipina. Hangang naglakad na ang mga ito palayo.
Megan
Ilang minuto rin siyang nakatayo sa labas ng coffee shop bago niya mamataan si Lana na papalapit. Mag-isa lamang ito at hindi kasama si Luna," Sorry at natagalan ako, iyak ng iyak si Luna hindi mag paiwan eh," bungad agad nito sa kaniya.
" Nako okay lang, nakakahiya nga sayo at naabala kita," tugon niya.
" Nako wala yun,sino ba pang magtutulungan kundi tayo tayo lang ding mga pinoy sa bangyang bansa." mabang tugon nito.
" Maraming salamat," wika niya.
" Oh siya, halika na at ng makita na natin yang lost love mo," biro nito na hinawakan siya sa siko.
Bahagya naman siyang natawa sa biro nito, magaan ang loob niya kay Lana at for sure magiging close sila.
Habang naglalakad sila patungo sa unang Hotel na pagtatanungan niya, hindi niya napigil isalaysay kay lana ang estorya nila ni Theo na nagpakilig naman dito,sabi pa nito'y para daw pilikula sa Tv ang estorya nila ni Theo.Kaya naman nangako ito na tutulungan siya hangang makita nila si Theo na lubos naman niyang pinagpasalamat.
Maya-maya pa'y natagpuan nila ang sarili sa loob ng Boutique Hotel corona,nasa reception na sila at nagsimula ng magtanong si Lana sa receptionist, dutch ang lengwahe na ginagamit ng mga ito sa pag-uusap kaya wala siyang maintindihan, ang tanging naintindihan lamang niya ay ng bangitin ni Lana ang buong pangalan ni Theo.
"Dank je wel," wika ni Lana bago humarap sa kaniya.
" Wala daw ganiyang pangalan na naka-booked sa hotel nila," wika sa kanya ni Lana.
" I see," wika niya na medyo nalungkot sa sinabi nito.
" Okay lang iyan, hindi lang ito ang hotel dito sa The Hague,lika dun naman tayo sa iba."aya nito sa kaniya na hinila ang kaniyang kamay palabas ng hotel.
Naglakad na sila patungo sa kabilang hotel na hindi ganun kalayo mula sa unag hotel na pinagtanungan nila. Pero ng magtanong sila same result, wala daw Theo Montillano na naka-booked sa kanila at ganun din sa tatlo pang hotel na napagtanungan nila. Bagsak ang balikat na naupo siya sa bench. Umupo si Lana sa kaniyang tabi, nasa square sila upang magpahinga malayo-layo narin ang kanilang narating.
"Wag kang mawalan ng pag-asa makikita din natin si Theo, marami pang araw at sasabihin ko rin sa asawa ko na magtanong tanong din siya." wika ni Lana sa kanya na pinalalakas ang kaniyang loob.
Malungkot siyang ngumiti," Sobrang na appreciate ko ang tulong mo sakin," wika niya na ginagap ang palad nito.
"Walang anuman, sa ngayon mag rest muna tayo, bukas na ulet natin pagpatuloy at ikaw ay hindi rin pwedeng mapagod baka kung mapano yang pinagbubuntis mo."
Tumango siya bilang pagsang-ayon. Sana bukas may maganda ng result sa paghahanap nila kay Theo. Gustong-gusto na niya itong makita, mahagkan at mayakap.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...