Tulips

332 37 9
                                    


                                           "When I feel so down, I found peace and comfort in writing,"

Hindi siya masyadong nakatulog ng nag-daang gabi marahil naninibago siya sa oras,sa time zone ng pilipinas at ng Netherlands. Sinuklay niya ang kaniyang mahabang buhok habang nakatingin sa kaniyang repleksyon sa salamin. Medyo nangangalumata siya dahil sa walang maayos na tulog. Pangalawang araw ngayon ng paghahanap nila kay Theo at sana naman may magandang resulta na ngayong araw.Mabilis na niyang tinapos ang pagsusuklay at nagpahid ng lip gloss sa kaniyang mga labi. Naghihintay na sa kaniya si Luna sa centrum.Susubok naman silang maghanap sa iba pang mga hotel dito sa The hague.

Maya-maya pa'y binabagtas na niya ang way tungo sa centrum. Maganda ang panahon at hindi maulan pero wala ang haring araw. Ang napansin lamang niya sa bansang ito ay malimit ang pag-ulan at napakadalang sumikat ng araw. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan dahil sa biglaang lungkot na gumuhit sa kaniyang didbib. Pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad hangang napadaan siya sa isang bakery. Pumasok sa kaniyang ilong ang mabangong amoy ng tinapay mula roon. Narinig pa niya ang biglang pagkulo ng kaniyang tiyan,Kaya naman tumigil siya sa tapat niyon at natatakam na tiningnan ang mga naka-display na ibat'ibang klase ng masarap na tinapay. 

Tumigil ang kaniyang mga mata sa tinapay na napapatungan ng maraming keso. May presyo ng nakasulat sa tapat niyon kaya naman hindi na niya kailangang magtanong pa kung magkano iyon.

"Hi, Can I buy 2 of this bread,?" nakangiti niyang tanong at sana eh marunong itong mag english para magkaintindihan sila.

"Ofc,this one is so good," tugon  ng lalakeng panadero na hinuna niya'y nasa higit kwarenta na ang edad. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil magkakaintindihan sila.Kumuha ang lalake ng malaking kulay brown na supot at inilagay doon ang tinapay na kaniyang binili. Kumuha naman siya ng 2euro sa kaniyang walet at iniabot dito.

" Dank je wel," wika nito.

"Welkom," tugon naman niya. At least kahit simpleng dutch words may alam siya. " Doei Doei," dagdag niya na kumaway dito.

" Doei," nakangiting tugon naman ng panadero na gumante ng kaway sa kaniya.

Muli niyang pinagpatuloy ang paglalakad habang hindi na napigilan ang sariling tikman ang tinapay na nabili. Ng matikman ang tinapay halos mamilog ang kaniyang mga mata. Ito ang kauna-unahang tinapay na natikman niya sa buong buhay niya na walang kasing sarap. Malawak siyang napangiti at nagpatuloy sa pagkain,habang patuloy na nalalakad. Ilang minuto pa ay narating na niya ang Centrum at namataas si Luna na nag hihinatay sa may stasyon ng tren at lumakad naman siya palapit dito.

" Luna," tawag niya.

Lumingon naman ito sa gawi niya kasabay ng isang malawak na ngiti. Nang makalapit nag beso-beso sila at mabilis na nagyakap. 

" Mukhang enjoy-na enjoy ka sa kinakain mo ah," nakangiting puna nito sa kanya.

" Yes, napakasarap niya," tugon niya na muling kumagat sa tinapay.

" That one called, kaas-uienbrood," si luna na nasabi ang pangalan ng tinapay sa perpektong bigas.

" Ah, I see, kaas-uienbrood," tugon niya na halos pumilipit ang sila. Hindi naman mapigilan ni Luna ang matawa.

" Megan, Before we try again na hanapin si Theo, gusto kitang dalahin sa tulips fields, tag tulips ngayon kaya napakaganga roon at siguradong mamangha ka," excited na wika ni Luna sa kanya.

Nakaramdam siya ng pagtanggi  pero ayaw naman niyang humindi dito.

" Si-sige," tugon niya na pilit ngumiti. Mas priority kasi niya ay hanapin si Theo hindi ang makita ang Tulip fields. Pero sige hahayaan nalang muna niya si Luna.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon