"Megan?"
"Ay kalabaw!" Gulat na bulalas niya.
"Hahaha what are you doing here?"
Tiningnan niya ang nagmamay-ari ng tinig na walang iba kundi si Dexter.Nasapo niya ang kanyang noo muntik na siyang atakihin sa puso.
"Dexter grabe ka naman e,papatayin mo ba ako sa gulat.."aniya
"Hahaha No,May iniisip kalang siguro kaya ka nagulat.Anong ginagawa mo dito?"muling tanong nito.
"Ha?eh ikaw anong ginagawa mo dito?"balik tanong niya.
"This is my car.."nakangiting wika nito.Habang nakaturo ang isang daliri sa kotseng nasa likuran niya.Muli nanaman niyang natampal ang kanyang noo.Pagkakataon nga naman kay Dexter na sasakyan pa pala ang kotseng pinagtaguan niya.
"Oh I see.."nawika na lamang niya.
"So tell me anong ginagwa mo dito.."
Tinitigan niya si Dexter hindi niya alam kung sasabihin niya dito ang kanyang nalaman tungkol sa kasinungalin ni Altea o Si Theo muna dapat ang unang makaalam.
Mas 'pinili niya ang huli.Napakamot siya sa ulo saka kiming ngumiti."May nakita kasi akong kakilala kaya sinundan ko dito kaso hindi ko na naabutan.."pagsisinungaling niya.
"Ah I see,so may gagawin kapa ba afetr nito,would you mind if I invite for some coffee?"nakangiting wika nito sa kanya.
"Ha-ah sige..."sangayon niya.
"That would be great let's go.."aya nito sa kanya,saka hinawakan ang kanyang siko upang siya'y alalayan.
MONTILLANO MANSION
Matamang pinagmamasdan ni Arrabella ang anak na si Theo na noon ay nakaupo sa balcony ng mansion,nakatanaw sa malayo at mukhang malalim ang iniisip.Mula ng dumating ito galing Cebu.Alam niyang kasama nito si Megan sa Cebu at ang buong akala nya pagbalik ng mga ito magiging maayos na ang lahat pero mukhang nagkamali siya.Mas lalo ng nawalan ng pag-asa na magkabalikan si Megan at ang kanyang anak dahil nagdadalang tao na Althea.
Isang malalim na buntong hining ang pinakawalan ni Arrabella.Gusto niyang maging masaya si Theo at alam niyang Hindi si Althea ang magpapasaya sa kanyang anak kundi si Megan.
"Nona why my daddy is sad?"
Munting tinig ni Kevin na nagpalingon sa ginang.Hindi na namalayan ni Arrabella na nasa tabi na pala niya ang munting si Kevin.
Yumukod siya at itinapat ang mukha sa mukha ng bata."Kahit sabihin ko sayo ang dahilan kung bakit malungkot ang daddy mo ay hindi mo parin maiintindihan.You remember Your Mommy Megan?"tanong niya sa bata.
Agad namang nagliwanag ang mukha ng bata at nahalinhan ng excitement ang mukha.
"Yes Nona,is she come back here?"masayang tanong ni Theo.
Muli siyang napabuntong hininga ng umalis si Megan sa Mansion dinamdam ng husto ni Kevin ang pag-alis nito.Napamahal na ang bata kay Megan dahil naramdaman ni Kevin ang pag-aaruga ng isang tunay na ina sa pagkatao ni Megan.At pansin niya mula ng dumating si Althea ni isang beses hindi niya nakitang naging sweet ito kay Kevin.
"No,she's not coming back here but if you want we can visit her.."
"Really?"masayang tanong ni Kevin.
"Yes,so go to manang Lila magpaligo kana sa kanya at aalis tayo para dalawin si mommy Megan.."
"Yeheyy.."masayang bulalas ni Kevin saka mabilis na itong nagtatakbo palayo.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomansaTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...