Chapter fourty six

5.1K 192 50
                                    







"I'm sorry..." muling ulet ni Theo.

"Sorry for what?"tanong niya habang tumutulo ang luha.

"I'm going to be a father at the second time,at hindi ko pwedeng talikuran ang responsibilidad ko,I'm sorry.."

Nanginginig ang kamay na binitawan niya ang braso nito.At bahagya ditong lumayo habang walang patid ang kanyang luha sa pagpatak.

"Come on Theo,I'll help you to pack your things,we have to go back to the Capital.."Matagumpay ang tinig na wika ni Althea.

Bagsak naman ang balikat na tumango si Theo."Try to understand..."wika nito bago siya tinalikuran.

_______

Try to understand...

Mga salita ni Theo na paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isipan.Ano pang gusto nitong unawain niya na sa pangalawang pagkakataon hindi na naman siya nito pinili.Sinabi nitong mahal siya pero heto at naiwan na naman siyang luhaan.Habang nakatingin sa pintong nilabasan ng dalawa.

Higit dalawang oras na ang nakakalipas mula ng umalis ang mga ito pero heto siya at nakasalampak sa sahig habang umiiyak.Wasak na wasak ang kanyang puso.

Siguro nga wala na talagang second chance para sa kanila ni Theo.Ito na talaga siguro ang kapalaran niya.Si Theo at si Althea ang para sa isa't isa.

One week later

"Wala ka manlang bang gagawin para pigilan ang kasal ni Theo?" Malungkot na tanong sa kanya ni Malou.Mula ng dumating siya mula Cebu wala na siyang ginawa kundi mag mumok sa loob ng kaniyang silid.

Malungkot na tinapunan niya ng tingin si Malou na nakatayo sa labas ng pinto ng kanyang kwarto.Hindi niya namalayan na nabuksan na pala nito ang pinto.Nasa tapat siya ng bintana ng kanyang silid at nakatanaw sa labas.

"Hayaan na ho natin si Theo at si Althea marahil sila talaga ang para sa isa't isa."

"Paano ka?Mahal mo si Theo diba?"

"Mahal ko siya  pero hindi sapat ang pagmamahal ko para makuha siya.Mahirap ipilit ang bagay na hindi talaga pwedeng mapasayo kahit ano ang gawin mo,kusang lalayo at lalayo sayo.At kung ipipilit ko pa patuloy lamang akong masasaktan..."aniya na hindi na naman mapigilang mapaluha.

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Malou saka naglakad palapit sa kanya at niyakap siya.Tinugon niya ang yakap nito at sa pagkakataong iyon naramdaman niya ang yakap ng isang Ina.Namiss niya tuloy ng sobra ang kanyang mama dahil sa ganitong sitwasyon ang Ina ang iyong unang lalapitan at dadamay sayo kaso matagal ng wala ang kanyang mama kaya nagpapasalamat siya at nakilala niya si Malou.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Malou inaya siya nitong mamasyal maglibot-libot sa mall upang kahit daw papaano malibang siya.Nasa loob sila ng isang coffee shop ng may mahagip ang kanyang mga mata sa labas ng coffee shop.Kung hindi siya nagkakamali si Althea ang nakikita niya kasama ang isang lalake na sigurado siyang hindi si Theo.Matangkad ang lalake na nakasuot ng black leather jacket na mukhang pang Hollywood and hitsura.Ilang sandaling nag-usap ang dalawa saka magkasabay na naglakad palayo habang magkahawak ang kamay.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinutuban ng hindi tama.Parang may nag udyok sa kanya na sundan ang mga ito.

"Excuse me Tita.."paalam niya kay Malou,hindi na niya hinintay na makasagot ito agad siyang tumayo at lumabas ng coffee shop.Kilangan niyang sundan ang mga ito may naaamoy siyang hindi tama.

Paglabas niya ng coffee shop agad naman niyang natanaw ang dalawa.Sumakay ang dalawa sa elevator patungong ground floor Habang Busy parin sa pag-uusap.May ilang magulong kabataan na sumakay sa elevator at kinuha niya ang pagkakataong iyon para makasakay ,yukong yuko ang kanyang ulo upang hindi mapansin ng mga ito.Pilit niyang itinago ang sarili.

Hanggang bumukas ang elevator naunang lumabas si Althea at ang lalakeng kasama nito,sumabay naman siya sa paglabas ng mga kabataan habang hindi niya inaalis ang tingin kay Althea at sa lalake.

Sinundan niya ang mga ito hangang parking lot.Tumigil ang dalawa sa tapat ng isang pulang montero.Mabilis naman niyang tinungo ang isang sasakyang malapit sa montero at itinago ang sarili pero sinigurado niyang maririnig niya ang anumang pag-uusapan ng dalawa.

"Pagnatapos na ang kasal nyo ni Theo mabubuhay na tayo ng marangya kasama ang anak natin.."tinig ng lalake.

Gumuhit naman ang gatla sa kanyang noo sa narinig.Anong ibig sabihin ng lalake sa sinabi nito.

"Madali lang naman bilugin ang ulo ni Theo madaling mapaniwala  na anak niya itong nasa sinapupunan ko hahaha.."wika naman ni Althea saka malakas na humalakhak.

Para naman siyang binuhusan ng  malamig na tubig sa narinig.Kung ganun kasinungalingan lang ang lahat at higit sa lahat hindi anak ni Theo ang batang dinadala ni Althea.

Naikuyom niya ang kanyang kamao napakasinungaling talaga ng babaeng ito ,hindi siya papayag na lokohin nanaman nito si Theo kilangan malaman ito ni Theo.

Sinilip niya ang dalawa at nakita niya na naghahalikan ang mga ito.Kung pwede lang sugudin niya si Althea at ingudngud ang mukha nito sa samento pero hindi pwedeng gawin iyon hindi pwedeng malaman ng mga ito na nandito siya.

Ilang sandali pa sumakay na si Althea sa montero samantalang ang lalake ay naiwan,Pinatakbo na ni Althea palabas ng parking lot ang Montero.Maya'maya pay sumakay naman sa isang itim na kotse ang lalake.

Nakahinga siya ng maluwag ng parehong wala na ang dalawang sasakyan sa kanyang paningin.

Walangya talaga kahit kailan ang babaeng iyon,Noong una iniwanan nito si Kevin ngayon naman muli nanaman nitong lolokuhin si THEO.

"Megan?"



















A/N

Sino kaya yung tumawag sa pangalan ni Megan?😅











He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon