Megan point of view
Paghila ko pasara ng pinto naisandal ko ang aking likod sa dahon ng pinto, habang hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha. Hindi na siya maalala ni Theo at napakasakit nito para sa kanya, isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan kasunod ng isipin na marahil dala lamang ng trauma kung bakit pansamantalang nawala ang ala-ala ni Theo marahil magbabalik rin ang ala-ala nito sa takdang panahon, at ipinangako niya sa sarili na hindi na niya iiwan si Theo at aalis sa tabi nito at dapat tuparin niya ang kaniyang sinabi.
Hindi siya aalis sa tabi ni Theo hanggat hindi siya nito na-aalala. Muli isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako umalis sa pagkakasandal sa dahon ng pinto at humarap at muling pinihit ang seradura at binuksan iyon. Pinilit niyang alisin ang lungkot sa kaniyang mukha at pilit na ngit ang gumuhit sa kaniyang labi. " You can do this Megan for Theo, for you love , for him." she said.
Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto sabay-sabay na tumingin sakanya ang mga ito, pero partikular na tumutok ang aking mga mata kay Theo na bakas ang pagkagulat sa mukha ng muli siyang makita. Lumakad siya palapit sa mga ito habang isang malawak na ngiti ang nakaguhit sa kanyang mga labi.
" Hi, Theo,Let me introduce my self, My name is Megan." she said. Kumakabong ang aking dibdib habang inilahad ko ang aking kamay kay Theo. Nagpalipat -lipat ang tingin nito sa kanyang palad at sa kanyang mukha na wari'y hindi alam ang gagawin.
" Well, I really enjoying like this scene," nakangising wika ni Drake.Hindi ko pinansin ang sinabi ni Drake dahil nakatutok parin ang aking mga mata kay Theo na hindi parin maalis ang gulat sa mukha nito. Hindi niya alam pero parang may hindi tama.
" Erhm.." si Zach na halatang pinukaw si Theo na nakamang parin.
Sa pagkakataon naman iyon ay kumilos ang kamay ni Theo at tinanggap ang pakikipag kamay ko. Muntikan pa akong mapagigtad ng maglapat ang aming mga balat.
" Theo," maiklig tugon nito na mabilis ding binitawan ang kaniyang palad na animo'y napapaso.
Lihim siyang napangiti dahil alam niyang makalimot man ang isip pero hindi ang puso at alam niyang babalik din ang ala-ala ni Theo sa lalong madaling panahon. Inalis ni Theo ang tingin sa kanya at binalik ang pansin sa mga magulang nito. Tinanong nito sa mga magulang kung ano ang nangyari at kung bakit ito nasa hospital. Ipinaliwanag naman nina Arabella ang nangyari dito at panaka-nakang sinusulyapan siya nito na mabilis dina namang binabawi ang tingin.
" Tita Megan,!" malakas na wika ng isang maliit na tinig. Lahat sila ay napalingon sa pinagmulan niyon at tumambad sa aking mga mata ang masayang mukha ni Kevin, malawak ang ngiting nakaguhit sa labi nito at maya-maya pa'y mabilis itong tumakbo sa kanya at sabik siyang niyakap. Lumhod naman siya para gumanti ng yakap dito.
" I miss you, Tita Megan," wika nito. " I can't believe that I wil see you here," wika muli nito na kumalas ng pagkakayakap sa kanya.
" I miss you too Kevin, I'm happy to see you again," wika ko, sobra akong na touch sa mga sinabi nito. At lalo siyang nagkaroon ngayon ng dahilan para wag-iwan si Theo, dahil narin kay Kevin, sobra niyang na miss ito.
Theo's point of view
Hindi niya mapigilang hindi mapangiti sa eksenang nasaksihan,masaya siya dahil kahit lumipas ang taon pero ito at love na love parin ng kaniyang anak si Megan, at hindi rin niya maintindihan kung bakit nag- stay ito kahit nagkunwari siyang hindi niya ito nakikilala. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Megan lalo pa't alam niyang malapit na itong ikasal kay Daniel , pero dep inside hindi niya mapigilang hindi umasa na sana may mas-malalim pa si Megan na na dahilan kung bakit ito nag-stay.
But, of course papaninindigan niya ang pagpapanggap na hindi niya ito nakikilala hangang malaman niya ang tunay nitong motibo.
Drake point of view
Alam niyang nagpapanggap lamang si Theo na hindi nito nakikilala si Megan dahil kung talagang hindi nito kilala ang huli , hindi niya makikita ang lungkot sa mga nito habang nakatingin kay Megan at hindi rin nakaligtas sa kaniyang mga mata ang bahagya nitong pagngiti habang nakamasid kay Megan at Kevin so alam niyang may nilulutong laro ang kaniyang kakambal. Pero kung ano man iyon susuportahan na lamang niya ito. Dahil alam niya kung gaano nito kamahal si Megan.
At nararamdaman niyang ganon din ang nararamdaman ni Megan sa kaniyang kapatid. At dalangin lamang niya na wag na sanang sayangin pa ng dalawa ang pagkakataon na meron ang mga ito, hindi katulad ng nangyari sa kanya nawala ang pagkakataon na ayusin niya ang kaniyang pamilya, biglang gumuhit ang sakit sa kaniyang dibdib ng bumalik sa alaala ang masaklap na nangyari sa kaniyang mag-ina. Bumalik sa alaala ang magandang mukha ni Alison, ipinilig niya ang kaniyang ulo, sobra siyang nasasaktan sa tuwing maalala ito. Pero siya naman ang may kasalanan ng lahat at hangang ngayon hindi parin niya napapatawad ang sarili sa nangyari sa kaniyang mag-ina.
Bumalik ang kaniyang isip sa kasalukuyan at dumako ang kaniyang mga mata kay Theo na noon ay titig na titig kay Megan. Bahagya siyang yumuko at inilapit ang mukha sa may tenga ni Theo.
" Well, be a good actor bro.." wika niya na halatang ikinagulat ni Theo.
__________
Author's note
Helo guys! sorry sa matagal na hindi pag-update pero ito na simula na ng kilig , well ilalabas na ng ating mga bida ang tunay na nararamdaman abangan ang susunod na kabanata. Ingat tayo lahat guys! Please follow me on my instagram account , you can send me a message there tapos chika tayo sometimes! see you sa next update!
Jenalbebia :IG
Jenalbenia : Dreame
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...