Chapter Twelve

6.6K 329 45
                                    


Megan

Kinabukasan ng siya ay magising naramdaman niya ang mabigat na bagay na nakapulupot sa kaniyag bewang.

Iminulat niya ang mata saka tiningnan kung ano iyon.At ganun nalang ang pamimilog nang kaniyang mata ng mapagtantong isa iyong braso.

Maya-maya pay naramdaman narin niya ang mainit na hiningang dumadampi sa kaniyang punong tenga.Lalo ng namilog ang kaniyang mata at napaawang ang kaniyang bibig.

Kaagad siyang bumangon at nilisan ang kama.

"Hmmn." Ungot pa ng nilalang na  prenteng nakahiga doon.Nag tungo siya sa sulok nang kaniyang kwarto at sinariwa niya kanyang isip kung pano nakarating ito sa kanyang kwarto.

At nang maalala naitakip niya sa kanyang bibig ang isa niyang palad.Naalala niya ng halikan siya nito.

"Oh my god." Bulong niya.

Maya maya pay nakita niyang gumalaw ito at tuluyan ng nagising.Isang saglit na dumako ang tingin nito sa kesame.Grabe ang tibok ng kanyang puso at parang may mga paro-parong nag liliparan sa kanyang sikmura.

Ano kayang magiging reaksyon nito pag nakita siya.

Hanggang inalis nito ang tingin sa kesame at dumako ang tingin sa kanya.

Hindi niya alam ang gagawin nang mag tama ang mata nila.Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito bago ito napalikwas ng bangon.

"What the-oh shit!" Bulalas nito bago nag mamadaling tumayo at nilisan ang kama.

"Anong ginagawa ko sa kwarto mo?" Nakakunot ang noong tanung nito.

"Ako ho ang dapat mag tanung niyan sir,Bigla nalang kayong pumasok dito sa kwarto ko kagabi na lasing na lasing."aniya na hindi umaalis sa sulok nang kwarto.

Gosh kahit bagong gising napakagwapo nito.

"May-may ginawa ba akong kakaiba kagabi?"muling tanung nito.

Naalala niya ang halik na pinagkaloob nito sa kanya.Hindi nito naalala ang tungkol sa bagay nayon.Kaya mas madali siyang makapag sinungaling.

"Wa-wala po sir..Natulog lang kayo diyan sa kama ko.."pag sisinungaling niya.

Mataman siya nitong tinitigan na waring inaarok kung totoo ang kanyang sinasabi.Bago naisuklay nito ang sariling daliri sa buhok.

"Good,and ayokong may makaalam ng nangyaring ito miss Dela paz.."

Bakit ikinakaihiya mong sa silid nag katulong ka natulog?Aba hindi pwedeng hindi ako hihingi ng kapalit.Hmmmm"

"Walang makakaalam sa isang kundisyon." Lakas loob niyang sabi.

Kumunot ang noo nito sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"Walang makakaalam nito kung papayag ka sa kundisyong ibibigay ko."

"What!are you crazy I'm your boss!" Naiinis na turan nito.

Humalukipkip siya bago nag lakad palapit dito.Hanggang maging isang hakbang nalang ang layo nila sa isat-isa.

"Okay kung ayaw mo,makakarating sa mga tao dito sa bahay na mag damag kang natulog dito sa kwarto ko sir." Nakangising turan niya.

Nag isang guhit ang labi nito.Alam niyang inis na inis na ito sa kanya.Pero wala siyang balak baliin ang sinabi.Kailangang gawin nito ang kundisyong hihingin niya.

"Alright,what is it?" Sumusukong tanung nito.

Lalo naman siyang napangiti.Madali naman palang kausap ang mokong nato.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon