Paikot-ikot siya sa harap ng full length mirror habang sinisipat niya ang sarili.Suot niya ang isang elegant black dress na may mahabang slit ,pares ang black strappy heels and small clutch.Ang kanya namang buhok ay bahagyang kinulot na hinayaang nakalaglag sa kanyang balikat.
Napakagandang babae ang nakikita niya ngayon sa salamin,na hindi niya akalain na mag-tatransform siya sa ganitong hitsura ngayon.Nasanay siya na laging nakapantalon at simpleng t-shirt,kaya naman ngayon naninibago siya sa kanyang sarili.
Sumagi sa isip niya kung ano kayang magiging reaksyon ni Theo sa nakita siya.
Ano kaba naman Megan,ano pang magiging reaksyon ni theo di'syempre wala sino kaba sa buhay niya?diba panakit butas!"sigaw ng munting tinig sa isip niya.
Hanggang sa marinig niya ang mahihinang katok sa pinto at tuluyan iyong bumukas.Pumasok si Mrs.Malou na gumuhit ang paghanga sa mga mata ng tumingin sa kanya.
"You looked fabulous..!"humahangang bulalas nito.Nagblush naman siya sa papuring iyon ng ginang.Ngayong gabi ang engagement party ni Theo at ngayong gabi ang nakatakdang gabi sa muli nilang pagkikita.
"Ito lang paalala ko sayo,wag na wag kang papatalo kay Althea,ipakita mong dika talunan katulad ng dati..."wika ng ginang habang nakatingin sa ripleka niya sa salamin.
"Paano po kung galit sakin si Theo....?"
"Kung galit siya sayo lalo kang magdiwang dahil ibig sabihin mahal ka niya,kasi kung hindi siya nagalit sa pag-alis mo wala siyang pakialam sayo...ipaglaban mo ang pag-ibig mo kay Theo,Megan wag mong hayaang tuluyan siyang mapunta sa tusong si Althea..."
Tama si Ginang Malou,kailangan niyang ipaglaban ang pag-ibig niya para kay Theo,naduwag na siya noong una at ngayong sa pangalawang pagkakataon di niya hahayaang magtagumpay ang bruhang si Althea.
_________
Tumigil ang sinasakyan nila sa tapat ng Montillano Hotel kung saan gaganapin ang engagement party ni Theo at Althea.Hindi pa siya nakakababa ng kotse pero ang kanyg dibdib ay palakas ng palakas ang tahib.
Naramdaman niya ng gagapin ng ginang ang kanyang palad.
"Relax Meg,walang mangyayari kung pangungunahan ka ng kaba..Ipakita mong matapang ka at palaban,taas noo mo silang harapin.."
"Salamat po Mrs.Malou...."
"Siya nga pala,call me tita malou...napaka-pormal kung Mrs.Malou pa ang itatawag mo sakin.."
"Kayo po ang bahala Mrs--tita Malou..."nakangiti niyang tugon.
"Good,lets go..."aya nito sa kanya.Bumama ang driver ng ginang at pinagbuksan ng pinto si Tita Malou.Siya naman ay kusa na niyang binuksan ang pinto ng kotse at bumama.
Pagpasok nila Hotel agad silang binati ng mga staff.At katulad nga ng inaasahan niya napagkamalan siya ng mga staff na si Althea.
Nagkakatinginan naman sila ni Tita Malou sa tuwing mapapagkamalan siyang si Althea.Hangang makarating sila sa venue,humanga siya sa aus ng paligid.Elegante ang pagkakaayos higit lalo na ang ginamit na dimlight na magkahalong purple at red.Marami narin mga bisitang naroroon na halos lahat ay di matatawan ang mga suot na mamahaling kasuutan at mga kolorite sa katawan.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomansaTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...