Theo Zhane Montanilla 28 years old one of the successful business man in the world.CEO of the Silver Hotel and Restuarant.His people call him Hotel devil.Dahil sa istrikto niyang pamamalakad sa hotel at seryosong pakikitungo sa kanyang mga tauhan.At sa kanyang puso nakatago ang isang masakit na nakaraan.Ang pagkabigo at pag iwan sa kanya ng babaeng tangi niyang minahal.
PERO pano kung dumating sa buhay niya ang isang Megan Dela paz na kahawig ng ex girlfriend niya.Maibalik kaya ni megan ang dating makulay na buhay ni Theo o manatili lamang itong naka bilanggo sa anino ng babaeng nanakit sa puso nito.
Megan Dela Paz
At age of 20 marami na siyang pagkakautang dahil sa sugarol niyang ama.She has no permanent address dahil sa pagtatago sa mga taong humahabol sa kanya na pinagkakautangan ng kanyang ama.Ang masungit na si Theo na kaya ang sagot para maging maayos na ang takbo ng buhay niya o lalo lamang magulo dahil sa pagsali ng pusong niyang umibig na dito.
Kevin Montanilla
Son of Theo na sabik sa pagmamahal at pag aaruga ng isang ina.Na siyang aalagaan ni megan.At dahil din sa walang pagkalinga ng ina at kulang sa pansin ng ama,somubra ang pagkasalbahe nito.Mahuli kaya niya ang loob nito at itigil na ang pagpapahirap sa kanya?.
MY LOVE MY SUPLADONG BILYONARYO
SERIES 3HE LOVES ME OR HE LOVES ME NOT?
Copying of my story is strictly prohibited and Translation to any language's is not allowed!!!Do and write your own.Hahahaha thank you.
Ang mga pangalan,lugar na mababanggit sa loob ng storyang ito na may kahalintulad sa tunay na buhay ay mga pawang kathang isip po lamang ni otor.Kung makakabasa kayo ng mga wrong spelling,wrong grammar ay pag Pasensyahan nyo na po...Pag bigyan na..hahahaha salamat.
To all my readers:
Please support my stories to write your comments and press the star sign bellow a👇,Please guys support me as an Author I really need that.Thank you so much and I love you all.
ALBENIA26
Chapter one
Malalakas na katok sa pinto ng luma niyang apartment ang bumulahaw sa kanyang natutulog na diwa.Hindi na sana niya iyon papansinin pero makulet kung sino naman ang kamakatok na iyon na lalong lumalakas habang tumatagal.Kulang nalang ay gibain na ang kanyang pinto.
Naiinis na bumangon siya at kahit magulong magulo ang buhok lumabas siya ng kanyang maliit na kwarto.Suot niya ang isang malaking tshirt na pagaari pa ng kanyang ama.Ang kanyang ama na kahit sobra ang dami ng kasalanan sa kanya,miss na miss na niya ng sobra.Halos mag iisang taon na niya itong hindi nakikita.Bigla nalang itong naglaho matapos itong umutang ng malaking halaga sa mga kilala at malalaking tao.Sa takot na ipapatay ito dahil hindi makabayad ng utang umalis ito ng walang paalam at iniwan siyang tadtad ng utang.At ang apartment na tinutuluyan niya ay pamsampung bahay na niyang tinirhan dahil sa pag takas sa mga taong humahabol at naninigil sa kanya.
Antok na antok pang binuksan niya ang lumang pinto.Hindi pa niya hustong nabubuksan ang pinto ng itulak iyon pa bukas ng kumakatok.Muntik na siyang mapatumba ng bumangga sa katawan niya ang dahon ng pinto.
"Abat- aray ko!ano ba!" bulyaw niya.Pero agad din nawala ang tapang niya ng makita kung sino ang mga taong pumasok sa munti niyang apartment.
"Hindi mo ba alam kung saan saan ka namin hinanap ha!" bulyaw ng may edad na lalaking lumapit sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso.Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito.Kasama nito ang tatlong lalaki na pawang mga nakaitim na hula niya'y bodyguard ng matandang lalaking galit na may hawak ng braso niya.Si don Diego ang isa sa pinagkakautangan ng kanyang papa na may halagang sampung milyong piso.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
Roman d'amourTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...