Chapter Twenty

6.4K 253 22
                                    

Megan

"Wow..."naibulalas niya habang nakatingin sa asul na karagatan."Napakaganda..."dagdag pa niya.

Dahil sa magandang tanawin sa kanyang harapan,pansamantala niyang nakalimutan na narito sila ni Theo dahil bumagsak ang chopper na sinakyan nila.

Marahan siyang ibinaba niya ni Theo sa buhanginan,Inalalayan rin siya nitong makaupo bago ito huminga ng malalim na tila ba ninanamnam ang sariwang hangin na nagmumula sa karagatan.

"Napakaganda...."wika niya na muling ibinalik ang tingin sa dagat.Na para bang nag aayayang lumangoy siya.

"Yes,very beautiful..."sagot naman ni Theo.Bumaling siya ng tingin dito kaya naman nagtagpo ang kanilang paningin.

Ilang saglit na parang napako ang mga mata nila sa isat-isa bago niya inalis ang tingin dito.Kasabay ng pamumula ng kaniyang pisngi.

Hindi niya mapigilang kiligin kay Theo kasi naman bawat sabihin nito pakiramdam niya palaging patama sa kanya.O baka naman nang iilusyon lamang siya.

"Masakit pa ba?"tanong nito na tumingin sa kanyang paa.

"Hindi na,kaya makakalakad na ako ng maayos.."sagot niya na pilit ngumiti.

"Mabuti naman,I think kilangan nating gumawa ng sign para kung sakaling may mag rescue satin makita ang sign na gagawin natin,madali nila tayong mahahanap.."Wika ni Theo na iginala ang paningin.Na tila hinahanap kung anong pwedeng gawin nilang sign.

Nang waring may nahanap na ito naglakad ito putungo sa may ilang maliit na punong niyog na may mga bungang laglag sa buhanginan.Pinulot ni Theo ang mga laglag na tuyong niyog bago isa-isa nitong inihilira sa buhanginan.

Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad palapit dito.Tinulungan niya itong mamulot nang mga tuyong niyog at iniabot niya rito.

"Thanks.."wika nito bago kinuha ang niyog na inaabot niya.Aksidente naman nitong nasanggi ang palad niya na nagdulot ng ibayong kuryenteng nanulay sa katawan niya.Pero hindi niya nagpahatala kunwari no reaction.

Halos may tatlongpong minuto ang lumipas ng matapos nila ang sign na kanilang ginagawa.

Binasa niya ang salitang lumabas mula sa mga niyog na pinaghili-hilira ni Theo.

"HELP."mahina niyang bigkas.

"Madali yang makikita ng mag re-rescue satin.."wika ni Theo sa kanyang tabi.

"Pano kong wala sa himpapawid ang mag rerescue satin at nasa dagat habang nakasakay sa banka or kahit anong sasakyang pandagat..hindi nila ito makikita?"

"Hmmm,wag mo nang pakaisipin ang bagay nayan...dahil imposibleng walang helicopter na iikot sa himpapawid para hanapin tayo,Trust me sweetheart..."wika nito na talagang sigurado sa sinabi.

Sweetheart?Tinawag niya akong sweetheart.Ohh goodness Theo wag kang ganyan.

Nahihiyang tinapunan niya ito ng tingin,mabuti nalang hindi ito nakatingin sa kanya,kaya hindi nito nakita ang pamumula ng kaniyang pisngi.

Pwede ba Megan tinawag kalang sweetheart,nag blushed ka agad alalahanin mo nasa isang isla kayo na kayo lang dalawa maraming pwedeng mangyari,kaya kung ano man yang nararamdaman mo para kay Theo itago mo nalang mas makakabuti yan sayo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.Sana hindi nalang nauso ang pag-ibig.Disin sana'y wala siyang mabigat na dinadala sa kanyang dibdib.Inalis niya ang tingin kay Theo at muling ibibalik sa asul na karagatan.

"Are you alright?"

Narinig niyang tanong ni Theo sa kanya.Tumango nalang siya bilang tugon.Maya-maya pa'y nag-ingay ang kalangitan at gumuhit ang matalim na kidlat,agad naman siyang lumapit kay Theo at sumiksik sa tabi nito.Takot siya sa kulog at kidlat mula pa noong bata siya.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon