Megan
She cannot believe what saw, what she discovered and now she understands why Malou wants to buy this property because it was belong to her and it is belong to her. She closed her eyes and wipe her tears, she needs to talk to Malou as soon as possible she has to get back in the city. Pinilit niyang kalmahin ang kanyang sarili at pigilin ang mga luha pang nais kumawala mula sa kanyang mga mata. Kaya pala umpisa palang magaan na ang loob niya kay Malou kaya pala sa milyong milyong tao sa mundo pinagtagpo sila ng tadhana dahil ang lahat ng iyon ay may dahilan. And she will do everything's to make it right. Kinuha niya ang larawan at lumabas ng basement,kasalukuyang pinapahid niya ang kanyang mga luha ng makasalubong niya si Theo na salubong ang mga kilay.
"Are you alright?'' nag-aalalang tanong nito na akma sana siyang hahawakan pero mabilis niyang iniiwas ang kanyang sarili .
"I'm alright..." tugon niya na walang lingon likod na nilampasan ito. Isang malalim naman ang pinakawalan ni Theo na hindi nalingid sa kanyang pandinig. Nagtuloy naman siya sa kanyang silid at kinuha ang kanyang phone idinial niya ang phone number ni Malou, Gusto niya itong makausap hindi na siya makapaghintay na sabihin dito ang kanyang natuklasan. Pero tanging voice message lang ang narinig niya sa kabilang linya. Kaya naman nag-iwan nalang siya ng voice message para sa huli.
"Malou, if you hear this please call me because I have something to tell you that is really important..."
Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakaw lan at pabagsak na nahiga sa kama. Hindi niya alam kung pa paano niya haharapin ngayon si Sr. Alfredo. Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman samot saring emosyon ang kumakain sa kanya ngayon. Tinitigan niya ang dalawang larawan at tumutok ang kanyang mga mata sa larawan ng babaeng buong buhay niyang minahal.
"Mama..." bulong niya. Kasabay ng muling pagbalong ng luha sa kanyang mga mata. Muli niyang naramdaman ang pangungulila sa kanyang mama,napakatagal ng panahon na nitong wala. Hindi niya alam kung alam ba nito ang katotohanan sa pagkatao nito bago ito binawian ng buhay. Gusto niyang malaman ang buong katotohanan at malalaman lamang niya ang lahat ng iyon mula kay Sr. Alfredo,Pinahid niya ang kanyang luha at nag pasyang kausapin ang matanda. Inayos niya ang kanyang sarili bago siya lumabas ng kaniyang silid habang iligay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon ang dalawang larawan.
Tinungo niya ang silid ng matanda ilang beses siyang kumatok pero walang tumutugon kaya naman pinihit na niya ang doorknob upang bumukas ang pinto. Pero wala siyang nakita miski anino nito sa loob silid. Muli niyang isinara ang pinto ng kwarto at tinalunton ang hallway para hanapin ang matanda. Hanggang sa nakasalubong niya ni Aling Cita kaya naman nagkaroon siya nag pagkakataon na itanong dito kung saan naroroon ang Sr.
"Aling Cita,Alam ninyo po ba kung nasaan si Sr. Alfredo.? Magalang niyang tanong.
" Namamahinga ang Sr. Doon sa may likod bahay sa ilalalim ng punong kaimito, Paborito niyang tambayan ang lugar na iyon sa tuwing siya ay namamahinga.." Mahaba nitong litanya.
"Ganun po ba, salamat po maiwan ko na kayo." wika niya na hindi ngumingiti. Halata naman sa mukha ng matanda ang pagtataka na nakamaang sa kanya bago niya ito talikuran. Tinungo niya ang daan patungo sa likod bahay at malayo palang natanaw na niya si Sr. Alfredo na nakaupo sa bench na may di kahabaang lamesa na may nakapatong na tasa na tiyak niyang tsa-a.
Habang palapit sa kinaroroonan ng matanda mas lalong lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Kaya pala sa una palang magaan na ang kanyang loob sa matanda dahil sa lukso ng dugo. Pansamtala siyang huminto sa paglalakad at mataman niya itong pinagmasdan.Nakatanaw lamang ito sa malayo na animo may malalim na iniisip. Gusto niyang itanong sa sarili kung naramdaman din ba nito ang lukso ng dugo noong una silang magkita? Pinigil niya ang muling pagbalong ng luha at tumingala sa kalangitan bago muling pinagpatuloy ang paglakad palapit dito. Tumikhim muna siya upang linisin ang kanyang lalamunan bago magsalita nakatayo na siya sa likurang bahagi ng Sr. Maramdaman naman ng huli ang kaniyang presensya nilingon siya nito kasabay ng pagguhit ng isang matamis na ngiti. Pero hindi niya alam kung gagantihan ba niya ang ngiting iyon kaya naman lumakad siya sa umupo sa tabi nito pero nilagyan niya ng halos tatlong dangkal na espasyo sa kanilang pagitan.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...