Heavy hearts, like heavy clouds in the sky, are best relieved by the letting of a little water. ...
Megan
Naalimpungatan siya ng marinig niya ang iyak ng baby na hindi niya alam kung saan nag mumula.Pinakiramdaman niya ang paligid,muli niyang narinig ang iyak ng isang baby. Marahan siyang bumangon tinungo niya ang binata na pinapay-pay ang punting kurtina ng hangin.Sumalubong sa kanya ang malamig na simo'y ng hanging na nagpatindig ng kaniyang balahibo.
Sumilip siya sa labas ng bintana,pero tanging madilim sa paligid lamang ang sumalubong sa kanya. Hangang maya-maya pay muli na naman niyang narining ang iyak ng sangol na sigurado siyang nagmumula sa labas ng mansion. Kaya naman sinuot niya ang kanyang robe at lumabas ng kanyang silid.
Tinalunton niya ang pasilyo palabas ng mansion hangang maramdaman ng mga paa niya ang malamig na damo. Saka lamang niya napagtanto na wala siyang kahit anong suot sa kanyang mga paa. Pero muling bumaling ang atensyon niya sa iyak ng sangol na nagmumula sa kung saan,pinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad hangang mapakunot ang kanyang noo,naramdaman niya ang mapipinong buhangin sa kanyang hubad na mga paa.
Iginala niya ang paningin,kasabay ng pag-awang ng kanyang bibig,natagpuan niya ang sarili sa dalampasigan,Pero paano nangyari yun.
"Megan!''
Napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan at ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita ang lalaking nagtangka sa kanyang buhay noon at kumitil sa buhay ng kanya sanang magiging anak. Nanlilisik ang mga mata nito sa kalangitan habang nakangising nakatingin sa kanya. Hangang napadako ang kanyang mga mata sa karga nitong baby na noon ay patuloy sa pag-iyak.
Binalot ng takot ang kanyang buong sestema,naninindig ang kaniyang balahibo higit na nakakatakot ang hitsura ng lalake ngayon.At kaninong sangol ang karga nito,hangang itaas nito sa ere ang isang baril.
"Miss me?'' Nakangising wika nito.
Bahagya siyang napaatras,napakabilis ng tibok ng kanyang puso."Pa-paano ka nakarating dito?'' nahintakutang wika niya habang patuloy sa pag-atras.
Mala demonyong ngumisi ito sa kanya."Susundan kita kahit saan ka pumunta Megan,Anino mo ako habang buhay!at nakikita mo ba itong sangol na hawak ko?anak mo ito Megan..'' nakangising wika nito.
Namimilog ang kanyang mga matang napatingin sa sangol na patuloy sa pag-iyak at pakiramdam niya anumang sandali mauubusan na ito ng hininga.Hindi niya alam kung bakit parang may sariling buhay ang kanyang mga mata dahil naramdaman niya ang pag agos ng hula sa magkabila niyang pisngi habang nakatingin sa sangol na umiiyak. Pakiramdam niya madudurog ang kanyang puso habang nakatingin dito.
Lalo namang lumawak ang pagkakangisi ng lalake."Come here, Mega get your child..''
Ayaw niyang maniwala sa sinasabi nito,pero iba ang sinasabi ng kanyang puso. Gusto niyang mahawakan ang sangol,gusto niyang haplusin ang makinis nitong balat,ikulong ito sa kanyang mga bising. Hangang sa maramdaman niyang kusang humakabang ang kanyang mga paa palapit sa mga ito. Nakasingisi namang umaatras ang lalaki,kitang kita niya ang nakakatakot na hitsura dito dahil liwanang na nagmumula sa buwan.
"Nabigo akong patayin ka noon, Megan pero ngayon sisiguruhin kung makakasama muna sa impyerno ang mahal mong anak.'' Nakakatakot na wika nito,habang patuloy sa pag -atras.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...