Chapter Sixty Seven

680 49 14
                                    





Megan


Hindi tumitigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha, hindi niya makakaya kung may mangyaring masama kay Theo, nawala na ang kanilang anak at hindi niya matatangap kung pati ito ay mawala pa rin. Mabilis ang kaniyang pagmamaneho dahil ayaw niyang may masayang pang minuto. Gustong- gusto na niyang makita si Theo at ipinapangako niya sa sarili na patatawarin na niya nito, at kakalimutan na niya ang mapait na nakaraan ang tatanggapin ang pag-ibig na inaalok nito.

Pinahid niya ang kaniyang luha at mahinang bumulong, " Wait for me, aaminin ko ng mahal na mahal parin kita Theo," wika niya na mapait na ngumiti.

Ilang saglit pa'y natagpuan niya ang sarili na nilalakbay nag pasilyo ng hospital, tumungo siya sa nurse station at tinanong sa nurse kung nasaan si Theo. Agad namang sinamahan siya ng nurse sa ICU, habang binabagtas ang pasilyo patungo kung nasaan si Theo nanginginig ang kaniyang mga tuhod, ngayon palang kasi ay nadudurog na ang kaniyang puso sa maaaring masaksihan.

Malayo pa lamang ay natanawan na niya si Arrabella at ang asawa nitong si Zach na magkahawak ang kamay na nakaupo sa labas ng ICU. Muling nangilid ang kaniyang luha at malalaki ang hakbang na naglakad palapit sa mga ito.

" Gusto kung makita si Theo," wika niya sa pagitan ng pagluha.

Dumako ang tingin sa kanya ng mag-asawa at bakas ang pagkagulat sa mukha ng mga ito ng makita siya. Agad tumayo si Arrabella at mahigpit siyang niyakap.

" Megan Ija," wika nito na hindi napigilang hindi umiyak.

" Arrabella, kumusta na si Theo,?" wika niya na gumanti ng yakap dito.Kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya si Arrabella at mabining umiling," Hindi pa siya gumigising," wika nito patuloy sa pag-iyak.Mariin siyang napapikit at pinahid ang magkasunod na luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

" Pwede ko ba siyang makita,?'' tanong niya.

" Ofcourse go ahead," wika ni Zach na bakas sa mukha ang kalungkutan.

" Dito po tayo Ma'am," wika ng nurse na nakamasid lamang sa kanila.

Marahan siyang tumango at sumunod sa nurse, pumasok sila sa isang nakapinid na pinto.

" Pakisuot nalang po Ma'am ng hospital gown," wika ng nurse na iniabot sa kanyang ang kulay green na hospital gown.

Sumunod naman siya dito at mabilis iyon isinuot at maisuot niya ang hospital gown binuksan ng nurse ang isa pangnakapinid na pinto at pumasok sila doon. Nang tuluyang makapasok bumungad sa kanya si Theo na nakahiga sa hospital bed, may benda ang ulo nito at may nakakabit na tubo sa katawan at oxygen. Naitakip niya ang kaniyang palad sa kaniyang bibig kasabay ng muling pagtulo ng kaniyang mga luha.

Dumako ang kaniyang mga mata sa machine na karugtong ng oxygen ni Theo na may mga lingyang gumuguhit na tumataas baba at natatakot siyang ano mangsandali magiging isang guhit iyon na kinatatakutan niyang mangyari.

" Maiwan na kita Ma'am," paalam ng nurse sa kanya pero hindi na niya ito nagawang tugunin. Marahan ang mga hakbang na tinungo niya ang nakaratay na si Theo habang walang patid ang pagtulo ng kaniyang mga luha,hangang sa tuluyan siyang makalapit sa kama nito at marahang naupo sa silyang naroon. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang mga kamay nito at dinala iyon sa kanyang labi at banayad iyong hinalikan.

" I'm here Theo," umiiyak na wika niya." Don't give up and fight for me, I need you here, I need you in my life," dagdag niya." Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, sa masasakit na salitang binitiwan ko para sayo," umiiyak na wika niya.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon