Ilang sandali siyang hindi makahuma,hindi makakilos nabigla siya sa nakita,sa taong ngayon ay nasa harapan nya.Sa taong sagad sa buto ang nararamdaman niyang galit.Kita niya ang galit sa nga mata nito habang nakatingin sa kanya lalo na ng bumaba ang tingin nito sa kanyang katawan na ang tanging suot lamang ay ang kanyang bathrobe.
"Baby!come here na.!"malakas na tinig ni Theo mula sa silid.
Lalong nagliyab ang mata ni Althea habang nakatingin sa kanya.At walang ano-ano'y bigla nitong tinulak ng malakas ang pinto upang lumuwang ang bukas niyon.
"You bitch!!"malakas na sigaw nito saka mabilis na nakalapit sa kanya at hinablot ang kanyang buhok na halos matangal na sa kanyang ulo.
"Walangya ka ahas ka!!"sigaw ni Althea sa kanya.
"Bitiwan mo ako!Ikaw ang ahas sinungaling!"sigaw din niya na agad nagawang hilahin rin ang buhok nito.
Nang mga sandaling yun para silang mga manok na nag sasabong.Hangang Lumabas ng silid ang gulat na gulat na si Theo at mabilis silang inawat.
Pero pareho silang hindi magpaawat,pawang gustong ilabas ang galit sa isa't isa.
"Nagsinungaling ka kay THeo,sinabi mong kinuha ko ang malaking perang inalok mo pero ni isang kusing wala akong kinuha sayo hayop kang babae ka!!"sigaw nita habang sinasabunutan ito.
"Enough!"sigaw ni Theo sa kanila habang hinihila nito si Althea.Na nagawa naman nitong ilayo sa kanya.
"I said enough!"nanggagalaiti ng sigaw ni Theo sa kanilang dalawa.
"Ngayon mo sabihin ang totoo kay Theo,Althea!!"sigaw niya.
Nagtatanong ang mga matang dumako ang tingin ni Theo Althea na noon ay magulong magulo ang buhok.
"Anong totoo ?anong ibig sabihin ni Megan?"
Agad umilap ang mga mata ni Althea at hindi agad makapag salita.
"Sabihin mo Althea!na kahit piso hindi ako tumanggap sayo.Inalok mo ako ng pera noong gabing dumating kami ni Theo sa mansion.Pinahanap mo ang papa ko at sinabi mo sakin kung nasan sya dahil alam mong pupuntahan ko siya.Sinabi mo sakin na inalok ka na ng kasal ni Theo na nagmamahalan kayo!"umiiyak na sigaw nita dito.Gusto muli niya itong sunggaban at sabunutan dahil nag uumapaw sa galit kanyang puso.
"What the hell is this Althea!totoo ba ang sinabi ni Megan!"Namumula ang mukhang tanong ni Theo.
Ilang beses na napalunok si Althea at hindi alam kung saan kukuha ng isasagot.
"Althea!!"galit ng sigaw ni Theo.
"Oo!totoo sinadya kung alukin ng pera ang babaeng yan,sinadya kung ipahanap ang kanyang papa para umalis na siya.At sinabi ko ring magpapakasal na tayo.Pero totoo namang nagmamahalan tayo Theo diba?"wika ni Althea na agad sinapo ang mukha ni Theo pumapatak narin ang luha mula sa mga mata nito.Sarkastiko naman siyang ngumiti,Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito.
"Hindi niya tinanggap ang perang inalok mo!"madiin ang tinig na wika ni Theo.Na mahigpit na hinawakan ang dalawang braso ni Althea.
"Sumagot ka!"
"I'm sorry."mahinang sagot ni Althea na halos ito lang ang nakarinig.
"Damned!"wika ni Theo na binitiwan si Althea at namumuo ang luhang tumingin sa kanya.Wala namang patid ang paglaglag ng kaniyang luha.
At parang iisang hakbang lang na nilakad ni Theo ang kanilang pagitan at mabilis siyang ikinulong sa dalawa nitong mga bising.
"I'm sorry baby,I'm so-sorry.."Umiiyak na wika sa kanya ni Theo."Hindi ako naniwala sayo,kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi ko sayo.Pinasakitan kita sa paraang gusto ko.Patawarin mo ako.."
"Matagal na kitang pinatawad Theo.Tiniis kong lahat ng masasakit na paratang mo dahil mahal kita.Mahal na mahal kita.."umiiyak na wika niya.
Kumalas si Theo mula sa pagkakayakap sa kanya saka nito ikinulong ang kanyang mukha sa dalawa nitong palad.
"I love you too now and forever.."wika ni Theo sa kanya saka marahang bumaba ang ulo nito upang siya'y halikan.Pero hindi natuloy ang halik na'yon dahil biglang nagsalita si Althea.
"I'm pregnant!"umiiyak na wika ni Althea.
Para silang sinabugan ng bomba sa sinabing iyon ni Althea.Manghang pareho silang tumingin dito ni Theo.
Pakiramdam niya binuhusan siya ng malamig na tubig.Pakiramdam niya gumuho na ang natitira niyang pag-asa na muli silang magsasama ng masaya ni Theo.
"Kilangan mong panagutan Ito Theo.Kaya kailangang ituloy ang kasal.Papayag kabang iluwal ang batang ito na walang magigisnang ama?"wika ni Athea na kung kanina ay umiiyak ngayon bakas sa mukha nito ang tagumpay.
"Theo,wag kang maniwala sa kanya baka nagsisinungaling nanaman siya."umiiyak na wika niya na hinawakan ang braso ni Theo.Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang mukha nito at pinagtagpo niya ang kanilang mga mata.
At gusto niyang manlumo sa nakikita niya sa mga mata nito.
"Sa pagkakataong ito hindi ako nagsisinungaling Theo,buntis ako at kung gusto mong mapatunayan na nagsasabi nga ako ng totoo ngayon din pumunta tayo sa doctor.."wika ni Althea."Kilala kita Theo Alam kung hindi mo hahayaang lumaking walang ama ang anak mo.Katulad ng ginawa mo kay Kevin.."
Hindi kumibo si Theo nanatili lamang itong nakatintingin sa kanya.Hangang bumuka ang bibig nito at ilabas ang mga salitang ayaw niyang marinig.
"I'm sorry.."wika nito sa kanya.
Parang walang buhay na bumagsak ang kaniyang mga kamay.Habang patuloy sa pag-agos ang kaniyang luha.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...