Chapter Twenty eight

5.5K 293 33
                                    


Wag magtiwala sa pinakikitang kabaitan

Dahil hindi mo alam sa likod niyan may nakatagong kaplastikan


THEO



Hanggang ngayon di-parin siya makapaniwala na nagbalik na si Althea,sa loob ng tatlong taong pagkawala nito heto at muli itong nagpakita sa kanya.

At hindi lang iyon,muli nitong hinihingi ang pagmamahal niya noon dito,pero hindi niya pwedeng ibagay dito ang kanyang puso dahil nakalaan na ang pagmamahal niya kay Megan.

At ngayon sigurado na siya sa kanyang nararamdaman si Megan ang mahal niya,si Megan lamang at wala ng iba.

Sa muli nilang pagkikita ni Althea napagtanto niyang pagmamahal nalang bilang kaibigan ang nararamdaman niya dito,wala na siyang ni katiting na pagtingin para sa babae.

At nito nga buong araw inayos niya ang lahat sa pagitan nila Althea,sinabi niyang wala na itong babalikan pa..at hindi naman siya nahirapang ipaunawa dito ang lahat.Madali naman nito iyong natanggap.

Buong araw narin niyang hindi nakikita si Megan at sobra-sobra na niyang namiss ng todo.

Kinausap narin siya ng kanyang ina at sinabi niyang si Megan parin ang pipiliin niya na sobra naman nitong ikinatuwa.
At sinabi rin nito na sasabihin kay Megan ang naging disisyon niya pero kaagad naman niya itong pinigilan,dahil gusto niya siya ang magsasabi kay Megan ng lahat.

Kasabay narin ng pagsusuot niya dito ng tunay na engagement ring na binili niya..ngayon lang.Kararating lang niya mula sa pagbili ng singsing at excited na siyang makita ni  Megan para maisuot dito ang engagement ring na binili niya.

Nakangiti niyang kinapa ang bulsa ng suot niyang black trouser kung saan naroon ang maliit na velvet box na naglalaman ng singsing na kanyang binili.

Patungo siya ngayon sa silid ni Megan para kausapin ito at ipaliwanag ang lahat at sana maunawaan siya nito.Nasasabik na siya muling ikulong ito sa kanyang bisig at mahagkan.

Malapit na siya sa silid ng Megan ng makita niyang lumabas mula sa silid nito si Althea na halata ang pagkagulat sa mukha ng makita siya.

"Theo!" Gulat na wika nito.

Napangiti naman siya sa naging reaksyon ng babae."Para kang nakakita ng multo..."biro niya.

Naglumikot naman ang mata nito na parang hindi mapakali.

"Saan ka pupunta?"

"Kakausapin ko si Megan...."sagot niya.

"Nako,bukas nalang natutulog na siya..mukhang nagbabawi ng pagod at puyat kaya hayaan muna,muna siyang makapagpahinga.."

"Ganon ba,sige bukas nalang kung ganun..."aniya na hindi maitago sa tinig ang panghihinayang.

Nagliwanag naman agad ang mukha nito at gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa labi.

"Pwede bang samahan mo muna akong uminom ngayon,celebrate natin ang pagiging magkaibigan nalang natin ngayon,tutal naman aalis narin ako bukas..."wika ni Althea na lumapit sa kanya sabay angkla ng bisig nito sa kanyang bisig.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon