Chapter Fifty four

3.1K 97 25
                                    

°°°°°°°°°°°

Megan

Matapos ang halos tatlong oras na byahe narating niya ang pangpanga. Halos nangalay ang kaniyang braso sa pagmamaneho. Pumasok and kanyang kotse sa isang makipot na daan.Hindi niya kabisado ang lugar pero dahil sa technology kahit hindi mo alam ang lugar na pupuntahan mo basta meron kang digital mapping kahit saan ka pumunta you will never lost.

Kumunot lamang ang kanyang noo dahil halos wala na siyang makitang kabahayan sa paligid halos mga puno na lamang ang kanyang nakikita.Saglit niyang hininto ang sasakyan at sinulyapan ang mapa. Tama naman,Ikinibit balikat na lamang niya ang muling pinatakbo ang sasakyan. Tumingin sya sa langit na noon ay nangingitim na ang mga ulap na halatang may pagbadyang ulan.Sana lang wag syang abutin ng malakas ng ulan.

Pinagpatuloy niya ang pagmamaneho hangang umabot siya sa isang di kahabaang tulay na gawa sa kahoy upang makaliban sa kabilang bahagi ng ilog. Itinigil niya ang pagmamaneho at sinipat kung kakayanin ba ng tulay ang kanyang sasakyan. Pero mukha namang matibay ang tulay kaya muli niyang ipinagpatuloy ang pagmamaneho at tumawid sa kabilang bahagi ng ilog.

Sa dikalayuan natanaw niya ang isang may edad na lalaki na naglalakad sa gilid ng kalsada. May pasan itong ilang tuyong kahoy sa balikat nito. Itinigil niya ang sasakayan sa tapan ng matanda at saka ibiniba ang bintana ng kotse sa driver side.

"Good afternoon po,Pwede po bang magtanong?"nakangiting bungad niya .

"Oo naman ening ano ba iyon?"

"Pupunta po sana ako kay Mr. Alfredo Sanchez,nasa tamang way po ba ako?"

"Aba oo naman neng,deretsuhin mo lang itong kalsada na ito at pagkatapos lumiko ka sa kanan at makikita mo doon ang mansion ni Sr.Alfredo. Kasamahan mo ba yung isang kotse na dumating kanina?"

Napakunot ang kanyang noo sa tanong ng matanda." Hindi po mag-isa lang po ako.."

"Ah ganun ba,Siya sige ening at paparating na ang ulan. Mag-ingat ka."Wika ng ginoo saka pinagpatuloy na nito ang paglalakad.

Hindi naman nya maintindihan kung bakit bigla siyang binundol ng kaba sa sinabi nito. Bigla niyang naisip na marahil ang kotseng sinasabi nito ay pag-aari ng taong interesado din sa lupa. Papaano kung naunahan na sya nito. Hindi iyon maaari hindi nya pwedeng biguin si Malou. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan saka muling pintakbo ang kanyang sasakyan.

Ilang minuto pa pumarada ang kanyang sasakyan sa labas ng isang Napakalaking lumang bahay na gawa sa kahoy. Na may malawak na harden.

Pinatay niya ang makina ang sasakyan at saka binukasan ang pinto at lumabas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pinatay niya ang makina ang sasakyan at saka binukasan ang pinto at lumabas. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya. Pakiwari niya walang nakatira sa lumang bahay. Pero maya maya pa'y lumabas ang isang may edad na babae mula sa likod ng bahay. Namamanghang nakakatingin ito sa kanya at pinasadahan sya ng tingin mula ulo hangang paa.

Nangingiming nginitian nya ito. Saka siya naglakad palapit sa ginang."Magandang hapon po. I'm Megan,Naparito po ako para makausap si Mr. Alfredo." Wika niya.

"Magandang hapon naman sayo ening. Nabangit nga ni Sr. Na may dadating syang bisita ngayong araw pero Nahuli ka yata ng dating naunang dumating yung Isang lalaki,Ay kagwapong bata niyon kasama mo ba siya?"

Nakangiting umiling siya."Hindi ho,mag-isa lamang po ako."

"Ah ganun ga,ay siya halika pumasok ka muna,Wala si Sr. kasama niyang umalis yung lalaki kanina patungo doon sa lupa na gusto nitong bilhin."Wika ng ginang habang nag patiunang naglakad papasok sa beranda ng mansion.

Binundol naman sya ng kaba. Ito na nga ba inaalala niya. Baka naunahan na siya ng lalaking iyon.

"Sa tingin nyo po ba nabenta na sa kanya yung lupa?"Tanong niya habang nakasunod dito.

"Hindi ko alam ineng pero kanina ay seryoso silang nag-uusap. Halika upo ka muna."Anyaya nito sa kanya.

Iginala niya ang paningin sa loob ng mansion,halos lahat ng kagamitan sa loon ay pinaglipasan narin ng panahon. Pero namangha siya taglay na kalinisan ng buong bahay. Isang lumang larawan ng isang lalaki ang babae ang nakita niya na sasabit na Dinding. Lumang wedding picture hinuha niyang si Sr.Alfredo at ang asawa nito. Wala siyang nakuhang malawak na impormasyon kay Malou about sa Sr. Pero isa lang naman talaga ang pakay niya dito yun ay mabili ang lupa.

Maya maya pay may idinulot na Inumin sa kanya ang matanda magalang naman niyang kinuha iyon saka nag pasalamat.

" Siya nya pala ako si Cita,katiwala ako ng Sr. dito."

"Megan po."Tugon niya.Malayo po ba yung lupang pinuntahan nila?

"Hindi naman ganun kalayo ,nasa kabilang ibayo lang Ening pero maya maya siguro ay darating na sila. Hindi rin sila magtatagal doon dahil paparating na ang ulan."

"Ah ganun po ba,Salamat ho mang Ceta."

"Sige maiwan na muna kita at itutuloy ko lamang ang ginagawa ko sa likod bahay."Paalam ng ginang.

"Sige ho salamat."

Nang mawala sa paningin niya ang ginang,ipinatong niya ang baso na may lamang orange juice sa center table at saka tumayo. Lumapit siya sa malaking Lawaran nakasabit sa dinding at mataman iyong pinagmasdan.

Kita niya sa lawaran ang masayang mukha ng mag-asawa na halatang mahal na mahal ang isat-isa. Bigla namang binalot ng lungkot ang kanyang puso. Natutuwa siya sa mga taong swerte pagdating sa pag-ibig di Tulad niya. Hindi na nga siya swerte pagdating sa Ama at pati naman sa pag-ibig malas din sya. Binawi niya ang tingin sa lawaran at muling iginala ang kanyang paningin.

Sa hinuha niya halos kulang 100 taon na ang bahay na ito pero matibay parin ang pundasyon. Isang tanong ang nabuo sa kanyang isipan kasi may hinahanap ang kanyang mga mata pero hindi niya makita. Iyon at larawan ng mga anak Ng Sr. Pero miski isa wala maapuhap ang kanyang mga mata."May mga anak kaya ito?"

"Ening,natanaw ko na ang Sr. Paparating na sila." Pukaw sa kanya ni Aling Ceta na bigla nalang nagsalita sa kanyang likuran. Napahawak siya sa tapat ng kanyang dibdib dahil sa pagkagulat. Huminga siya ng malalim bago nakangiting humarap dito.

"Salamat po." Tugon niya. At Maya maya pa ilang mga papalapit na yabang ang kaniyang narining.

"Oh ito na pala sila.."Wika ni Ceta habang nakatingin sa kanyang likuran. Para namang May ipo-ipo sa kanyang Sikmura na hindi nya maintindihan kung bakit ganun ang kanyang naramdaman pati puso niya naging tambol na sa kaba.

Marahan niyang nilingon ang mga ito at ganun nalang ang kanyang pagkagulat sa bumungad sa kanyang paningin. Bumagsak sa sahig ang kanyang panga at pakiwari niya tumigil sa pag -inog ang mundo na halos itigil din ng pagtibok ng kanyang puso.

Nawala ang ngiti sa mapupulang labi ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Parang ipinako ang kanilang mga mata sa isa't-isa.






To be continued!!!!🤭🤭🤭🤭🤭✌️✌️✌️✌️Alam ko binubogbog nyo na ako sa inyong isip😅😅Salamat sa pag subaybay ng story Ni megan at Theo. Sana magustuhan nyo♥️♥️♥️♥️

Please follow me on Ig:jenalbenia
Salamatzzz!!!♥️







He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon