Chapter Twenty three

5.7K 252 16
                                    

Megan

"Gotcha!"malakas na wika ni Theo na iniangat ang sibat na ginawa na may nakatusok na isang isda sa dulo.

Masayang-masaya naman siyang pumapalakpak.Habang malapad ang ngiti niyang nakatingin kay Theo.

Nasa mabatong bahagi sila ng dagat na umabot lamang sa bewang ni Theo at dahil mas maliit siya kay Theo umabot ang tubig sa kanyang ibaba ng dibdib,upang manghuli ng isda.Walang suot na pang-itaas na damit ni Theo kaya naman nakahandad sa harap niya ang perpekto nitong katawan.

Pagkatapos ng insidenting nangyari ng nakaraang dalawang araw at ang halik na pinagsaluhan nila,Nagbago ang pakikitungo ni Theo sa kanya,naging sweet ito at masyadong maalalahanin,kaya tuloy gusto niyang isipin na maaring may nararamdaman narin si Theo para sa kanya.


At ngayon nakikita na niya ang tunay na Theo.Kahit nasa gitna sila nang sitwasyong walang katiyakan hindi niya maramdaman ang takot dahil kasama niya ito.Kasama niya ang lalaking kanyang iniibig.



Mag aapat na araw na sila sa islang ito,pakiramdam niya parang tumitigil ang kaniyang mundo sa tuwing makikita niya ang ngiti ni Theo ang labi nitong palaging humahalik sa kanya,At sana ipinanalangin na niya na  wag nasang matapos ang lahat,
At kung sakali mang muli silang makabalik sa syudad,wag sana itong magbago ng pakikitungo sa kanya.Wag sana dahil hindi niya alam kung kakayanin pa niya.

"I think mabubusog na tayo sa isang ito..."nakangiting wika ni Theo habang nakatingin sa isdang nahuli.

"Oo naman,kaya halikana ihawin na natin yan dahil sobrang gutom na ako..."tugon naman niya.

Bumaling ito sa kanya ng nakangiti habang na ngingislap ang mga mata."Masyado ba kitang ginutom sweetheart..."nakangiting wika nito.

Agad namang nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito.

"Halikana..."aniya an bigla nang tumalikod upang itago dito ang pamumula ng kaniyang pisngi.

Mula naman sa kanyang likuran narinig niya ang pagtawa nito,kaya naman lihim siyang napangiti.Sana ganito nalang sila palagi.

Matapos maihaw ang isda at makakain sila ni Theo nagpasya silang pumasok sa kagubatan para manguha naman ng prutas na makikita nila sa loob ng kakahuyan.Ayaw na sana siyang isama ni Theo pero nagpumilit parin siya.

"Hindi kaya makasalubong natin sa daan ung nakakatakot na baboy ramo?"nahihintakutang tanong niya,na humawak ng mahigpit sa bisig nito.

"Don't be afraid,i'm here to protect you,sweetheart..."bigkas nito bago siya kinintalan ng mabining halik sa noo.

Dahil naman sa ginawa nito,pakiramdam niya nabura ang kanyang takot,naramdaman niyang safe siya pag kasama niya si Theo.


Patuloy sila sa paglalakad at pag mamasid sa paligid ng marinig nila ang tunog ng isang helicopter.Nagkatinginan sila ni Theo.

"May helicopter..."halos magkasabay nilang bulalas.

Nakita naman niya ang saya sa mukha ni Theo,bago siya nito hinawakan sa kamay at hinila siya pabalik sa dalampasigan,kung saan naroroon ang ginawa nilang sign.

Nagmamadali silang tumakbo ni Theo pabalik,Habang lumalakas ang tunog ng helicopter,sumasabay naman  roon ang tibok nang kaniyang puso.

"Hey!Hey we're here!"sigaw ni Theo habang nakatingala sa langit upang tingnan  ang helicopter,habang kumakaway ang dalawa nitong braso.

Maging siya ay ganun ang ginawa,malapit na sila sa pangpang ng makita nilang lumayo na ang helicopter sa isla.

"Hey!comeback!we're here!"sigaw ni Theo ng nasa dalampasigan na sila.

Pero mukhang hindi sila napansin ng helicopter,Tinungo naman niya ang sign na hinawa nila,at sa pagkadismaya wala na iyon sa ayos.Magulo na iyon dahil na hahampas ng alon.

Ilang sandali pa'y tuluyan ng nakalayo ang helicopter.Malungkot na tumingin siya kay Theo na halos hindi maintindihan ang gagawin.

"Fuck!Fuck!"galit na bulalas nito,habang sapo ang ulo na makailang ulit na sinuklay ang buhok nito.

Lumapit naman siya dito at hinawakan ang braso nito."Mayroon panaman sigurong darating.."wika niya para pagaanin ang loob nito.

"Kilan pa!Tatlong araw na tayo sa lugar na'to!"galit na wika nito sa kanya.Bago inalis ang kamay niya nakahawak sa braso nito at tumalikod.

Hindi naman agad siya nakapagsalita sa sinabi at inakto nito.Nauunawaan niya kung bakit ito nagagalit,pero bakit parang sa kanya pa ito nagalit.

"Teka ngalang sandali!"pigil niya dito namabilis hinagip ang braso nito at pilit niyang iniharap sa kanya.Bumungad naman sa kanya ang naiirita nitong mukha.

"What!"bulyaw nito.

"Bakit kaba sakin nagagalit..!"galit naring tanong niya.

"Because this is your fault,kung sana nakinig kanalang sakin na maiwan dito sa dalampasigan,di sana nakita ka nila...!"

"Wag kang sumigaw di ako bingi!sige ako na ang may kasalanan,kasi nagpumilit pa akong sumama sayo,kasi ninais kong makasama ka,pero hindi ko ginustong hindi tayo makita kung sino mang mga nakasakay sa helicopter na'yon!Gusto munang makaalis sa islang ito,pwes ako rin sino bang gustong mabulok dito!"wika niya na hindi napigilang maiyak

Nagbago naman bigla ang ekspresyon ng mukha nito,mula sa pagiging galit lumambot iyon at rumihistro ang pagsisisi.

"Megan-" anas nito sa mababang tinig.Na akma siyang hahawakan pero mabilis niyang inilayo ang sarili at humakbang paatras habang patuloy sa pagragasa ang kanyang luha.

"Wag mo akong hawakan.."matigas niyang wika.

"I-i'm sorry,I didn't mean to hurt you..."

"But you did..."wika niya bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo.

"Megan...please..."tawag sa kanya ni Theo na alam niyang sinusundan siya.

"Stay here,hayaan mo muna ako..."wika niya na hindi ito nililingon.

Masamang masama ang kanyang loob,bakit kilangang sisihin siya nito.Pareho nilang nais na makaalis nasa islang ito,at hindi niya kasalanan na hindi sila nakita ng helicopter na'yon.

Hindi niya ito kakausapin promise,naiinis at nasasaktan siya.




He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon