Love finds its way

406 40 8
                                    




THEO

Ilang beses niyang ikinurap ang kaniyang mga mata dahil baka namamalikmata lamang siya, pero kahit maikailang kisap mata pa siya, nakikita parin niya ang magandang mukha ni Megan na gulat na nakatingin sa kanya. Hangang marinig niya ang mahinang pagbigkas nito sa kaniyang pangalan. Saka lamang siya na naniwalang totoo ang lahat na talagang si Megan ang kaniyang nakikita.

" Megan," bigkas niya na magkahalong saya at pananabik ang nararamdaman.

Dumako ang tingin niya sa kasama nitong babae na isa ring filipino na nakaawang ang bibig habang palita-lipat ang tingin sa kaniyang dalawa.

Humakbang siya paaalis sa kaniyang kinatatayuan at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Megan na hindi inaalis ang tingin dito dahil natatakot siyang baka bigla nalang itong maglaho. Nakita niyang lumakad din ito upang salubungin siya. Nang ilang dipa na lamang ang layo nila sa isat-isa para siyang nabato balani na hindi na niya magawang ihakbang ang kaniyang mga paa, pakiramdam niya'y parang napako ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan.

Hanggang nakita niya ang malayang paghakbang ni Megan patungo sa kaniya, hangang tuluyan na itong tumakbo palapit sa kaniya. Pabilis ng pabilis ang tibok ng kaniyang puso na halos wala na siyang ibang marinig kundi ang dagundong ng kaniyang dibdib.Hangang tuluyang lumapat ang katawan ni Megan sa kaniyang katawan.Yumakap ang dalawa nitong braso sa kaniyang katawan.

Nag-init ang kaniyang mga mata ng makulog sa kaniyang mga bisig ang katawan ni Megan,Narinig niya ang paghikbi nito sa kaniyang dibdib kaya naman hindi na niya mapigilang hindi tumulo ang kaniyang mga luha.

" I know this is going to happen," wika nito na mas humigpit ang yakap sa kaniya.

Hindi siya tumugon hinayaan lamang niya ang sarili na nakakulong sa mga bisig nito. Ilang segundo sila sa ganoong posisyon ng kumalas si Megan sa kaniya at sa pagkagulat niya isang mainit na sampal ang pinakawalan nito na tumama sa kaniyang kanang pisngi. Hindi niya inaasahan nagagawin nito iyon kaya na gulat na nakamaang siya dito.


MEGAN'S POV

Sobrang ligaya ang kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon na nakakulong siya sa bisig ni Theo, patuloy sa pagbalong ang kaniyang luha , samo't saring emosyon ang kaniyang nararamdaman. Ligaya ,saya at galet, galet dahil bigla nalang itong umalis ng hindi siya kinakausap,aba sobrang pagod at hirap at puyat din pinagdaanan niya bago sila magkita.

At sa pagkaalala sa puyat at pagod niya sa paghahanap nito, nagpupuyos ang dibdib na kumalas siya sa pagkakayakap dito at tumaas ang kaniyang palad at dumado iyon sa kanan nitong pisngi. Namilog ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

" Ohh ouch," narinig niyang bulalas ni Luna.

" Bakit bigla-bigla ka nalang umalis?" galit na tanong niya na basang-basa ng luha ang mukha.

" Because I want you to be happy, I am not belong to you anymore," wika nito na may pait ang tinig.

" How can you say that?" tanong niya.

" Because you are belong to him, and you are pregnant with his son,"

"Tsk, belong to who?"nakapamewang niyang tanong.

"Daniel,"

"He is my cousin, you bastard!" galit na wika niya dito.

Namilog naman ang mga mata nito sa kaniyang sinabi." Anong ibig mong sabihin?'' di makapaniwalang tanong nito.

" It's a long story Theo, kaya kung pwede lang magtanong ka muna at kausapin mo ako bago ka mag alsabalutan.

"And that baby,who's the father," tanong nito na dumako sa kaniyang sinapupunan ang mga mata.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon