MEGANNAGpupuyos parin sa galit ang kanyang dibdib sa mga sinabi ni Althea.Kung pwede lang putulin na niya ang dila nito para hindi na makapagsalita ginawa na niya.
Tinalunton niya ang hallway pabalik sa pagdarausan ng party.Kahit mabigat ang kanyang loob na panoorin engagement party ni Theo at Althea kilangan niyang magtiis.Kilangan niyang tiisin ang sakit.
Naramdaman niya ang pagiinit ng kanyang mga mata.Nagbabadya nang mamuo ang luha sa kanyang mga mata dahil sa sakit na nararamdaman niya.Bumalik sa kanyang balitawtaw ang unang pagtatagpo nila ni Theo kanina at ng halikan nito si Althea sa mismong harapan niya.
Grabeng sakit noon para sa kanya na talagang harapharapan pang pinakita ni Theo kung gaano nito kamahal si Althea.
Napapikit siya ng naramdaman ang kirot sa kanyang dibdib.At dahil sa samo't sari ang tumatakbo sa kanyang isipan hindi niya napansin ang kanyang makakasalubong,huli na para umiwas bumangga na siya dito.
"Opss-i'm----"
"Meg-Megan...!"di makapaniwalang bulalas ng nakabangga niya.Kaya naman di na niya naituloy ang sasabihin pa.
Napatingin siya dito kasabay ng pamimilog ng kanyang mga mata."Dexter..."gulat na anas niya.
"Megan.."muling anas nito.At ang sumunod nitong ginawa ang hindi niya inaasahan.Mabilis siya nitong kinabig at niyakap ng mahigpit.
"Thanks god ,finally I found you..."masayang bulalas nito habang mahigpit ang pagkakayakap sa kanya.
Napangiwi naman siya sa ginawa nito.Halos hindi na siya makahinga.Tila ba ayaw na siya nitong pakawalan.Nasa ganung ayos sila ng may tumikhim mula kung saan.
"Happy to see each other again?!
Pinakawalan naman siya ni Dexter ng marinig ang tinig na iyon mula sa likuran nito.Nakahinga naman siya ng maluwag.
Sabay nilang tiningnan ang nagsalita na walang iba kundi si Theo.Madilim na madilim ang mukha nito na hindi nalingid sa kanya ang pagtatagis ng bagang.Habang matalim ang tinging ipinukol sa kanya.
"Ikaw pala...At Last Theo I found her..."masayang bigkas ni Dexter saka siya mabilis na inakbayan."Sinabi ko sayo diba na pag ako ang unang nakakita sa kanya papakasalan ko siya..."
Lalo namang nagtagis ang bagang ni Theo sa ginawa ni Dexter.
"I'm happy for you!" Madiing wika ni Theo bago mabilis ng tumalikod at naglakad palayo.
Gusto niyang isipin na galit si Theo o kaya nagseselos ito kay Dexter.Pero malabo namang mangyari yun.
"Let's go,magsisimula na ang party at kailangan mong ikwento sakin ang nangyari sayo..matagal kitang hinanap Megan..."
Wala naman siyang masabi sa mga pinagsasabi ni Dexter.Gusto niyang sabihin dito na si Theo ang unang nakakita sa kanya at hindi ito.Pero hindi naman niya maisatinig.
Hanggang hawakan siya nito sa kamay at igiya patungo na sa pagdadausan ng party.At wala naman siyang nagawa kundi magpatianod nalang.
_______
"Tawagin na po natin ang ating dalawang pusong nagmamahalan na ngayon ay magtatakda ng kanilang kasal..."Malakas na bigkas nang baklang taga pagsalita sa party.
Kumirot naman ang kanyang puso ng makita ang pagakyat ni Theo at althea sa maliit na intablado.At ng mga sandaling yun wala na siyang naunawaan sa mga nangyayari.Bumalong ang luha sa kanyang mga mata sa nakikitang saya sa mukha ng dalawa.
Hindi na niya kayang panoorin pa ang mga ito kaya naman binawi niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Dexter at nagmamadali na siyang naglakad palabas ng bulwagan.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...