Working in call centerCx:Why my balance so high, I haven't used my card?"
Me: I understand your confusion,But As we can see here your balance was high because your dispute charge was charge back on your account"
Cx: What!?no way let me talk to your supervisor!"
Me: Yeah, sure!
Hold hold
Bahala ka dyan maghintay hahaha Makapag-update nga habang nakahold ka.hmmf tapang mo ha.
Megan Point of view
Lihim siyang napangiti ng makita nya ang pagkabigla sa mukha ni Theo ng sabihin niyang lilipat siya sa bahay nito. Hindi ito makapaniwala sa kanyang sinabi. "Well,let's play now baby boy." Nawika niya sa isip habang nakatitig sa nalilitong mukha ni Theo.
Hinaplos niya ang gwapo nitong mukha bago muling kinintalan ito mg mabining halik na agad naman nitong tinugon.
Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa loob ng kanilang garahe saka kinuha ang kaniyang maliit na bag sa passenger seat at lumabas ng kotse. Plano na niyang mag empake ng kaniyang mga gamit upang dalhin sa pad ni Theo, isang matamis na ngiti ang gumihit sa kaniyang mga labi habang naglalakad papasok sa loob ng mansion.
Dumeritso siya sa hagdanan at tinalunton paakyat, tinungo ng kaniyang mga paa ang dereksyon ng silid ni Malou, last time na makita niya ito ay medyo maayos na ang pakiramdam ng huli at tiyak niyang mas magiging mabuti ang kalagayan nito dahil sa pag-aalaga ng sariling ama.
Tumigil siya sa tapat ng silid ni Malou at bahagyang kumatok bago niya pinihit ang seradura at tuluyan iyong binuksan. Humakbang siya papasok sa loob ng silid hangang mabungaran niya ang maaliwalas na mukha nito, hawak nito ang isang libro na alam niyang paborito nitong basahin.
" Erhm.." tikhim niya upang agawin ang atensyon nito. Agad naman itong tumunghay at mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi nito ng makita siya.
" Ija.." agad nitong wika na mabilis na ibinuka ang mga bisig.
Mabilis naman siyang lumapit at naupo sa gilid ng kama at yumakap dito, isinandig niya ang kaniyang ulo sa dibdib ng ginang na parang bata. Naramdaman naman niya ang paghalik nito sa tuktok ng kaniyang ulo.
" How is he..?" she asked.
" He is going better and I hope he will better soon.." sagot niya
" Good to hear that your presence was helping him to recover immediately."
" I think so.." maikling tugon niya na may bahid ng kilig.
" I am happy for you Megan, Hangad ko ang katahimikan ng puso mo at kaligayahan ninyo ni Theo," wika ni Malou na banayad na hinahaplos ang kaniyang buhok.
" Thank you Malou," wika niya na mas hinigpitan pa ang pagkakapulupot ng kaniyang braso sa bewang nito. Mahal na mahal niya si Malou dahil si Malou ang dahilan kung bakit nasa ganitong estado ng buhay niya siya ngayon. She love her as her own mother.
" I have to tell you something ," si Malou
Kumalas siya sa pagkakayakap sa katawan nito at tumingin dito habang nagtatanong ang mga mata.
" Pupunta ako sa probinsya kasama ang aking Ama ang Lolo Alfredo mo, I feel like It's better for me na makalanghap ng sariwang hangin kesa dito sa City. " wika nito bakas ang saya sa boses.
Lumambot naman ang kaniyang mukha at bago isang malawak na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
" You better go, it's nice there.." tugon niya. " Mas madadali ang paggaling mo doon kung sakali.." dagdag niya.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...