Chapter Twenty one

6K 302 21
                                    


21.1k reads huhuhu salamat sa inyong lahat,sana sa paglobo ng reads ang paglobo rin ng votes and also comments,dahil kasiyahan ko na ang mag basa ng mga comments nyo.Thank you everyone......

Megan

Gusto na niyang bumunghalit ng tawa habang nanunuod kay Theo sa pagtatayo nito ng kubo-kubuhan nilang sisilungan,dahil kumalat na ang dilim sa kalangitan pero ni isang poste ng kahoy wala pa itong naiitayo.Magagawa nga nitong itayo ang anim na posto pero pag lalagyan na nito ng bubong gamit ang palapa ng niyog na napulot rin nila,muli iyong bumabagsak.

Nakakaluko ang ngiting naglalaro sa kanyang mga labi ng tumingin ito sa kanya.Kitang kita naman niya ang pagsasalubong nang makapal nitong kilay."What?" Tila na iinis ng wika nito sa kanya.

"Wow,grabe sir theo,ay ang ganda po ng kubong nagawa mo eh,ay pwedeng-pwede nga pong silungan yan ngayong gabi eh..."wika niya na hindi napigilan ang tonong batangenia.Dahil gusto niyang alaskahin ito.

Gumuhit ang gatla sa noo nito bago nag isang guhit ang mga labi.Kaya naman lalo siyang napangiti.

"I did not..."tugon niya na umiiling.Pero hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Liar..liar...burning fire..."nakangusong wika nito.Habang namumula ang mukhang nakaharap sa kanya.Hindi niya alam kung dahil iyon sa pagkapahiya o dahil nagagalit na sa kanya.

Sa puntong ito ay hindi na talaga niya napigilang humalakhak.Lalo na sa sinabi nito,gosh para itong bata.Ano daw?Liar..liar burning fire!!Hahaha ang cute.

Umarko ang kilay nito sa kanya,bago gumuhit ang isang ngiti sa mga labi nito.

Naluluha naman ang kaniyang mga mata ng tumigil sa pagtawa,bago siya napatitig dito.Nararamdaman niyang parang natutunaw ang puso niya sa ngiti ni Theo.Grabe ang gwapo talaga nito at hindi siya magsasawang pagmasdan ito palagi.She cleared her throat dahil pakiramdam niya maraming bumara sa lalamunan niya.Inalis niya ang tingin dito at dumako sa kubong ginagawa nito.

"Tutulungan na kita,dahil kung hindi baka sa mabasa tayo ng ulan kabang bumagsak na..."wika niya na pinulot ang isang kahoy at ibinaon iyon sa buhanginan.

"You know what?I like the way you laugh,you looked more beautiful..."bigkas nito sa likuran niya.Napatigil naman siya sa
Kanyang ginagawa,habang naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi.Isang ngiti ang namutawi sa kanyang labi bago muli niyang ipinagpatuloy ang ginagawa.

At matapos ang mahigit kense minutos natapos ang kanilanh muntinh kubo.Anim na tulos ang nakatayo sa magkabilang gilid ng kubo,habang ang bubong naman nila ay palapa ng niyog na napulot rin nila sa loob ng kakahuyan.Sa tabi naman ng kubo nila ay ang puno ng niyog na humapay na kaya kung sakaling may pumatak na bunga mula rito ay hindi sila tatamaan.Ang nag silbing latag naman nila ay ang mga dahon ng saging na pinanguha ni Theo kanina.

Pareho na silang nakaupo sa loob ng kubo,habang yakap niya ang kaniyang mga binti at nakapatong ang kanyang baba sa kanyang tuhod.Sa tabi naman niya si Theo na prenteng nakaupo,nakatiklop rin ang dalawang binti nito habang ang dalawang bisig ay nakapatong sa magkabila nitong tuhod.

Muling umingat ang kalangitan at gumuhit ang kidlat,umihip ang malakas na hangin na nanuot ang lamig sa kanyang kalamnan.Umisod siya sa tabi ni Theo hanggang magdikit ang kanilang katawan.

"We might create a bonfire...para kahit papano mainitin ang ating katawan..."wika ni Theo.

She frowns,paano naman kaya gagawa ito ng bonfire e ala naman silang lighter,o kahit na anong pwedeng ipang-apoy.Nagpapatawa na naman ito.Hindi tuloy niya napigilang lingunin ito,kasabay ng pamimilog nang kaniyang mga mata at pag awang ng kaniyang bibig,habang nakatingin sa hawak nitong itim na ballpen na umaapoy ang dulo.

He Love's Me  He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon