"The saddest thing about love is that not only that it cannot last forever, but that heartbreak is soon forgotten."
– William Faulkner
THEO*******
Natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang bar dahil gusto niyang lunurin ang sarili sa alak upang sa magpakalasing dahil alam niyang dito lamang niya matatakasan ang sakit na nararamdaman, Alam niyang mahal pa siya ni Megan,nararamdaman niya iyon pero dahil galit ang nangingibabaw dito natatabunan ang pagmamahal na mayroon ito sa kanya at hindi niya alam kung paano ba papawiin ang galit na nararamdaman nito sa kanya.
" Binatawan mo nga ako bastos!"
Naagaw ng pansin niya ang galit na tinig na iyon ng isang babae, marahan niyang nilingon ang kinaroroonan nito at nakita niya ang isang matipunong lalaki sa pilit hinahatak ang braso ng babae na pilit namang inaalis ang pagkakahawak ng lalaki sa braso ng huli. Iginala niya ang paningin sa paligid at nakita niya ang grupo ng kalalakihan na nagtatawanan habang nakatingin sa eksena ng babae at ng lalaking pilit na hinihila ang braso ng huli.
"Miss,sandali lang naman eh gusto lang makipagkilala ng kaibigan ko," wika naman ng lalake na inguso ang grupo ng mga kalalakihan na nagtatawan.
" Pwede ba bitiwan mo ako kung ayaw ko wala kang magagawa kaya wag kang mamilit!" galit na turan ng babae. Pero hindi parin natinag ang lalake at pilit parin nitong hinihila ang braso ng babae. Nagtagis ang kaniyang bagang masakit na sa mata ang kaniyang nakikita kaya naman inisang tungga niya ang alak sa kaniyang baso saka tumayo at naglakad patungo sa kinaroroonan ng babae at ng makulit na lalaking pumipilit dito.
" Can't you hear what she said?'' sarkastiko niyang tanong.
Dumako naman sa kanya ang tingin ng lalake na nagsalubong ang mga kilay.
" Sabi niya bitiwan mo sya, are you deaf?" galit na tanong niya. Kita naman niya ang pagtatagis ng bagang ng lalake sa kaniyang sinabi kaya marahas nitong binitiwan ang babae na noon ay mabilis na nagtago sa kaniyang likuran.
"Hindi ko pinalalampas ang isang pakealamero na katulad mo," galit na wika ng lalake na mabilis kinuwelyuhan siya.
Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi bago marahas na tinulak ang lalake na muntik ng ikatumba nito. " Don't scare me because I am not afraid of you," wika niya.
Galit ang tinging ipinukol na kanya ng lalake at maya-maya pa'y binigwasan siya nito ng suntok na mabilis naman niyang naiwasan, kasabay ng paglipad ng kamao niya sa mukha nito, kita niya ang pagputok ng labi nito dahil sa kaniyang suntok na lalong nagpalawak ng kaniyang ngiti. Naghiyawan ang mga taong nakapaligid sa kaniya na animo nanunuod ng sabong. Hangang gumanti ng suntok ang lalake na hindi niya naiwasan tumama ang kamao nito sa kaniyang may ilong pero hindi niya maramdaman ang sakit dahil masnangingibabaw ang sakit na kanyang nararamdaman sa kaniyang puso. Hanggang pumagitna sa pagitan nila ang bouncer ng Club at pilit silang inaawat.
" Tama na yan mga Sir, bawal ang kaguluhan dito sa Club kung gusto ninyong magpatayan doon kayo sa labas," wika ng isa sa mga bouncer.
Pinahid ng lalakeng nakasuntukan niya ang labi nito na dumudugo parin habang galit ang mga matang nakatingin sa kanya, pero sa halip na masindak nakakalukong nginitian pa niya ito. Hindi niya alam pero parang pakiramdam niya wala ng say-say ang kaniyang bukas wala na siyang kinatatakutan.
BINABASA MO ANG
He Love's Me He Loves Me Not? [ The Montillano Saga BOOK 3]
RomanceTago,takbo walang permanenteng tirahan kung baga ang bansag niya sa kanyang sarili ay.NPA meaning NO Permanent Address.Yan ang buhay ni Megan dela Paz, dati buhay prinsesa siya pero ng malulung sa sugal ang kanyang papa nasi Miguel nabaon sila sa ut...