Chapter 53

28 3 0
                                    


Daryll's house is indeed a perfect place to rest. Everything in his house are cozy that made me feel so at home the first time I step on his floor. It was mixed with a brown and white color. The floor and ceiling are both made of woods, a perfect match to his elegant white walls. And.. most of his furnitures are classically minimized, napakagaan sa mata.

"Upo ka muna." iginiya niya akong maupo sa sofa nang makapasok kame. Ipinatong niya muna ang mga pinamili sa lamesa.

"Magpapalit lang ako ng damit. Feel free to roam around." aniya pa saka naglakad paakyat sa kwarto niya. Nakasunod lang ako sa kaniya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Tumayo ako at nagmasid sa kapaligiran. What a house. Paano niyang nagagawang hindi uwian ito araw-araw? Kung ako siguro ang nakatira dito, baka tamarin na akong lumabas.

Naglakad ako palapit sa may wooden TV stand. May ilang picture frames doon, lumapit ako para tingnan.

A smile crept on my lips as I look at his photos. Dinampot ko ang unang larawang nakita ko, his graduation photo.

This, a chapter in his life that I missed. Sayang. Hindi ko ito nasaksihan. Wala ako doon para sumigaw ng 'You made it! Kahit papetiks-petiks, nakaraos din!' I chuckled.

Sabagay, wala naman ako sa nakalipas na mga taon. Anong malay ko kung tumigil na siya sa kakalaro ng computers at mas nagfocus na sa kaniyang pag-aaral diba? Inilapag ko ang frame na hawak at naningin ng ibang letrato.

Kaunti lang at tama lang din ang liit ng mga ito.

His photo wearing a fireman suit, a photo while cleaning a firetruck, a photo with his colleagues, his family photo, and a photo of him holding a baby. Napatitig ako doon. My eyes are as if glued on that frame, seeing how good he is in carrying a baby. Bagay na hindi niya nagawa sa anak niya.

Dahan dahan kong dinampot iyon.

Why is he so handsome holding a baby? Looks like a hot dad.

"Her name's mally." napalingon ako sa lalaking nasa likod ko na pala.

"First baby 'yan ng ate." dagdag pa niya at saka kinuha ang picture frame sa kamay ko at maayos na ibinalik sa TV stand. Nakasunod lang ako ng tingin sa ginagawa niya.

"You look so happy while carrying her." puna ko, nakangiti siyang tumango.

"Oo. Hindi ko nga rin alam kung bakit, eh. Hindi naman ako mahilig sa bata, pero no'ng mga oras na 'yon? I felt something weird inside me." mataman akong tumingin sa kaniya.

"weird?"

"Hmm. Nang unang beses kong makita si mally, pakiramdam ko gusto ko siyang nakawin kay ate at magpaka-ama doon sa bata." Daryll chuckled. Napangiti rin ako.

"She's a very cute girl. No wonder hindi mo natiis ang charms niya."

"Indeed. Kahit ngayon, ang dali kong matalo sa mga panlalambing ng batang 'yan." naiiling na aniya. Natawa ako.

"Ilang taon na ba si mally?"

"Five." tipid na sagot niya habang nakangiting nakatingin sa larawan. Napatitig ako sa kaniya.

"Ahh, five.." ani ko nalang. Same, though. Tumingin siya sa akin. Daryll smiled at me.

"Would you like to stay here in the living room or sasama ka sakin sa kusina? Magluluto na ako." Dinampot niya ang mga supot ng ingredients sa lamesa. I slightly tilt my head.

"Sasama syempre, ano namang gagawin ko dito?" He just shrugged and then pointed his tv.

"Gonna watch tv, perhaps?" I scoffed.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now