I was staring intently at my phone. No notification at all. No greetings from my friends—just from random persons.
I sighed before turning off my phone. Baka mga busy lang.
Nagpagulong-gulong nalang ako sa kama saka nagtaklob ng unan sa mukha.
6:30 na. Maghapon lang yata akong halos nakahilata lang sa kama.
It's okey though. Wala namang kasabihang kailangan kapag birthday mo, very eventful palagi eh. Hindi na kailangan maghanda. Tutal hindi rin naman ako natutuwa sa katotohanang bente anyos na ako. Tss.
Tandang-tanda ko pa no'ng 15 years old palang ako, sobrang excited na kong magdalaga no'n. Gustong-gusto kong nagb-birthday kasi excited akong mag-18 years old. Excited akong mag debut.
Kaya lang.. namatay naman si papa. Ang bilis maglaho ng excitement kong 'yon. Kasi sabi ko kulang naman na 'yung 18 roses ko—kaya 'wag nalang.
Hindi naman ako naghahangad ng engrandeng debut, eh. Kasi 'di naman kame mayaman. Basta ang gusto ko lang nando'n siya sa araw na 'yon. Kaso di ako napagbigyan ng kapalaran.
Ngayon, 20 years old na 'ko. Ewan pero parang ang bigat sa pakiramdam.
Alam mo 'yung pakiramdam na habang nadadagdagan ang edad mo, parang pabigat ng pabigat 'yung responsibilidad na nakaatas sayo? Nakakatakot.
Nakakatakot maging matanda at iwan ang pagkabata.
Napabuntong hininga nalang ako. I hope God will give me enough courage and strength to face my every responsibilities as a daughter, a friend, a sister and as a person in the future.
Nakatulala lang ako sa kisame nang makarinig ako ng katok. I tsked and covered myself with a blanket. Ayaw ko muna ng kausap. Parang trip kong magmuni-muni lang.
Kapag ganito kasi, namimiss ko lang si papa. Sayang hindi ko siya nabisita. Ang lakas kasi ng ulan maghapon, eh.
Napamura nalang ako nang hindi tumigil ang kumakatok. Imbes ay palakas pa ito ng palakas na akala mo nagwawala na 'yung nasa labas ng pinto. Inis akong bumangon.
"Saglit lang!"
Sino ba 'tong mga 'to? Kung maka-katok, galit na galit. Asar kong binuksan ang pintuan nang makalapit.
"BAKLAAAA!" Napamaang ako.
"What...are you guys doin' here?" Gulat na tanong ko sa tatlong bruha na nasa harapan ko. Nagsingisian silang tatlo saakin saka nagsi-isod sa tabi dahilan para makita ko si carl at zared na may hawak ng cake at may nakasinding kandila. Naglakad sila palapit saakin.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, Happy birthday to you~!!"
"HAPPY BIRTHDAY!" Sabay-sabay nilang bati.
"Akala mo nakalimutan namen, no?" Mapang-asar na tanong ni pichie. Natatawa naman akong tumango.
"Oo! Lagi nalang kayong ganiyan." pairap kong sabi.
"Pwede ba namang mangyare 'yon? Kahit luka-luka ka, hindi namen makakalimutan ang birthday mo no!" ani ni judy.
"Oo nga mame!" napailing-iling nalang ako.
"Oh blow the candle na. Ngalay na ako." reklamo ni carl. Napairap nalang ako saka pumikit para mag-wish saglit.
After blowing the candle, nagmulat ako para luminga-linga sa paligid.
"Parating na 'yon. Tawagan mo nalang mamaya." ani ni judy na nakapag patigil saakin.
"Pupunta daw?" she look at me sarcastically.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...