Hindi ko mapigilang mainis ngayong parami ng parami ang librong hawak ko. As in wow lang. Hindi biro ang bigat ng bawat isang librong ipinamimigay saamin at maya maya lang kapag naibigay na lahat ng dapat na libro na mapapa-saamin para sa taong ito, hindi na ako magtataka kung agad na bibigay ang bagong bag kong hindi naman katibayan. Balak ko pa naman sanang maglakad pauwi mamaya tsk.Sa paglipas ng oras buhat kaninang umaga, walang ibang ginawa ang teachers kung hindi mamigay ng libro. At habang tumatagal ng tumatagal, parami rin kame ng parami sa klase dahil sa hindi ko malamang kadahilanan ay may mga napapalipat na estudyante sa section namen. So from only 36 students in class, ngayon exactly 40 na siya at mukhang madadagdagan pa ng isa dahil for the nth time, may kumatok na naman sa pinto.
"Maam may tao po!" anang kaklase ko kaya napatigil sa pamamahagi ng libro ang Filipino teacher ko saka tumayo at naglakad papunta sa labas dahilan para magkaroon ng konting ingay sa klase.. Nawala saglit ang teacher eh tsk. May kinausap lang sya saglit sa labas saka bumalik sa loob para mag paalam saamin.
"Class, may estudyante lang akong ihahatid sa faculty para makausap ang adviser niyo. Saglit lang ako ha? Babalik din ako kaagad." anang teacher namen.
"Yess maaaaam!" sagot ng karamihan. Di na ko nakisali, ganon din naman. Maya maya lang ay natanaw ko na si maam na naglalakad palayo kasama nuong ihahatid niya sa faculty. Hindi ko naman natanaw yung estudyante.
"Baka mamaya 50 na tayo dito sa section natin, masyado na tayong crowded dito" dinig kong sabi ni judy dahil para na namang naka high volume ang boses niya. Hindi ko naman pinansin dahil alam ko namang hindi ako ang kausap.
"Oh eh may magagawa ba tayo? Wag ka na mag inarte at nasa public school ka lang bakla!" dinig kong pang-aasar nung katabi ko sa kaniya.
"Hindi naman ako nag iinarte! Kaya lang diba? Masyado na tayong marami sa isang section. Lalo ng hindi nagkaintindihan sa klase"
"Wow haa? Kung makapag salita ka akala mo naman focus na focus ka sa pag-aaral mo!"
"Aba ay sadya! Ikaw lang naman ang hindi eh"
"Kapal ng mukha mo ah! 40 palang naman tayo! Wag kang OA bakla! Hanggang 45 ang normal na numero ng mga estudyante kada section noh!"
Napapa-iling nalang ako sa kaingayan nilang dalawa. Nagkunwari nalang akong walang naririnig at tumunganga sa unahan hanggang sa makabalik ang filipino teacher namen para maipag patuloy ang pamimigay ng libro. Nakuha ko naman na ang akin kaya wala na akong problema. Inayos ko nalang ang mga gamit ko at pinag sama-sama lahat ng libro ko. Tatlong libro nalang at makukumpleto na ko na to.
Hanggang sa matapos ang filipino period at masundan ng ibang subject teacher ay pamimigay lang ng libro ang ginawa namen. Maya maya lang ay may kumatok sa pinto, pag lingon namen ang adviser namen ang nandon. Kaagad siyang dumungaw sa pinto at nag excuse sa kasalukuyan nameng subject teacher.
"Maam excuse me lang po. Isisingit ko lang po itong bago kong estudyante dito sa section ko." sabi ni maam saka pinapasok ang estudyanteng sinasabi niya. "Late po siyang nag paenroll kaya ngangayon lang dumating, ay dito ko na sa section ko inilagay at isa ako sa mga sections na kakaunti pa ang estudyante" pagkukwento ng adviser ko sa subject teacher namen pero hindi ko na magawang makichismis pa sa sobrang gulat at tuwa.
"Ahh ay sya ganon ba? Ay iho tuloy ikaw. Bakit naman ikaw ay nahuli sa pag eenroll? Nagkaabsent ka tuloy agad" pagkausap ng subject teacher ko sa estudyanteng pumasok. Hindi niya ito sinagot at kakamot-kamot lang sa ulo at ngumiti kay maam. Nanatili lang siya sa unahan habang nag kukwentuhan ang mga guro at mukhang inaantay lang niyang senyasan siya ng isa sa kanila na pede na siyang umupo.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
NonfiksiA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...