Hindi ko alam kung pano nangyare pero matapos ng pangyayareng iyon ay nagkaroon ng malaking pagbabago saakin. Parang naglaho bigla iyong masayahing ako..Ang dating napaka-ingay na si jane ay madalas ng tahimik ngayon, tamad na tamad na akong dumaldal. Hindi na rin ako hirap sa pagpapasunod sa mga kaklase ko kapag nag iingay sa classroom dahil isang sutsot ko palang, para ng may dumadaang anghel. Kung dati ay hindi ko kayang hindi iimik at walang kasama, pwes hindi na ngayon. Dahil kapag may klase ay tahimik lang akong nakikinig, at kapag wala naman ay nasa isang sulok lang ako, kung hindi tahimik na nakatingin sa labas para mag muni-muni ay natutulog. Pagpunta nga sa CR na dapat talagang may kasama upang mag bantay ay pinipili ko paring mag isa eh. Madalas kasi ay sira ang pinto ng mga banyo dito. May pinto nga, wala namang lock kaya kelangan pa ng bantay or taga sandal sa pinto para manatiling nakasara.
Dalwang buwan na ang lumipas mula ng dumistansya ako sa mga kaibigan ko dito sa classroom, well hindi naman talaga ako umiiwas dahil nagkataon lang talagang katahimikan ang bago kong trip ngayon at hindi ko makukuha sa kanila yon. They are still my friends ofcourse.. At nagkakausap parin naman kame paminsan-minsan, iyon nga lang ay mas madalas akong tahimik lang at hindi lumalapit sa kanila o di kaya naman ay tulog. Ewan ko ba, ito ang bago kong trip ngayon eh, at alam ko namang naiintindihan nila yon kaya walang problema.
Madalas ay wala ako sa mood pero iba para sa araw na ito dahil kaarawan ko ngayon. Pero syempre walang handa.. Baon nga muntikan ng mawalan eh kundi lang ginawan ng paraan nina mama dahil pangit naman daw na wala akong baon ngayong birthday ko. Siguro ay nangutang na naman iyon..
Maaga akong pumasok sa school ngayon dahil nasasakal ako sa bahay at ayaw kong masira ang mood ko sa ngayon. Paakyat na ko sa building namen ng bigla kong makasalubong si Leon. Nahinto naman siya at ngumiti saakin.
Isa pa itong taong to, hindi ko malaman ang trip sa buhay. Noong kame pa at gustong gusto ko ng atensyon niya ay hindi niya magawang ibigay saakin tapos ngayong wala ng namamalimos ng atensyon niya ay saka naman siya todo pansin saakin? Well wala namang masama doon dahil friends nga diba? Maganda iyong walang samaan ng loob after the breakup kaya lang kasi, masyado akong nagtataka sa mga kinikilos niya. Kahapon lamang ay effort na effort pa siyang pumunta sa classroom ko which is hindi niya magawa-gawa noon para lang sabihin saakin na ako ang nag-highest sa periodical exam sa subject ng Araling Panlipunan? section kasi nila ang nagcheck ng testpapers namen eh. Oh diba? Grabeng gulat ang naramdaman ko non. Akala ko nga ay sinaniban na siya eh dahil hindi naman niya talaga ugaling magpunta sa classroom ko. Like duhh? Malalaman ko rin naman na highest ako pag nareturn na samin ang papers no.
But anyway, it's no big deal. I mean, nandiyan parin iyong feelings pero diba nasabi ko na? Ang tapos ay tapos na. Tska baka sadyang ganun lang ang trip niya kaya hinayaan ko na.
Naglakad siya papasalubong saakin at muling ngumiti.
"Aga mo yata ngayon ah? Happy birthday nga pala" ngumiti naman ako. "Salamat"
"baka naman makakalibre dyan?" biro nya. Natawa naman ako ng bahagya "Sus, dapat nga ay ako ang nililibre mo dahil birthday ko"
Tumawa naman siya at pinisil ang pisngi ko "Next time.." inirapan ko naman sya kaya natawa sya ulit. Next time your face.."Oh sige na papasok na ko sa room" pamamaalam ko. Tumango naman siya kaya diretsyo akong pumasok ng room.
"GOODMORNINNNG!" Bati ko.. Tagal na rin ahh
"Oyy goodmorning! Goodmood ka yata?" tanong ni dolo. Nginitian ko naman siya "Medyo lang" Hindi ba nila alam na birthday ko? Tss..
"Naks oh sulitin ang pagiging goodmood niyan. Tagal niyan nanahimik ah!" sabi ni sheshe
"Oo nga. Oyy mamaya sumabay ka na samin maglunch ah? Palagi ka nalang tumatanggi saamin." sabi ni naman ni joy.. Lah?
"Eh anong kakainin ko? Wala akong baong kanin para sa lunch"
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
NonfiksiA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...