"Anak, halika muna dito saglit."
"Anak!" napalingon ako kay mama. "Ako ba tinatawag mo?"
"Ay oo sino pa?" I sarcastically look at her. "Eh ma, apat kameng anak mo dito." I said a matter of fact.
"Pumarito ka muna ang dami mo pang sinasabi" aniya saka nagpipindot ulit sa cellphone.
"Ma, may ginagawa akong outline para sa lesson plan ko. Tatamarin na akong gumawa pag tumayo agad ako dito ng hindi pa tapos.." reklamo ko saka nagpatuloy sa pagsusulat.
Outline pa lang naman, pero hirap na hirap na talaga ako sa pag-gagawa. Ganon ba talaga kapag di mo talaga gusto yung course na kinuha mo? Lahat nalang oarang ang hirap-hirap. Lahat nakaka-stress. Tsk. Eh kung hindi man education, ano naman kukunin ko? Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano talaga ang gusto ko. Gusto ko lang talagang makapag-tapos, yun lang.
Bakit naman kasi 1styear college palang may demo-teaching na kaagad? Hays.
"Arte mo. Bilis na. Tatawag kasi ang tita grace mo, may sasabihin daw sayo." Napalingon ako sa gawi niya.
"Ano daw? Don't tell me, aalis ka na ulit ma?" mataman kong tanong sa kaniya. Hindi na kasi siya umalis ulit nang matapos ang contract niya sa Dubai. Nawili na sya sa pagtitinda ng isda sa palengke. Ayos din kasi ang kita eh.
"Gusto ko nga sana eh. Eh kaso eto nga may pinag-usapan nga kame ng tita mo. Lumapit ka kasi muna dito at ng maunawaan mo. Oh eto na pala, tumatawag na. Lapit ka dito nak!"
Napabuntong-hininga nalang ako saka niligpit saglit ang mga gamit ko dahil baka mapag-laruan pa ng mga bata. Tumayo ako saka naglakad palapit kay mama.
"Hello grace, nandito na si jane oh." nilapag ni mama yung cellphone sa lamesa para mas makita kameng dalawa sa screen.
"Hi tita grace! Anong meron?"
"Ayan nako buti nakausap na kita. May io-offer kasi ako sayo neng. Gusto mo bang makarating dito sa Singapore?" nanlaki ang mga mata ko.
"Gusto ko po tita! Pabibisitahin nyo ko dyan?" masiglang tanong ko. Hindi maitago ang namumuong excitement. Makakarating na ko ng ibang bansa?!
"Ay nako hindi lang kita pabibisitahin, dito ka pa mag-aaral! Gusto mo ba? Kasi nakausap ko si mama mo, and I found out that your grades are actually good! Papasok yan sa qualifications ng school na pinag-woworkan ko jane. After all, yun naman talaga ang hanap nila, yung matatalinong bata na magmumula pa overseas!"
"Wow. Tita ang gandang offer po niyan! Hindi po ba ako mahihirapan dyan tita? And I still have to process a lot of papers pa before I can finally fly there right? Baka ma-decline ako?" nag-aalinlangang tanong ko.
"Ano ka ba naman jane, ako na ang bahala dyan. Basta gawin mo lang yung part mo dyan sa pinas, mas pag-igihin mo pa ang pag-aaral mo. I can actually pull some strings para after ng 1st sem mo dyan, makalipad ka na kaagad papunta dito. Pasasaan pa at teacher ako dito diba? Yung iba nga natutulungan ko, ikaw pa kaya na pamangkin ko."
Napa-kurap kurap ako. "Tita, after sem po? Ang bilis naman yata..? Sobra kayong magpasabog ah" natatawang ani ko, feeling a bit nervous.
"Eh kasi neng, pag nagtransfer ka naman dito babalik at babalik ka din naman sa firstyear college. Wala kang mac-credit sa mga tinake mong subjects dyan kasi iba ang curriculum dito. So what's the point of staying there for long diba? Mapag-iiwanan ka lang lalo ng mga ka-batch mo." napabuntong hininga nalang ako. Sabagay ..
"Oh ano, game ka ba? Para naman maipasa ko na yung form mo dito sa school. Ako na ang bahalang umasikaso dito."
Who am I to say no? Bigas na yung lumalapit sa manok!
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
SaggisticaA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...