Chapter 27

20 3 0
                                    


"Ayusin mo kasi! Hindi ganyan. Hagudin mo ng maayos." panenermon ko sa kapatid kong lalaki—si jayem. Agad naman itong nagkamot ng ulo.

"Ikaw na kasi ate, hindi naman ako marunong nito eh" pagrereklamo niya habang nagpa-plantya ng uniform niya.

"Kaya ka nga tinuturuan diba? Para matuto ka? Di naman pedeng laging ako dito sa bahay no? Sasarap naman ng buhay niyo" maarteng sabi ko sa kaniya sabay irap.

"Oh wag mong tagalan ang patong ng plantya tanga masusunog yan!" agad naman itong nataranta kaya nawala lalo sa focus. Basta nalang nitong nabitawan ang plantya dahilan para pwersa itong mahugot sa saksakan at lumagapak sa sahig. Muntikan pang matumba iyong kabayo dahil nasagi ng paa nya ito sa sobrang katangahan—mabuti na lang at agad ko itong nahawakan dahil kung hindi magdudumi pa pati ang uniform niya.

Iritang-irita akong hinampas siya sa braso bago ko inayos ang kabayo at sinaksak muli ang plantya.

"Tsk! Akina na nga, ako na lang ang gagawa! Ako nalang ulit! Ako naman lage!" barinong-barinong sigaw ko bago masama ang loob na tinapos lahat ng plantyahin ng kapatid kong lalaki. Wala na rin syang nagawa kundi panoorin nalang ako. Jusko, pag hindi ka naman nautas sa mga taong ito.

"Panoorin mo itong ginagawa ko ha? Sa susunod talaga pababayaan na kitang walang masuot na uniform! Ako na nga lahat ang gumagawa dito sa bahay pati labahin ako na, dapat yung pang sarili niyo pinag-aaralan nyo ng gawin ng walang tulong ko" panenermon ko sa kanilang lahat. Ganito ako kapag pagod tapos alam kong marami pa akong nakapilang gagawin. Nakaka-irita kasi sa pakiramdam iyong parang pagod na pagod ka na pero di ka pa pedeng magpahinga kasi di ka pa tapos sa mga gawain mo. Hays. Alam niyo yung pakiramdam na gawa ka ng gawa sa bahay tapos kita mo yung mga kasama mo sa bahay na mga sarap buhay lang? Nakaka-kulo ng dugo promise! Dibale sana kung wala akong nakapilang assignments at projects eh. Di na naman mga musmos iyong dalwa kong kapatid kaya di nila pedeng idahilan saakin na di pa sila dapat gumagawa ng mga gawaing bahay no! Sus. Mas bata pa ko sa kanila ng matutunan ko ang lahat ng yan. Sila rin naman ang makakawawa kapag lumaki silang walang alam gawin sa bahay eh. Tsk. Nang matapos ako sa uniforms niya at uniforms ko, agad akong bumaling sa pangatlo kong kapatid—Si Jhen.

"Siguro naman ikaw marunong ng magplantya no?"tanong ko sa kaniya. Naturuan ko na naman kasi talaga sila nung isang linggo pa. Tumango naman sya.

"Yan, very good. Plantyahin mo yang uniform mo. Pagkatapos gawin nyo na lahat ng assignments niyo ha? Jayem, ikaw magbuklat-buklat ka naman ng mga notebook mo ha? aba. Walang mangyayare sayo nyan." ani ko sa dalwang kong kapatid tska kinuha ang cellphone ko at lumabas ng bahay.

"Oh anong ginagawa mo dyan? Pumasok ka na sa loob, papaltan na kita ng damit mo maya-maya para makatulog ka na" ani ko sa bunso kong kapatid nang makita ko itong naglalaro pa ng kung ano sa labas.

"Ayaw ko nga nidadanggil mo naman ang sugat ko eehh" gasumot na gasumot ang mukha nito.

"Bat ko naman dadanggilin? Pumasok ka na nga sa loob. Gabing-gabi na nandyan ka pa. Gusto mo bang makuha ng mga sipay?" pananakot ko sa bata. Sipay ang tawag namen sa nangunguha ng bata. Agad naman itong umiling.

"Oh pumasok ka na. Kakamustahin ko lang si mama tapos lilinisan na kita pag balik ko sa loob."

"Ako na lang! Dinadanggil mo naman ang sugat ko ehh!" alma nito at parang paiyak na saka tumakbo papasok ng bahay. Natawa ako. Hahayaan niya nalang itong maglinis ng kaniya dahil panigurado namang lilinisan ko parin ito mamaya kapag tulog na ang bata dahil gabi-gabi kong nilalagyan ng gamot ang mga sugat niya na nakuha nya sa sarili nya ring kalikutan.

Araw-araw, hindi yan nawawalan ng bangas sa katawan. Ayaw namang pipirmi sa bahay. Hinahayaan ko na nga lang eh kasi dun lang naman nalilibang ang bata, palibhasa ay araw-araw kameng tatlong magkakapatid na nasa school kaya naiiwan palagi sa bahay ang bunso kong kapatid at tanging ang dalwang pinsan nya lang ang nakakalaro niya. Gabi-gabi din tuloy akong puyat dahil talaga namang inaantay ko pang humimbing ang tulog ng bata bago ko malinis ang mga sugat niya dahil hindi naman ito papayag na madampian ang sugat nya kung gising ito.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now