Matapos ipahayag ni Maam Fortitude ang Rules and Regulations niya inside her room ay umalis na rin siya at nag sabing hintayin namen ang susunod na subject teacher.Sobrang tahimik pa rin. Hindi na talaga ako mapakali. Ako kasi iyong tipong hindi kayang hindi iimik sa loob ng isang minuto eh. Kelangan may gawin ako dahil kung hindi ay mapapanisan ako ng laway dito.
Huminga ako ng malalim. Go jane ! Makapal naman talaga mukha mo eh, ayos lang yan. Lumingon ako sa mga tao sa likod ko at ngumiti ng pagka-laki laki.
"Hi! Ako nga pala si jane, anong pangalan niyo?" mukhang nagulat naman yung tatlong babaeng kinausap ko pero ngumiti parin naman sila sakin. Hindi ba sila sanay na may nakikipag-kilala sa kanila? Ako rin eh haha.
"U-umm.. Ako si Sheryll"
"A-ako si Joy"
"Ako naman si Dolor"Pinag-aabot ko yung mga kamay nila at ako na ang kusang nakipag shakehands. Di pa ko nakunteto, hinawakan ko pa mga ID nila at tiningnan ang mga fullnames nila. Hehe. Mukha namang ilang na ilang na sila sakin kaya tumigil na ko ng konti.
"Sorry. Naiilang ba kayo sakin? Hirap na hirap na kasi ako, wala manlang akong kilala dito. Hindi pa naman ako sanay na walang kausap."
"Okey lang naman.." sagot ni Dolor
"Salamat sainyo" Ngumiti ako. "Pede ko ba kayong daldalin paminsan-minsan? Wag lang akong mapanisan ng laway ohh" Sabay tawa ko. Okey ang daldal ko masyado-.-
"O-oo walang problema" Naiilang na ngumiti naman si Sheryll pero di ko na pinansin. Kelangan ko talaga ng kadaldalan please bare with meeee! Huhuhu
"Mukhang magkaka-kilala na kayong tatlo ah? Magkaka-klase ba kayo last year?" pang uusisa ko. Nagsi-tanguan naman silang tatlo.
"Ang suswerte niyo naman pala kung ganon. Ako kasi grabe wala manlang ako nakaklase kahit mula manlang sa grade 7 days ko. Hirap na hirap tuloy ako. Konti na nga lang kakausapin ko na ang sarili ko eh pero syempre naisip ko first day palang naman diba? Pedeng after a few days magkaron na rin ako ng kaibigan dito. Katulad niyo---" napatigil ako bigla nung marealize na sobra na yung pagdaldal ko. Tumingin ako sa kanilang tatlo at muka naman silang nakikinig pero mukhang napipilitan nalang. Nako naman Jane baka mabadtrip sila sa kaingayan mo! >.< Baka imbis maging kaibigan mo sila eh maudlot pa.
"Nako sorry napasobra yata ang daldal ko" nahihiyang sabi ko sa kanila. "hindi okey lang ano ka ba" sagot naman nung Joy.
"Pasensya na talaga.." sabi ko pa. May narinig naman akong tumawa sa gilid ko kaya napalingon ako. Si seatmate. Bakit ba hindi ito ang kinausap ko?
"Lah ate bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kaniya kasi mukhang sakin siya natatawa eh.
"Ay wala ang cute mo kasi super friendly mo" sabay tawa ulit. Saya ni ate ..
"ay hahaha. Ganun talaga ako eh, kelangan palaging may kausap. Ano nga palang pangalan mo? Sorry nahuli kitang natanong, para kasing ang snob mo ate eh" alinlangan kong sabi.
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Talaga? mukha ba kong masungit? My name's Virgiña. Virgie nalang or virge. Its up to you" kibit balikat niyang sabi sabay abot ng kamay saakin. Inabot ko naman agad. Baka mangalay eh. Sayang, kaibigan din ito. Haha!
"Hello! Ako naman si Jane. Ang cute naman ng name mo, pang virgin hahaha"
Natawa naman siya sa sinabi ko at nagsimula na kameng mag kwentuhan ng kung anu-ano. Aba matalino pala ito si ate Virgie. Buti nalang seatmate ko siya. Tiba-tiba ako nito HAHAHA! Ate virgie na tawag ko sa kaniya, malaking tao naman siya eh. Hindi naman siya mataba, malaking tao lang talaga siya tska mukhang ganun din naman ang tinatawag sa kaniya ng karamihan.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
SaggisticaA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...