Chapter 59

19 2 0
                                    


Chapter 59

Being mistakenly accused for something you haven't done was really a big insult for me. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at naisip niya iyon. Basta ang alam ko lang ay nainsulto ako. Of all people, ... tsk. Kung sabagay, ano ba ang alam niya sa nararamdaman ko para sa kaniya noon pa man? wala.

Sa anim na taong lumipas ay ni hindi ako sumubok tumingin sa iba para lamang magmahal muli dahil buong atensyon ko ay nasa anak ko lang. Gusto kong magalit, pero naiintindihan kong wala siyang nalalaman sa kahit na anong pinagdaanan ko sa nagdaang mga taon. Maging sa kung paano kong tiniis ang mahalin siya habang nagmamahal siya ng iba. Kung paano kong pinagkasya ang sarili ko sa pagiging kaibigan niya lang. Wala siyang alam.

Kaya nga nakakainsulto. Kasi ito at wala naman siyang alam pero nagagawa parin niya akong pagbintangan para sa mga walang kwentang bagay.

Gusto ko nang sabihin sa kaniya ang totoo pero nag-init ang ulo ko nang mga oras na iyon. Ayoko ng ganoon. Alam ko kasing kailangang kalmado ako habang sinasabi ang bagay na iyon dahil magiging malaking pasabog 'yon sa kanya. Dapat ay kalmado ako para ipakita sa kaniyang hindi man niya tanggapin ang bata ay kaya ko. Kaya kong wala siya kung sakali.

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga dahil pinalampas ko na naman ang pagkakataon. Pero mas ayos na iyon kaysa ipilit kong sabihin nang hindi kami ayos na dalawa. Mahirap na.


"Pupunta ba siya?" napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita sa tabi ko si Jhen. Napabuntong hininga ako saka ipinagpatuloy ang pag-pupunas ng mga plato.

"Malay ko. Palagay ko, hindi." Tamad kong sagot. Totoo naman. I told him to come, I even send him an invitation but it's all up to him kung pupunta siya o hindi.

Naghanda ako para sa araw na 'to. Para kung pupunta siya ay may lakas loob akong sabihin sa kaniya ang totoo. Iyon kasi ang gusto ng bata. Pabirthday ko na daw sa kaniya. Wala naman akong magawa kundi ang umoo kahit natatakot akong hindi maging maganda ang kalabasan.

Pero sa tingin ko ay hindi naman siya pupunta lalo't nakatatak na sa isip niya na si Van ang ama ng anak ko. Ano pa nga ba naman ang gagawin niya dito diba? Hindi ko mapigilang mainis sa isiping iyon. Saan ba niya kasi napulot ang ideyang iyon? Siya ata ang may pangarap maging writer at kay galing nang gumawa ng sarili niyang kwento.

"Malulungkot si Primo kapag hindi siya nakapunta. Naka-oo ka na, ate." Muli akong napabuntong hininga at umiling-iling. Binitawan ko ang mga plato at mabilis kong pinunasan ang kamay ko.

"Ikaw na muna dito. Haharap lang ako sa mga bisitang dumadating." Sabi ko nalang at iniwan ko na siya doon sa kusina.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkausap sa mga bisita at pag-uusisa nang iba pang mga kailangan para sa munting handaan sa bahay. Simple lamang ang birthday party ni Primo. Hindi na ako nag-imbita pa nang maraming tao at tamang mga kapamilya at kaibigan na lamang. Hindi na rin ako nag-abala pang magrenta ng venue dahil mas gusto ko na rito sa bahay mag handa.

Inaamin kong nagtitipid ako ngayon dahil wala parin akong matinong trabaho. Ang sinasahod ko sa pageencode ay kulang pa sa gatas at vitamins ng anak ko. Pero kung gusto naman ng anak ko ang engrandeng handaan ay gagawan ko ng paraan kahit pa mangutang ako kina Elly. Buti na nga lang at lumaking simple ang anak ko dahil talagang alam kong mahihirapan ako kung sakali. Iyon nga lang, ang bigat ng hinihingi niyang kapalit.

Nagdatingan ang barkada at kaagad na tinulungan ako sa pag-aayos ng mga handa. It was only the girls at first. Nang dumating ang mga lalaki, wala silang ideya kung anong meron kaya naman tinawag ko pa ang anak kong naglalaro para ipakilala sa kanila.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now