Chapter 31

17 3 0
                                    


My senior high is a bit tough. I've got to experience a lot from it but all in all, Im still happy. Looking from what kind of person I've become right now, all I can say is that, my senior high did a big part on it. I'm still thankful though. For all the pain that I felt, for all the confussions that I experienced and for all the dark days that I successfully passed through. It made me more mature. It made me a strong woman I can ever be.

"Mame pakinggan mo tong kantang to, promise ang ganda" anang camia at saka inilagay yung headset sa tenga ko.

She's my classmate, yes. At nagpapasalamat talaga ako don. Katabi ko rin sya sa upuan since wala namang naging seating arrangement sa classroom na ito. My gang was divided into two, since dalwang sections lang naman ang ICT strand. In my section, Carl, camia and Dada is with me while in the other section is Judy, pichie, drew and aian. Zared is in Industrial arts.

"Anong kanta to? Ganda nga ah.."

"Kay Moira yan mame, sabi ko naman sayo pakinggan mo lahat ng songs niya eh. Magaganda promise."

"Makiki-soundtrip nalang ako sayo bakla, alam mo namang full storage na yung cellphone ko eh"

"Ay oo nga pala. Sige mame, magbasa ka nalang" aniya at saka tumawa. Napailing-iling nalang ako. 3 weeks din yata kameng madalas na nakatunganga lang dito sa classroom noong unang bwan namen dito sa school dahil hindi pa daw dumadating iyong mga teachers na para saamin. Ewan ko ba.

Sa 3 weeks na yon, samu't-sari na ang mga pinag-gagagawa namen. Kanya-kanyang pakulo kung paanong hindi mabuburyong sa classroom kapag walang klase. May nagdala na nga dito ng unan at kumot eh, hiraman nalang. Haha. Kami ni camia, walang ibang ginawa kundi mag soundtrip at magbasa ng wattpad. Dalang nga namen mag-usap niyan eh. Habang ang buong klase naman ay madalas nanunuod ng movie sa TV.

Magbabasa na sana ako ulit kaya lang nahagip ng mata ko si rob—isa sa tropa ko dito sa room.

"ROB! Ano na?!" sigaw ko, nasa kabilang dulo kasi sya eh. Napakamot naman sya sa ulo saka kinuha ang cellphone niya sa bulsa.

"Wala kasi akong signal kanina eh, wait try ko ulit"

"I-post mo na! Malilimutan mo na naman yon mamaya eh!" untag ko.

"Oo ito na nga oh, bakit ka ba nagagalit? Chill ka lang" natawa ako.

"Tag mo kame ni camia ah? Pag yan di nag appear sa notification ko patay ka sakin" birong banta ko.

"Oo na ito na nga eh. Oh yan okey na ah? Loading na." aniya saka hinarap sakin ang screen niya.

"Yan, good boy!" ani ko saka thumbs up sa kaniya. Napailing iling nalang sya saka tinuloy ang panonood ng movie sa tv.

"Naki-selfie ka na nga, nagpa-post ka pa. Lupet ah" anang dada na nasa likod ko na pala. Sa bandang likod kasi kame nakapwesto ni camia at napapalibutan kame ng mga lalaking walang ibang bukang bibig kundi dota o ROS. Jusme. Natawa ako.

"Malakas to eh" taas noong sabi ko sa kaniya. Napailing-iling nalang sya saakin at saka sinuklay-suklay ng daliri niya ang buhok ko. Natawa nalang ako bago muling nagpatuloy sa pagbabasa.

"Hindi ba kayo naboboring dyan? Kanina pa kayong magkatabi ni camia, ni hindi man lang kayo nag uusap" aniya kaya sabay kameng napatunghay ni camia sa kaniya. Nagkatinginan kame saka sabay na hinarap ang screen kay dada.

"Nagbabasa kame." sabay nameng sabi. Muli kameng nagkatinginan at saka sabay na natawa.

"APIRRR!" Sabay nameng sigaw ni camia saka nag high five.

"Parang mga baliw" anang dada. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Walang basagan ng trip da. Tska bat ka ba nandito? Maki-ungkot ka don oh?" sabay nguso ko kina rob. "Wala kang mapapala samen ni camia, nagbabasa kame" natatawang sabi ko. Napabuntong hininga sya.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now