Chapter 1

55 5 0
                                    

First

SY. 2015-2016

Nak ng pucha naman oh. Ang hassle naman ng first day of school ko na to. Konti nalang talaga mababadtrip na ko. Tsk.

Lakad lang ako ng lakad. Sumasakit na yung paa ko sa kakahanap ng classroom ko. Kung bakit ba naman kasi ayaw nilang magpapasok dito nung bakasyon pa eh, edi sana naka-bisita ako at nang maaga kong nalaman ang section ko. Kainis. Sa dami ng room dito, 20 sections per year level teh! Ano iisa isahin ko pa?! Imbyerna haa. Napapairap nalang ako sa hangin talaga eh

"BRUHAA!" sigaw ng pamilyar na boses. Paglingon ko nakita ko si Beverly kumakaway kaway pa sakin.

Susungalngalan ko to eh kung makasigaw akala mo nakalunok ng microphone. Tss

"ano?!"

"ay galet?" tawa nya sabay lapit saken. "Bat barino ka yata bakla? First day na first day eh!"

"eh bwisit na yan yung classroom ko hindi ko mahanap hanap! Ang dami daming tao ang hirap makisiksik para lang hanapin yung pangalan ko sa mga nakapaskil diyan sa bawat room!" sabi ko na parang nagsusumbong.

Ano ba namang trip ng school na to? Gustong gustong nahihirapan mga estudyante ah.

"oh chillax lang" biro nya
"si Leon ba nakita mo na?"

Tss. Isa pa yon. Konti nalang magtatampo na ko ah. Ilang araw na syang parang tamad na tamad kausapin ako tapos ngayong first day inaasahan ko nang maghihintay siya sakin para manlang sabay kameng pumasok pero umasa lang pala ako. Nak ng tokwa ahh.

"Di pa eh. Malilintikan sakin yon pag nakita ko. Akala ko iintayin ako sa labas eh lanjo nag assume ako sa wala bakla!" nakakainis.

"baka naman naghahanap lang din ng room niya"

Ewan ko bahala siya. Si Leon ay boyfriend ko. Sa hinaba haba ng storya nameng dalawa magkakatuluyan din naman pala. Haha! Bago palang kame, isang bwan at mahigit palang actually. Buong bakasyon ko lang siyang kausap sa phone kaya hindi naman naging boring ang summer ko. Hindi man nagkikita pero ayos na yon, kasi iniisip kong magkikita naman kame ngayon! Kaso hindi ko maintindihan kung anong problema nya nung isang araw pa. Patay talaga sakin yun mamaya.

"nakita mo na ba room mo dayong?" pag iiba ko sa usapan. Tinawag ko siya sa second name nya.

"Di ko pa napupuntahan pero alam ko na kung saan, may nakapag sabi saakin" sabi nya at mukang nagyayabang pa na hindi siya mahihirapang maghanap.

Ahh ganun pala ahh.

"lakas mo naman! Oh siya! Dahil swerte ka ay idadamay kita sa kamalasan ko. Samahan mo ko mag hanap ng room ko! HAHAHA!" Tawa ko sabay hila sa kaniya paalis.

"ha? Teka--" protesa niya pero wala na siyang nagawa kasi nahila ko na siya papasok sa auditorium. Dito kame dadaan kesa umikot pa ako. Buti nga sayo haha.

Nakapasok na kame sa loob nang bigla kong makita si Leon mula sa malayo. Makakasalubong ko siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito ang magiging una nameng pagkikita mula nung maging kame dahil puro lang naman kame text at tawag. Nag tuloy tuloy lang kame sa paglalakad habang nakatitig kay Leon. Malapit na, makakasalubong ko na sya ..

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong ikikilos ko. Gusto kong umastang mahinhin sa sobrang hiya ko kahit alam naman niyang magaslaw akong tao.

Nang malapit na malapit na siya, ngingitian ko sana siya dahil alam kong nakita na nya ko ng biglang..

Lahh ? Ano yon?!

Nilampasan ako? Teka bat ganon?
Natulala ako bigla. Para akong tangang nakasunod lang ng tingin sa kaniya.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now