Primo's party ended well. They were happy to meet primo..as well as primo's happy to meet them. Tuwang tuwa ang bata at mabilis niya ring nakasundo ang mga pinsan niya.
"Thank you ulit tita! Bisita ulit kayo dito ha?" ani ko sa mga tita kong taga maynila. Pauwi na sila sa bahay namen sa Lumingon. Doon sila tutulog sa mga lola ko.
Kumaway kaway ako sa kanila for the last time before picking my phone from my pocket na kanina pa ring ng ring. Mabilis ko itong sinagot habang nakatingin parin ako sa iba pang mga bisita.
"Hello?"
"Goodevening, teacher." napatingin ako sa screen ko. I raised my eyebrow when I saw the caller. Mabilis kong binuksan ang cam.
"Ang lakas naman yata ng loob mong tumawag sa akin, mister?" mataray na ani ko.
"Oh oh, galit na naman to sakin. Yung totoo, meron ka ba?" Tumawa sya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Huwag mo kong maasar-asar, ha! May atraso ka pa sakin!" napakamot siya sa ulo.
"Eh, sorry na nga. I told you, nagka-emergency lang sa bahay kanina kaya hindi ako nakapunta.. Besides, it's a family gathering.. I shouldn't be there." Napakunot ako ng noo.
"Bakit naman?"
"Eh syempre no, baka ako pa mapagkamalang ama ni primo." Ivan laughed. "I mean, wala namang problema sakin, kaya ko rin namang panindigan. Ikaw lang iniisip ko." Pang-aalaska niya saka kumindat sa akin. Umirap ako sa screen.
"Ewan ko sayo. Primo expected to see you here. Pasalamat ka at masyadong naaliw ang anak ko sa mga pinsan niya kaya hindi ka pa naaalala." napangiti si ivan.
"Don't worry, I will visit you one of these days." I nodded firmly.
"Yeah. You should. Magtatampo na si primo sayo, hindi mo siya binibisita." Ivan chuckled.
"Nakakamiss ang batang 'yon."
"Miss ka na rin naman niya, panigurado." Ivan looked at me teasingly.
"Ikaw, 'di mo ba 'ko miss?"
"Hindi." I answered flatly. Ngumuso siya. "Ang sungit naman ni teacher. Pakausap na nga lang kay primo. Mabuti pa ang batang 'yon, malambing." Pagtatampo kuno niya.
I sighed. "Ang dami mong arte. Kung nagpunta ka dito, diba? Kaasar ka naman. Wait hahanapin ko lang ang anak ko." ani ko at saka naglakad papasok ng bahay.
"Talk to him. Baka sumama pa loob no'n kasi hindi ka nagpakita. Alam mo naman 'yon.." ani ko habang hinahanap sa loob ng bahay si primo.
"Oo. Mahal na mahal ako no'n, eh!" Ivan laughed. I scoffed.
"Tumawag ka nalang ulit sa akin sa ibang araw. Kausapin mo muna si primo ngayon." Ivan nodded.
"Yes, ma'am!" He then saluted. Tss. May saltik yata ito, eh. Napailing-iling ako.
I found primo in the kitchen, talking to my lola from candelaria. Naglakad ako papalapit sa kanila.
"Primo.. Baka masyado nang nakukulitan si lola sayo." ani ko ng makalapit ako sa kanila. Mabilis na tumingin sa akin ang dalawa.
"Hindi naman apo, nakakatuwa nga itong anak mo, kay bibong bata!" napatingin ako sa lola ko.
Malaki na ang pinagbago ng katawan niya. Mas maedad na siya ngayon at hindi na rin nagpapaitim pa ng buhok.. Makes her look more older—but still a very pretty lady. I'm glad she's still healthy even after more than 6 years. I smiled.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
NonfiksiA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...