Chapter 19

16 3 0
                                    

"Oh anak ikaw ang pumili ng gusto mong sapatos. Siguraduhin mong iyong komportable ka ha?" bilin ni papa. Agad naman akong lumakad palapit sa kaniya at namili sa mga sapatos na nakahilera sa tindahan.

Dinampot ko ang isang simpleng black shoes na may design na ribbon at kaagad na sinukat. Nang maramdamang medyo luwag saakin, kaagad kong tiningnan ang talampakan noon upang makita kung anong size ba yon. Size 9, kaya naman pala.

"Papa, maluwag to sakin, may size 8 kaya sila nito?" sabay angat nung sapatos sa kaniya.

Kaagad naman siyang tumingin doon sa tindera at nagtanong kung meron noong size ng gusto kong sapatos saka humarap saakin.

"Sigurado ka na ba dyan? Ayaw mo ng may takong? Yung buo ang takong para hindi ka hirap maglakad." suhestyon niya na agad ko namang inilingan.

"Hindi na papa. Mabigat din kasi sa paa eh, tska ang bilis masira ng mga ganon." sagot ko.

"Takbo ka kasi yata ng takbo sa school niyo eh." paismid na sabi niya na ikinatawa ko.

Hindi ko naman tinatanggi. Tawag ko nga sa sarili ko, runner ng school eh. Kahit hindi naman dapat magmadali, tumatakbo pa rin ako. Wala lang. Im just not into slow walking kapag may gagawin o pupuntahan. Magagawa ko lang na maglakad ng mabagal kapag pauwi na, ganon.

Itinaas-taas ko nalang ang kilay ko kay papa bilang sagot saka ngumiti ng pagkalaki-laki. Napailing nalang siya saakin.

"Anak matuto ka ng maglakad at kumilos ng pang-dalaga. Para saakin at sa mga kaibigan mo ayos lang, eh pano sa iba? Sasabihin nila hindi magandang tingnan." panenermon niya. Napanguso naman ako.

"Aba ay baket? Hayaan mo sila papa. Wapakels sa mga yon, wala naman silang ambag sa buhay ko" ani ko. Napailing na naman si papa saakin.

"Hay nako bahala ka nga sa buhay mo. Basta kung san ka masaya, dun ka." pagsuko ni papa.

"Syempre!" sagot ko sabay tawa. Maya maya lang ay bumalik na iyong tindera bitbit ang sapatos na may size na pinapahanap ko kaya agad ko naman iyong sinukat.

"Hmm.. Medyo maluwag paren pero okey na to papa, magmemedyas pa naman ako eh." sabi ko sabay tunghay kay papa.

"Oh sige, abot mo na yan sa magtitinda at ng mabayaran ko na. Asan ng sapatos ng mga kapatid mo?"

"Ayun sa may upuan, pinatong ko muna saglit don" sabi ko sabay turo doon sa may gilid kung saan ko pinatong ang mga bagong sapatos ng mga kapatid ko.

"Aba ay kuha at baka manakaw pa. Wala na akong pamalit dyan" ani ni papa na ikinatawa ko nalang. Inabot ko din naman agad ang mga sapatos ng mga kapatid ko habang hinihintay na matapos ang pagsusupot sa sapatos ko. Nang matapos magbayad ni papa, kaagad ko munang niyaya si papa sa isawan para magmeryenda saka nagpabili ng mga bagong medyas para saaming magkakapatid.

"Oh ano? May ipapabili ka pa?" tanong ni papa habang nag iikot sa buong palengke. Natawa nalang ako saka umiling sa kaniya.

"Bakit papa parang nagrereklamo ka na?" natatawang tanong ko kay papa.

"Aba'y hindi naman, tinatanong ko nga kung may kailangan ka pa eh. Bibilhin lahat ni papa mo para sayo!" pakikisakay ni papa saakin dahilan para tumawa ako ng malakas.

"Ay weh? Bilhan mo nga ako ng de-touchscreen na cellphone papa?" panghahamon ko.

"Aba'y oo! Bibilhan kita wag kang mag-alala." ani ni papa na may pa mustra-mustra pa ng kanay sa ere. "Hindi nga lang ngayon" pahabol niya na muling ikinatawa ko.

"Biro lang naman papa! May cellphone pa naman ako. Katibay kaya nitong cellphone ko! Mamahalin pa kasi nokia!" pagmamayabang ko sa cellphone ko na bigay ng ninang ko saakin kasi pinaglumaan na niya, pero talagang magandang klase ng cellphone iyon. De-keypod nga pero Qwerty type naman. Panay ang pangungulit ko kay papa sa gitna ng palengke. Daldal ako ng daldal sa kaniya, saka tatawa ng tatawa at hahampas sa braso niya hanggang sa matapos kameng mag-ikot. Oo, ganito talaga ako kay papa. Parang kabarkada ko lang to eh.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now