Seeing my father lying on a coffin, breaks my heart. Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan maging ganon? Bakit napaka-rahas ng mga tao? Ayon sa mga pulis, malaki ang posibilidad na kakilala lang ng papa ko ang mga gumawa sa kaniya non, dahil base daw sa imbestigasyon, sa paraan ng pagkaka-handusay niya sa sahig, mukhang nagawa munang makapasok ng suspect sa bahay bilang bisita. My father even died while holding the pliers, a proof that he was being shot while doing his job—fixing appliances. Walang kaalam-alam na papatayin siya ng isang kakilalang pinagkakatiwalaan niya. Well, that was just a guess.. but who knows? Only God knows. Maaaring isa sa pinagkakautangan ni papa ang may kagagawan noon.Wala silang puso. Sinusumpa kong magpapayaman ako at ipapakita ko sa tao ang tamang gawin kapag mapera ka. Ang mga may kakayanan ang dapat na tumutulong sa mga kapos. Hindi na nagpapasimuno ng karahasan sa mundo dahil makapagyarihan.
Nandito kame sa Candelaria, dito ibinurol si papa katulad ng gusto niya. Tsk. It's just so funny how he keep on telling us before na 'Kapag namatay ako, dalhin niyo ako sa ina ko.' Makes me wonder if he already knew that he will die that time and he just let that to happen, without even telling us, without even asking for help. I don't know what to feel on that thought. I feel so fucking drain this fast few days.
Napaka-raming tao. Ni hindi nababawasan ang dami, bagkus ay nadadagdagan pa. Lahat ng kakilala namen ay nag pursiging pumarito kahit na malayo dahil sa Tiaong naman talaga kame nakatira. Maging ang lahat ng trycicle drivers sa barangay namen ay talagang itinigil muna ang pamamasada makapunta lang sa burol ni papa—pero ni isa sa mga kaibigan ni papa walang pumunta. Ni isa sa mga nakakasama niya araw-araw, walang nag abalang magpakita sa burol ni papa. I wonder why.
Natigilan ako sa pag-iisip nang tapikin ako ni mama sa balikat, agad akong lumingon sa kaniya. "Nandyan ang mga kaibigan mo, pakiharapan mo na muna. Ako na muna dyan" Napakunot ang noo ko. Sino pa ang dadating? kaaalis lang nina Genus dito ah? Huminga ako ng malalim bago tumayo mula sa pagkaka-upo. Ayoko sanang umalis sa tabi ni papa but since babantayan naman siya ni mama habang wala ako, hinayaan ko na.
Naglakad ako palabas at agad ko rin namang nakita kung sinong mga kaibigan ang tinutukoy ni mama. Napa-pikit ako ng mariin. Shit. Bakit nandito tong mga to? pagmulat ko ng mata ay agad akong pilit na ngumiti sa kanila saka sinuyod ng mata ko ang mga posibleng tao na nagdala sa kanila dito. Nang makita ko ang dalwang bruha sa may bandang likuran nila, pasimple ko silang tinaasan ng kilay habang nakangiti parin sa mga kasamahan nila para hindi nila mapansing ayaw ko silang nandito. Agad namang nag peace sign ang dalwa saakin saka pasimpleng lumapit para humingi ng pasensya.
"Hayaan mo na, ngayon lang naman eh. Nagpumilit kasi si amiel eh, nag-aalala daw sayo. Eh syempre sinamahan na ng buong tropa" ani ni ana na ikina-pikit ko muli ng mariin. The eff?! hindi nga ako nakikipag kita sa kaniya tapos pupunta siya dito sa teritoryo ng angkan ko? si Leon nga hindi ko nadala dito eh. tsk. Napahinga ako ng malalim. Oh well, alam ko namang concern lang sila saakin. Hayaan na, alangan namang pauuwiin ko pa? They already made an effort to visit me here, anyway. Nginitian ko silang lahat.
"Kayo talaga, Bakit naman pumunta pa kayo dito ng ganitong oras? halos hating gabi na rin ah? sana pinagpa-bukas niyo nalang. Napaka-delikado sa daan." ani ko.
"Nako jane, hindi na mapakali itong si amiel mo mula nang marinig niya ang balita. Gustong-gusto ka ng makita, kaya sinamahan na namen." pabirong sabi ni Ate Jessica na nasa tabi ni kuya Ryan habang tinuturo-turo si amiel. Lihim akong napangiwi. Anong Amiel mo? Jowa ko lang dapat sa text yan eh tsk. Bat ba nandito yan?
Napalingon naman ako sa gawi ni Amiel nang maaninag kong naglalakad na siya palapit saakin. Nako po naman.. utang na loob, wag kang gagawa ng eksena dito. Akmang yayakap na siya saakin nang makalapit kaya bago pa niya magawa yon ay pasimple na akong umiwas. Nginitian ko lang siya at hinawakan sa braso para di ma-offend saka agad na humarap sa mga kasama niya. "Pasok po muna kayo ate, magmeryenda muna kayo doon. Ihahanap ko lang po kayo saglit ng mauupuan" paalam ko saka mabilis na tumalima papasok ng bahay upang maipaghanda ng makakain ang mga bisita ko. Tinawag ko naman si ana at beverly upang sila ang magdala ng mga pagkain sa mga kasamahan nila bago ako naglabas ng maraming mono block chair para may maupuan sila sa labas. Masiyado ng crowded sa terrace eh.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
No FicciónA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...