Katulad ng inaasahan ay nakarating nga sa bahay ang nangyareng ka-bobohan ko classroom. Tsk, may sa chismosa yata si math ah?Wala naman silang ibang sinabi. Nagtanong lang kung okay na ba ako and then tapos na. Eh wala naman silang magagawa dahil alam naman nila ang dahilan kung bakit nagkaganon eh.
May lakad ako ngayong gabi, sasama ako kina ana sa usapang basta pagpatak ng 10pm ay uuwi na kame kaya naman matapos kong maghapunan ay inilabas ko na muna iyong english book ko upang magsaulo ng ipepresent kong tula sa isang araw sa klase habang nag-aantay ng tamang tyempo para maka-takas. Sayang naman kasi ang iaantay ko, mas mabuting gamitin ko nalang para maka-memorize kahit dalwang stanza.
Maya maya lang ay nakasaulo na ako ng tatlong stanza bago pa makitang wala ng tao sa labas kaya agad kong inayos ang gamit ko at naglakad papalabas. Sina ana at ang mga susundo saamin ay nasa kanto na kanina pa, ako nalang ang inaantay. Isa sa mga bagay na bilin saakin ni papa ang nasuway ko, ang wag umangkas sa motor.. Pero madalas naman ay lakad lang kame, may pagkakataon lang talagang kelangan mag motor pag medyo mapapalayo. Isa pa, nasasabihan naman silang wag magpatakbo ng mabilis eh.
"Oh ano tara na?" yaya ko sa kanila ng makarating ako sa kanto.
"Ang tagal mo naman ate jane?"
"Eh ang tagal magsipasok ng mga tao sa bahay eh. Tara na tara na! Hanggang 10 lang ha? Usapan yan." huling bilin ko bago walang sabing umangkas kay sa likod ni ana, tatlo kame sa motor. Yung boyfriend niya ang magdadrive, sunod syang naupo bago ako. Si beverlyn naman ay sa motor ni Kuya ryan umangkas.
Nang makarating kame sa brgy nila, as usual nagkayayaan na namang uminom kahit tambay lang naman ang usapan. At malamang alam ko na ang kasunod nito. Naparami kame ng inom lahat kaya naman ang usapang 10pm ay hindi na naman nasunod.
Sa sobramg hilo ko ay nakatulog ako dito sa may duyan, ako lang mag isa dito at hindi ko na makita yung dalwang bruha. May ilang mga kasama pa naman ako dito pero magkakalayo kame. Nang tingnan ko ang oras sa phone ko ay nagulat ako ng 2am na pala! Ang tagal ko namang nakatulog?
Agad akong tumayo at lumapit sa isang kasama namen. "Hoy.. Gising!"
"Hmmm" ungot niya kaya hinampas ko na sa balikat sa sobrang inip.
"Aray! Bakit ka namamalo?"
"Kanina pa kitang ginigising!"
"Eh bakit ba???" naiinis na tanong niya at nagkamot pa ng ulo.
"Nasan yung dalwa?"
"Sino ba kasing dalwa?!" asar na tanong niya at astang uubob na naman kaya hinampas ko ulit. "Isa!"
"Aray jane! Ano ba kasi?!"
"Nasan nga sina ana?! Kelangan na nameng umuwi!"
"Aish! Tsk nandon pumasok sa kubo kanina puntahan mo nalang!" kinutusan ko naman siya kaya nag reklamo na naman pero hindi ko na pinansin at dumiretsyo na sa kubo.
Kumatok ako ng kumatok sa labas hanggang sa magising sila at lumabas. Ayokong basta pumasok at baka kung anong makita ko.
"Dayong? Ana? Gising na kayo! Alas dos na!" katok lang ako ng katok hanggang sa magsilabasan sila, mga mumukat mukat pa.
"Aba ano? Walang balak umuwi? Tara na may pasok pa tayo mamaya!"
"Maya maya naman ate jane nahihilo pa kame eh" sabi ni ana.
"Nako kung wala pa kayong balak umuwi eh uuna na ako sa inyo at lalakarin ko nalang. Uumagahin tayo dito eh"
"Hindi na jane, intayin mo na kame. Mag kakape lang kame para matanggal ang hilo namen tapos ihahatid na namen kayo" sagot naman ni kuya ryan.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
NonfiksiA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...