Chapter 52

28 3 0
                                    

From: Daryll

Hey. I'm on my way.

Mabilis kong kinuha ang sling bag ko saka isinuot ang sapatos ko. Lalabas na ako at doon na mag-aabang sa kaniya.

"He's on his way na, anak. Aalis na ako." paalam ko sa anak kong kaharap. Tumuon ako sa kama upang mahalikan siya. Tumingala siya sa akin.

"Will you be okay, mommy?"

"Ofcourse, anak. Why?" Ngumuso siya.

"Nothing po, mommy. Please go home before my bed time." nanlalambing na aniya. Napangiti ako.

"Sure, baby. Sige. Wait for mommy, okay?" Primo nodded. I smiled.

"You can use the Ipad on my drawer, turn it on and I'll send you some of our photos." Nagliwanag ang kaniyang mukha.

"Really, mommy?" I nodded eagerly.

"Thank you, mommy!" Primo hugged me tightly. I hugged him back. "Oh, kiss na ulit sa mommy. Lalabas na ako."

Matapos kong magpaalam, lumabas na ako ng bahay. Ibinilin ko na muna si primo kay mama. Syempre hindi muna ako lumabas sa mismong gate. Swerte naman niya no, ang init init!

When I saw his car approaching, saka palang ako lumabas ng gate. Hindi ko na nga siya pinababa at agad nalang akong sumakay sa kotse niya. I know my son is watching me from our window. Baka kapag nakita niya ang ama niya ay hindi na makapagpigil at magtatakbo nalang bigla palabas ng bahay.

Pinanood lang ni daryll lahat ng ginagawa ko.

"Yow!" Tinanguan ko siya bilang bati nang makaupo ako.

Amusement filled his face. "Hey. Masyado ka naman yatang excited sa lakad natin?" napaismid ako. In your dreams.

"Baba na 'ko?" Daryll chukled.

"Biro lang." umirap nalang ako sa hangin. Mang-aalaska pa, eh siya naman itong nag-aya!

"Sa'n tayo?" Tanong ko nang simulan na niyang paandarin ang sasakyan pero nginisian niya lang ako. Hindi nalang ako nagtanong pa at pinabayaan siya kung saan niya ako dadalhin. As if naman may mawawala pa sa akin, no. Fotah.

Napanguso ako nang wala ng nagsalita sa amin. Ang awkward. I mean, hindi naman ito ang unang beses na nakasakay ako sa kotse niya ng kami lang. Hindi pa rin talaga ako komportable na nasa paligid ko siya. Napakamot ako sa ulo saka naningin nalang sa labas ng bintana.

After a few more minutes, he cleared his throat. Ako naman ay nakikiramdam lang.

"Uhh, kumain ka na ba?" biglang tanong niya. Napakunot ako ng noo.
"Lahh, pa-fall." Hindi ko napigilang mapabulong.

Sa lahat ng pwede niyang sabihin, 'yan talaga? Wala bang iba? 'yung bago-bago sana!

"What?" umayos ako ng upo.

"Wala. Sabi ko hindi pa ako kumakain, kamo." Sabi ko nalang.

"What? Why? Ala-una na ng hapon, Asther Jane Resureccion." mangha akong napatingin sa kaniya.

"Ay wow, may pa-full name." Gasumot ang mukha niya nang sumulyap sa akin.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Umirap ako sa hangin.

"What's your deal? Kakain ako kung gutom ako." pagsusungit ko. Hindi siya kaagad nakaimik.

"Sorry. Nag-aalala lang naman ako.."

Mariin akong napapikit. Fotah naman, Jane. Ayusin mo naman! Huminga ako ng malalim. Fine. For primo. Tumikhim ako.

"Uhh, B-busog pa kasi ako kanina bago ako maligo. Tapos almost 1pm naman na nung matapos akong mag-ayos kaya ano ... hindi na ako nakakain." Pagbawi ko sa kaniya.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now