Chapter 60

13 2 0
                                    


Chapter 60


I can't believe my son got hospitalized in his own birthday. I know this is my fault... and I don't know how could I punished myself for being a bad mother. Sa mga oras na iyon ay gusto kong tanggapin ang mga ibinibintang ni Daryll sa akin. Iresponsable nga siguro ako.

Buong gabi akong nakabantay sa anak ko. Nagising na siya kanina pero kaagad ko ring pinatulog matapos kong pakainin ng hapunan. Hindi ko na muna kinausap ng matagal dahil kahit gaano kong gustuhing kamustahin siya at humingi ng tawad sa kaniya ay mas importante parin para sa akin ang makapag pahinga siya.

Halos hindi ako nakatulog. I don't want to take my eyes off my son sa isiping bigla siyang magising at wala ako para matutukan siya. Lumipas yata ang gabing iyon na hindi naalis ang panginginig ng mga kamay ko. Takot na takot ako. Ang hirap sa mukha ng aking anak habang naghahabol ng sarili niyang hininga ay nakatatak sa akin. Iyon ang ayaw na ayaw ko nang makita sa kaniya. Napaka-bata niya pa para kakitaan ng ganoong paghihirap kaya nga ginagawa ko ang lahat para lamang hindi siya mapagod at atakihin kalaunan pero sa ikalawang pagkakataon ay pumalya ako bilang isang ina.

Muli na namang tumulo ang luha ko. Mabilis ko itong pinunasan habang hawak ang kamay ng anak kong natutulog. Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Siya lang ang tanging lakas ko.

It was already 5am when mama arrived. Pinauwi ko kasi ito para makapag pahinga ng maayos. Kaya ko namang bantayan si Primo ng ako lang. Inilapag niya ang ilang prutas sa may lamesa saka humarap sa akin ng nakapamaywang.

"Aba'y anak, wala ka bang balak papasukin ang dada mo rito sa loob? Umalis akong naroroon iyon sa labas at ngayong magdamag na ang nakalipas ay naroroon pa rin? Kawawa naman iyon." Napakunot ang aking noo.

"Anong ginagawa niya roon sa labas? Hindi ba siya umuwi?" kagabi kasi ay nagpupumilit itong pumasok sa loob pero sa kagustuhan kong makapag pahinga ang anak ko ay hindi ko ito pinapasok. Alam kong marami siyang tanong sa akin at hindi iyon ang tamang oras para doon. Maiingayan lamang ang anak ko sa kaniya at magagambala sa pagtulog. Ayaw ko namang lumabas dahil... gusto ko ay nakatutok ang paningin ko sa anak ko lalo at wala namang ibang bantay kundi ako.

At isa pa, naaburido parin ako sa kaniya.

"Aba ay kung umuwi iyon ay paniguradong nagpalit na iyon ng damit. Hanggang ngayon ay naka-asul na polo pa rin. Labasin mo na roon at kawawa naman." Mas lalong kumunot ang noo ko at halos ayaw sumunod. Tila nabasa yata ni mama ang nasa isip ko kaya sinermunan na naman ako.

"Isa, Jane. Hanggang kailan kayo magtatalo ng lalaking iyon? Mas lalong hindi makakabuti sa apo ko kung hindi niyo pa pag uusapan iyan." Napabuntong hininga ako.

"Lalabas na nga. Pero masama pa rin ang loob ko. He's at fault too kaya naririto ang anak ko."

"Basta't labasin mo roon at kausapin mo. Baka gustong makita ang anak niya, pagbigyan mo na."

"Fine. It will be the last, anyway." Masama ang loob na saad ko saka tumayo at naglalakad papunta sa pinto. "Si Primo, ma." Bilin ko saka ako lumabas ng kwarto.

I pursed my lips when I saw him sitting on the waiting room chair. He was still wearing what he wore yesterday. So, he really did stay here the whole night, I can see. Nakatulala ito sa kawalan, tapping his feet habang magkahawak ang kamay at pinaglalaruan ang mga daliri niya. Napatitig ako roon.

Like father like son.

Tumikhim ako at saka umupo sa upuan, may isang pagitan mula sa kaniya. Naramdaman kong mabilis siyang napalingon sa gawi ko pero hindi ako lumingon at nanatili lamang na nakatingin sa harapan.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now