Chapter 36

21 3 0
                                    

"Akala ko hindi ka makakasama? Tska ang porma mo naman?" puna ko sa suot niya.

Kung titingnan mo siya, mapapansin mo talaga na ang OP ng suot niya sa lugar.
With his white polo shirt that is covered with his denim jacket, with his denim pants and an old shool vans as his shoes? Akala mo rarampa sa kung saan, naka brush-up pa ang buhok!

Pormang-porma!

"May acquaintance party kasi kame eh..hindi ako umattend." natawa ako.

"Napaka-bait mo talagang bata ka!" ani ko. Natatawa naman siyang nagkamot ng ulo.

"Hanggang 10 lang ako dito." napa-maang ako.

"Ha? Bakit?!" bagsak balikat na tanong ko

"Eh hindi naman kasi ako pinayagan mag-overnight. Dumaan lang talaga ako saglit dito." napanguso ako.

"Ano ba yan dada, minsan ka na nga lang namen makita may time limit pa!" tipid siyang napatawa saka ginulo ang buhok ko. Tsk.

"Hayaan mo na payat. Atleast nakapunta ako diba?"

"Tsk." sabi ko nalang saka ko sya hinila papasok sa cottage. Sina judy ay nagkayayaan ng mag-swimming. Nakakatawa si judy, halatang gustong lumapit at makipag kwentuhan kay dada pero di magawa kasi kasama ang boyfriend.

"Oh kumain ka muna 'da. Sige lang, wag kang mahiya" natatawang alok ko. Agad din naman siyang sumandok ng pansit.

Nakaupo lang ako don sa tabi niya habang kumakain siya. Nakikipag-kwentuhan. Nakiki-update sa buhay niya.. Literal na nagsusulit ng oras.

Napatigil lang ako saglit sa pakikipag-usap kay dada ng tawagin ako ng barkada.

"Payat! Mag-swimming ka na!"

"Lika dito bakla, sarap maligo!" napanguso nalang ako saka umiling sa kanila.

"Mamaya na ako!" sigaw ko pabalik.

"Bakit ayaw mo pang maligo?" tanong ni dada nang humarap ako sa kaniya. Kinunutan ko sya ng noo.

"Eh sinong maiiwan dito para makausap mo kung maliligo ako?"

"Ayos lang naman ako dito. Walang nanakaw sakin." natatawang aniya. Sinamaan ko nalang ng tingin.

"No way! Hanggang 10 ka na nga lang dito eh, aalis pa ko? Wag na, dito nalang muna ako hanggat nandidito ka. Ako mage-entertain sayo." nakangusong sabi ko.

Tinawanan lang ako ni dada at hindi na nagpumilit.

Abala ako sa pakikipag-usap kay dada pero talagang nadidistract ako ng mga tawanan at tilian ng barkada sa pool kaya madalas akong napapasulyap doon.

After a few minutes, hindi ko na natiis. I look at dada with my lips pouted.

"Dada, magbabasa lang ko ha? Naiinggit kasi talaga ako eh. Tatalon lang ako ng isa sa pool tapos babalik na ako dito. Ha?" pamamaalam ko kay dada saka nag mamadaling tumayo.

Tumawa si dada. "Sige na mag swimming ka na muna don, ayos lang ako dito."

"Isang talon lang da!" sigaw ko saka mabilis na tumakbo sa pool at tumalon sa tubig.

Ahh.. Ang lamig ng tubig!

"Oh pasan ka na?" takang tanong ni pichie ng mabilis din akong umahon sa tubig.

"Kay dada."

"Ay wow. So nagbasa ka lang pala talaga?" natatawang aniya.

"Oo naiinggit ako sainyo eh. Dun muna ako kay dada, hanggang 10 lang pala sya dito eh. Susulitin ko na." sabi ko nalang saka naglakad na ulit pabalik ng cottage.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now