"A-ang hirap hirap nang magpanggap.." namamaos niyang sabi saka yumuko at ilang saglit lang ay kita ko ng umaalog ang balikat niya.. Nag simula siyang umiyak.Hindi ko malaman ang gagawin ko. Hindi ko gusto ang mga naririnig ko at nagtatalo ang puso at isip ko.
"A-ano bang sinasabi mo leon? Bakit bigla kang nagkaganito?" sinubukan kong maging buo at wag mangatal ang boses ko para hindi niya mahalatang naapektuhan ako.
"Siguro may problema kayo ni rodalyn no?" pilit kong pagbibiro na agad naman niyang inilingan.
"Hindi.. Wala siyang kinalaman dito jane. Sadyang hindi ko nalang talaga kayang itago." nagsusumamong sabi niya
"Hindi kita maintindihan" napapailing nalang ako sa sitwasyong ito.. Ramdam na ramdam ko ang mali sa sitwasyong ito.
"Jane please makinig ka .." hinawakan niya ang dalwang kamay ko at pinagkatitigan ang mukha ko. "Mahal kita.. Kahit kelan hindi ka nawala jane"
Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay umiiling na ako at pilit hinihigit ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan. "Jane please maniwala ka naman sakin ohh.."
"Bitaw"
"Jane.. Makinig ka muna sakin.. Pakinggan mo ko"
"Sinabi ng bitaw!" at saka buong pwersa kong hinigit ang kamay ko.
"Ano bang nangyayare sayo? Hindi kita maintindihan leon.. Ang labo mo rin eh. Bakit mo niligawan kung hindi mo naman pala gusto? Wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao eh no?" naasar na sabi ko.
"Jane hindi ganon.. Gusto ko rin naman siya eh,napaka buti niyang tao. Niligawan ko siya kasi alam kong hindi ako mahihirapang mahalin siya pero hindi ko naman kasi alam na mahihirapan pala akong kalimutan ka.." nagsusumamong sabi niya kaya napatawa nalang ako. Ibang klase ..
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" nagsisimula ng mamula ang mata ko sa galit. Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Hindi ko gusto ang usapang to.
"Jane alam kong mahal mo pa ako.. Nararamdaman ko yon." at mukhang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya, napatingin naman ako sa kaniya na parang nanunuya pero nagpatuloy siya.
"Nakikita ko yun eh, nararamdaman ko. Alam kong mahal mo pa ako"
"Sinong may sabe?" taas kilay kong tanong. Napaiwas naman siya ng tingin.
"Basta nararamdaman ko" napaismid naman ako.
"Kung meron mang may pagmamahal sayo saming dalwa ni rodalyn, siya yon. Tigilan mo nga ako leon. Tigilan mo na ang usapang to dahil walang wala ka sa hulog."
"Nararamdaman ko naman yon eh.. Ramdam kong mahal niya ko pero parang laging may pag-aalinlangan, hindi tulad ng sayo na mabigat.. Malalim"
"Ahhh kaya gusto mo ng bumalik saakin ngayon dahil parang nararamdaman mo na hindi sigurado na sasagutin ka nung isa ganon ba? Kaya babalik ka saakin kasi alam mong tatanggapin at tatanggapin kita ganon ba?!"
"H-hindi naman sa ganon jane.. Sadyang ikaw lang talaga ang mahal ko. Please naman oh.. Just listen to me first please .. Please" pilit niyang inaabot ang kamay ko pero iniiwas ko na. Walang kwenta ang usapang ito.
"Alam mo.." tatawa tawa kong panimula. "Wag mong sayangin ang kaibigan ko. Buti nga sa kaniya may makukuha ka pang pagmamahal kahit konti eh. Kasi saakin? Wala na. Said na said na." may diing pagsasabi ko para maintindihan niya. Agad naman siyang umiling sa sinabi ko. Taliwas man sa nararamdaman ko ang sinasabi ko pero pinanindigan ko.
"Hindi totoo yan jane.. Ramdam ko meron pa.. Alam kong mahal mo pa rin ako.."
"Sala ang pakiramdam mo kung ganon." agad akong tumayo at iniabot sa kaniya ang supot ng damit na binili niya para saakin. "Ayaw ko na niyan. Sayo na yan. Umuwi na tayo" at saka ako diretsyong naglakad papunta sa bus stop upang mag abang ng masasakyan. Agad naman siyang sumunod saakin. Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
No FicciónA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...