Mabilis na lumipas ang panahon at patuloy na umusbong ang balitang panliligaw ni leon sa kaibigan ko. Well, hindi naman sa famous sila pero dahil sa mga kilala kong basta basta ko nalang nakakausap kung saan ko sila maabutan ay parating nababanggit saakin ang usaping tungkol dyan, syempre ay kasama na doon ang pangungumusta kung ayos lang ba saakin iyon.Wala naman na akong magagawa sa bagay na yon. Doon sila masaya eh, parehas silang malapit sa puso ko kaya magiging masaya nalang ako para sa kanila. Minsan lang ay napapaisip ako dahil nakakabilib ang pagiging mabilis ni leon na maka-recover sa tungkol saamin.. Kung sa bagay ay halos anim na bwan narin naman ang nakalipas mula noong maghiwalay kame at apat na buwan naman noong manligaw siya kay rodalyn. Siguro ay wala namang problema? Kung nagawa niyang magmahal agad ng iba eh ano namang magagawa ko doon?
Nakakainggit.
Kasi yung bagay na ginagawa niya ngayon ay hindi ko magawa. Nakakatawa mang isipin pero para bang natrauma ako na lahat ng lalaking makikipag lapit saakin ay parang sasaktan lang ako.. Hindi naman sa nagiging OA pero ewan ko ba.. Siguro ay talagang hindi palang ako handa para sumubok ulit sa bagay na yan. Takot pa ako ..
Naalala ko tuloy iyong huling lalaking nagtangka manligaw saakin ..
Nasa parke ako ngayon dito sa bayan at dumadayo lang ng tambay. Gabi na dahil sadyang ito ang sadya namen, maaliwalas kasi sa pakiramdam kapag gabi at hindi mainit kumapara sa araw. Dito lang kame madalas tumambay kapag walang balak dumayo ng inuman at sadyang ang nais lang ay tumambay. Kasama ko sina ana at beverly at ang iba pa nameng kabarkada rito.
Nagkukwentuhan lang kame buong oras, tawanan dito asaran doon. Actually may bago dito eh, hindi namen siya kilala nina ana pero batid kong magkakaibigan na sila ng iba pa nameng kasama pero hindi saamin. Ilang gabi ko na siyang nakikitang kasama namen sa twing tatambay kame dito at pansin ko rin ang madalas niyang pag sulyap saakin pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.
"Lipat tayo doon sa may duyan? Nilalamok ako dito eh" aya samin ni beverly. Agad naman akong sumangayon dahil talagang malamok dito, nasa may madilim kasi kameng parte, nagmamasid lang sa ibang mga tumatambay habang nagkukwentuhan.
"Oh ate jane san kayo pupunta?" tanong sakin ni Genus nang magsitayo kameng tatlong babae.
Ate ang tawag sakin ng lahat dito, kahit pa mas matatanda sila saakin. Bakit? Hindi ko rin alam. Pero ayon sa kanila ay dahil kung umasta daw ako ay parang matanda. Madalas ko kasi silang sermunan kapag may napapansin akong 'sobra' sa mga kinikilos nila. Kapag may malapit nang mag riot ay palaging hindi natutuloy dahil pumapagitna agad ako, lahat ng pinapayo at panenermon ko ay tinatanggap nila, hindi ko alam pero nakikinig talaga sila saakin kaya syempre natutuwa naman ako doon. Pakiramdam ko ay ang taas ng respeto nila saakin. Kaya ang resulta? Syempre kina-career ko na.
"Lipat muna kame dun sa may duyan, ang lamok dito eh. Tigil mo na nga yan, nakakatatlo ka na baka hindi mo alam?" sita ko sa paninigarilyo niya. Agad naman niyang binitawan iyon at inapakan.
"Sorry ate hehehe" inirapan ko naman siya.
"Bukas na ulit yan, abusado ka naman." sabi ko sabay irap at turo sa duyan. "Lapit nalang kayo samen don, magmo-moment lang kameng girls don" sabi ko sabay lakad papuntang duyan kung saan maliwanag.
"May dala ba kayong pera? Bili tayo" yaya ni ana saamin. Agad naman akong umiling
"Kayo nalang hindi ako nakahingi kay papa eh. O dikaya ilibre nyo nalang ako" biro ko sa dalawa na agad namang nagsi-ayos ng upo at hinele ang sarili sa mga duyang kinauupuan.
"Hindi na pala ako gutom"
"Ako rin, dami kong nakain sa bahay eh" napailing nalang ako sa mga sinabi nila.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
SachbücherA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...