I picked up my phone when it beeped for the nth time.
'Jane..'
It was dada's once again. I sighed before turning off my phone. Inilapag ko nalang ito muli sa mesa saka ako tumayo at naglakad palabas bitbit ang nangangalhati ko ng bote ng SanMig.
Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin. Akalain mong paparating na naman ang 'Ber' months? Muli akong nagbuntong hininga.
Today is the 28th day of august. Dalwang linggo ko na siyang nami-miss.. Kasi dalwang linggo ko na rin siyang iniiwasan.
Sa totoo lang nahihirapan na ako. Hindi ako sanay. Ayoko sa katotohanang nagawa ko siyang tiisin ng dalawang linggo. Na nagawa ko siyang hindi pansinin at hindi pag paramdaman ng dalwang linggo.
Kaso anong gagawin ko? Ayoko man pero alam kong tama lang ito. Tama lang na dumistansya na muna ako kasi napapahiya lang ako sa sarili ko.
Na aasa akong may kakaiba saamin kahit na wala naman.
How I hate myself for assuming. How I hate myself to even think na posibleng magustuhan niya ako.
Ang tanga tanga ko.
Muli kong tinungga ang bote. Malaki ang pasasalamat ko sa dilim. Walang nakakakita ng mga luha kong pumapatak para sa walang kwentang dahilan. Mabilis ko itong pinunasan at saka bahagyang natawa.
Tanginang luha 'yan. Napaka-babaw.
Tumingala ako at bahagyang pumikit. Pilit pinauulit-ulit sa isip kung anong napag usapan namen ni fransha bilang paalala kung bakit kailangan kong magtiis ngayon na walang presensya ng taong pinaka-paborito ko sa lahat.
Respeto ko manlang para sa sarili ko.
"So kamusta ka naman jaja? Grabe ang tagal na nating hindi nakakapag-usap!" hila-hila niya ako palapit sa waiting shed.
"Okey lang, eto kahit papaano nakaka-utay naman sa kurso ko." I laughed. Sabay kameng naupo ng makarating sa shed.
"Talaga? Ano bang course mo?"
"BEED. Elementary Education. Di halata no?" natatawang biro ko. Pabiro niya akong hinampas sa braso.
"Oy hindi kaya. Bagay sayo jaja!" pangungumbinsi niya. Napailing nalang ako.
"Ikaw, kamusta ka naman?"
"Hmm. Okey lang din. Masaya ako sa kurso ko!" masiglang aniya. Napangiti ako.
"Sana all, hindi stress." Natatawang ani ko.
"Hindi rin." agap na mustra niya. Humilig siya sa balikat ko. "Alam mo ba, jaja? Noong first year ako, sobrang kinain na 'ko ng stress. I even have to take a med para lang kumalma ako, minsan." napatungo ako sa kaniya.
"Why?" nagbuntong hininga siya.
"Basta sobrang daming problema non. Sa school, sa bahay.. Kay jake.." pahina ng pahinang aniya. Si jake iyong naging boyfriend niya if I'm not mistaken. Ang paulit-ulit niyang pinili.
"Nagka-issue kasi kame sa ibang babae nung gagong yon, eh." Nagbuntong hininga siya.
"Ang lala pala kapag nab-brokenheart no? Dati tinatawan-tawanan ko lang 'yung mga taong nagagawang magpakamatay dahil lang sa nasaktan sila...pero nung ako na 'yung nakaranas? Naintindihan ko na.. Hindi pala talaga siya madali." mataman akong napatingin sa kaniya.
"'Yung gabi-gabi kang sinasaktan ng isip mo.. Ang dami-daming tanong. Kung bakit niya ba nagawa 'yon? Na ano bang mali sakin? Saan ba ako nagkulang? Na kung deserve ko ba 'yon? Mga gano'ng tanong ba. Ang bigat sa pakiramdam, jaja."
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...